Yellow Rose
A/N: Sorry for the typos and errors you will probably see as I've not read it yet. I will correct it once I'm free.
"Ang ganda mo talaga." Natawa ako sa narinig.
Tumayo ako at lumapit sa malaking salamin sa loob ng kwarto kung na saan ako. Nagulat ako ng makita ang itsura sa salamin.
"Ayan!" Masaya niyang sinuot sa akin ang isang kulay pula at bilog na sumbrero.
Napangiti ako ng makita ang sarili. Bumagay sa suot ko ang pulang sumbrero. Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit at umikot ikot sa harapan ng salamin. Ang mahaba at natural na kulay pula kung buhok na nakaayos ngayon ay masayang sumasabay sa bawat pag-galaw ko.
"Alaya." Natigil ako ng makita si Inay na nakatayo sa labas ng pinto.
"Tiya! Ang ganda ni Alaya hindi po ba?" Lumapit ang pinsan kong si Ester kay Inay.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Inay. Napabuntong hininga ako at lumapit sa kama para maupo.
"Naglalaro po. Gusto ko kasing bihisan si Alaya gamit ang mga damit ko na galing pa ng maynila." Kumapit siya sa braso ni Inay. Mabilis niya rin itong inalis nang makita ang tingin ni Inay sa kanya.
"Sige pero kapag tumawag ako mamaya ay dapat tapos na kayo." Mabilis siyang umalis. Natawa naman si Ester at sinarado ang pinto bago lumapit sa akin.
"Kahit kailan talaga iyang Inay mo ay masungit sa akin at sa'yo. Naglalaro lang naman tayo." Ngumiti ako.
"Ganon talaga si Nanay. Ayaw niya lang naman na mapahawak ako pati narin ikaw, Ester." Natawa siya sa sinabi ko at hinawakan ang dulo ng buhok ko.
"Hindi siya ganon. Alam kong alam mo kung anong ibig kung sabihin, Alaya." Tumayo ako. Tumawa siya.
"Pasensya na. Nagbibiro lang naman ako." Tiningnan ko lang siya at nagpasya ng lumabas ng kwarto niya.
"Saan ka pupunta?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ko.
Sinara ko ang pinto ng aking kwarto at mabilis na lumapit sa kama at nahiga. Hindi ko gusto ang sinabi ni Ester pero alam kong nagsasabi lang naman siya ng totoo.
Napangiti ako ng marinig ang tunog ng isang ibon na nakadapo sa bukas kong bintana. Tumayo ako at lumapit dito.
"Kamusta?" Nilapit ko ang kamay sa ibon. Napangiti ako ng tumalon siya sa kamay ko.
"Ang ganda mo naman." Nilapit ko siya sa mukha ko. Ang munting ibon naman ay hindi man lang natinag sa ginawa ko.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ang munting nilalang na ganito ay hindi man lang natatakot sa akin. Mukhang gusto nga nila ako.
"Sandali!" Ang munti kong kaibigan ay lumipad na palayo. Napanguso ako.
"Alaya!" Boses ni Ester at katok sa pinto ng kwarto ko.
"Bakit ba?!" Inis na sigaw ko.
"Tinatawag ka ni Tiya! May iuutos siya sayo kaya bilisan mo!" Narinig ko ang habang ng mga paa niya palayo. Napabuntong hininga ako.
Lumabas ako ng kwarto at mabilis na tumakbo pababa sa hagdan. Narinig ko naman ang boses ni Ester sa kusina kaya dumiretso ako sa sala.
"Lola." Lumapit ako sa matanda na nakaupo at humalik sa pisnge niya.
"Alaya!" Boses ni Inay sa likod ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong tumakbo sa pinto na nasa kusina para makapunta na kay Inay. Natawa si Ester ng makita ako.
"Anong ginawa mo sa pinsan mo?" Rinig kong tanong ng Tatay niya sa kanya. Tumawa lang siya bilang sagot.
"Bakit po." Lumapit ako kay Inay na nagsusunog ng kahoy para sa niluluto. Sira na naman siguro ang lutuan sa kusina.
