"I'm not useless, I can be a bad example of it." - janna
12:54 AM
Hindi parin ako dinadalaw ng antok dahl sa nangyari kanina, hindi ko alam ang gagawin sa aking sarili pag may masamang nangyaring sa aking ama, wala naman sa plano ko ang patayin siya eh, gusto ko lang naman ilabas ang galit ko kahit isang beses lang.
Dahil hindi parin ako dinadalaw ng antok ay pumunta nalang ako sa sala, hinihintay si Mama na umuwi para tanungin kong kamusta na si Papa? kung kailan sila lalabas? o malala ba ang lagay ni papa? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, sa tingin ko'y wala na akong patutunguhan, wala akong future.
Mas lalu pang bumigat ang kalooban ko dahil hindi nila 'ko pinapunta sa hospital, baka daw mas lalung lumala si Papa pag nakita daw niya 'ko, hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatabuyan ako ng pamilya ko? wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila para bigyan nila 'ko ng ganitong treatment. Minsan nga iniisip ko baka ampon lang ako o ano?
"Janna, kumain ka muna." Agad akong tumingin sa aking likuran at nakita ko si Yaya Susan na may dalang ice cream at cookies.
"Sige po." Iyun nalang ang nasagot ko tsaka niya nilapag ang ice cream at cookies sa mesa, naupo naman si Yaya sa tabi ko sabay haplos sa buhok ko.
"Wala kang kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo." Banggit ni Yaya habang hinahaplos-haplos ang aking buhok, sa bahay na ito, Si Yaya lang ang kakampi ko, minsan nga dinadasal ko na sana'y ako nalang ang anak niya, kahit mahirap, mayaman naman sa pagmamahal.
"Oh siya, di ka paba matutulog?" Tanong nito sakin, umiling nalang ako bilang sagot.
"Mauna na 'ko ah? sumunod ka nalang." Wika nito tsaka siya tumayo, nakatitig lang ako kay Yaya pati narin siya. Natitig lang siya sa'kin.
Tapus bigla niyang binuka ang kanyang kamay, nag s-sign na yakapin ko siya kaya agad ko naman siyang niyakap at doon na ako humalughog ng iyak.
Hindi ko maintindihan kong bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko? pamilya na nga lang ang merun ako pero pilit nila 'kong nilalayo, nagiging outcast na ako. Araw-araw kong tinitiis ang mga panlalait nila sakin, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapansin nila 'ko pero parang kulang parin, Tsaka lang nila ko papansinin pag may kasalanan akong nagawa, kaya minsan hindi ko na sinusubukan pang gawin ang nakasanayan kong gawin dahil alam kong wala na ring kwenta.
I wonder, Why did I exist?
BINABASA MO ANG
No More Pain
RomanceAll this time I was finding myself and I didn't know I was lost.