"Kumuha ka ng mga kahoy para dito sa niluluto ko. Damihan mo." Mabilis akong tumango.
"Nasa gubat ang Tiya mo. Doon ka na pumunta para kumuha ng mga kahoy at ng may kasama naman siya."
"Sige po." Umalis na ako sa tabi ni Inay at tinahak ang daan papunta ng gubat.
Tanging huni lamang ng mga ibon pati narin ang mga tuyong dahon na naaapakan ko ang naririnig ko. Ang liwanag na galing sa araw na tumatama sa mga puno at dahon nito ay naging parang mga bituin na tumatama sa lupa.
"Alaya!" Masaya akong lumapit kay Tiya.
"Anong ginagawa mo, Tiya?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.
Nagulat ako ng makita ang mga bagay na nasa kamay ni Tiya.
"Gusto mo?" Tanong niya at sabay abot sa akin ng mga makukulay na bulaklak na hawak niya.
Ngumiti ako at tinanggap ang mga bulaklak.
"Ang ganda. Salamat po!" Ngumiti sa akin si Tiya.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Sabi ni Inay na pumunta ako dito sa gubat para may kasama naman po kayo at kailangan din po kasi ni Inay ng mga kahoy para sa niluluto niya kaya dito na po ako pumunta" Sagot ko.
"Sige ako na ang kukuha ng mga kahoy." Ngumiti si Tiya sa akin at magsimula na siyang maghanap.
Pinagmasdan ko naman ang mga bulaklak na hawak. Ang gaganda nila.
Napangiti ako ng makarinig ng huni ng mga ibon. Tumingala ako at pumikit."Ester?" Napakunot noo ako ng makarinig ng mga paggalaw ng mga tuyong dahon na nasa lupa.
Nilingon ko mona si Tiya na abala sa ginagawa na utos sa akin ni Inay bago nagpasyang sundan ang pinsan.
"Ester!" Tawag ko.
Nagmadali ako sa paglalakad ng may nakitang babae na tumatakbo at nagtatago sa mga puno. Nakasuot siya ng puting bestida. Ang bahaba, kulot at itim na buhok niya ay sumasabay sa hangin at sa pagtakbo niya.
"Sandali!" Nagpatuloy siya sa pagtakbo at pagtatago sa mga puno.
Natigil lang ang pagsunod ko sa kanya ng nilingon niya ako.
Ang suot niyang bestida ay bumagay sa mala-gatas niyang balat. Ang maliit at matangos na ilong ay nababagay lamang sa kanya. Maamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin pagkatapos ay ngumiti siya sa akin gamit ang kulay rosas na mga labi.
"Pasensya na. Akala ko ikaw si Ester na pinsan ko." Tumawa siya.
Lumapit sa akin ang magandang batang babae. Napayuko ako sa hindi malamang dahilan.
"Gusto mo?" Nagulat ako ng nilahad niya sa harapan ko ang isang kakaiba ngunit pamilyar na bulaklak. Isang dilaw na rosas. Ngumiti siya.
"Salamat." Ngumiti ako at tinanggap ang bulaklak na bigay niya.
"Ano nga pala----" Hindi kona na tapos pa ang sasabihin ko ng makita ang isang orasa na nasa harapan ko na hawak niya.
""Bibigyan kitang nang isang oras, Alaya. Gusto kong mapunan ang malaking kulang sa puso at pagkatao mo." Binaliktad niya ang hawak at inabot sa akin. Hindi ko alam at maintindihan pero tinaggap ko 'yun.
"Tumatakbo ang oras."
Nagulat ako nang bigla siyang nawala sa harapan ko. Tiningnan ko ang paligid ko at mas lalo akong nagulat nang malamang wala na ako sa gubat.
"Asan ako?" Bulong ko. Tinignan ko ang hawak na orasa at ang mga bulaklak. Hindi ito panaginip.
Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto kung na saan ako. Malawak ito at kahawig lamang ng aking totoong kwarto.
"
BINABASA MO ANG
Silhouettes of Time
Короткий рассказCollection of short stories. Cover is not mine. Credits to the rightful owner. Tempus fugit (Time flies)