01 - Rosemary

39 4 1
                                    

Rosemary

A/N: Sorry for the typos and errors you will probably see as I've not read it yet. I will correct it once I'm free.

Napangiti ako nang makita ang asul na langit at ang mga ibon na malayang lumilipad sa kalangitan. Ang mga kulay berdeng bundok na nasa paligid na animo'y pinoprotektahan ang magandang lugar na ito ay mas lalong nagpangiti sa akin.

"Ang ganda." Bulong ko.

Tinangay ng malinis na hangin ang mga halaman sa paligid kasama na ang suot kong sumbrero mabuti na lang at mabilis ko itong nasalo. Bigay pa naman sa akin ito ni Nanay.

"Malapit na tayo!" Tiningnan ko ang matandang nagmamaneho nang jeep na sinakyan.

Sa wakas ay makakauwi na rin ako.

Inayos ko ang bag na dala na nasa aking hita at sinuot. Ang hawak ko namang sumbrero ay muli kong nilagay sa aking ulo.

"Salamat po!" Ngumiti at kumaway ako sa matandang nagmamaneho ng sinakyan. Tumango siya at nagpatuloy na sa pagalis kasama ang iba pang mga pasahero.

Tinignan ko ang pamilyar na daan pauwi sa amin at mabilis na tumakbo. Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang mga kapatid ko lalo na si Nanay.

Ang mga taong nasa labas nang kanilang mga bahay na nakikita akong dumaraan ay natutuwa at binabati ako.

"Anne! Ang laki mo na." Ngumiti ako.

"Nakauwi ka na! Matagal tagal na rin noong umalis ka."

"Maligayang pagbabalik!"

Ngumiti ako sa kanila at paminsan minsan ay sumasagot sa mga nakakatuwang tanong nila.

"Salamat po!" May ibinigay na bigas sa akin ang kakilang ginang.

"Mag-ingat ka sa paguwi. I-kamusta mo ako sa iyong Ina." Tumango ako at nagpaalam.

Bitbit ang bigay na bigas ay tumingala ako para pagmasdan ang walang pinagbago na ayos ng mga puno sa daan. Patuloy parin nilang pinoprotektahan ang lupa para hindi ito masyadong mabigyan ng init ng araw.

"Ate?"Nagulat ako. Padaan na ako sa tulay kung saan sa dulo nito ay doon nakatayo ang aming bahay kasama na ang mga bahay nang mga kapitbahay.

"Ate!" Mabilis na tumakbo palapit sa akin ang bunso kong kapatid na babae.

"Kamusta?" Tanong ko habang yakap ko siya. Umiyak siya kaya natawa ako.

"Nakauwi ka na." Umiiyak na sinabi niya. Tumango ako at pinunasan ang pisnge niya.

"Nakauwi na si Ate." Tumango siya sa sinabi ko at ngumiti. Hinawakan niya ako sa kamay at hinatak.

"Umuwi na tayo. Sigurado akong matutuwa si Nanay." Masayang sinabi niya.

Masaya naming tinahak ng kapatid ko ang mahabang tulay na gawa sa bato. Tahimik lang ang paligid kahit na may mga bata na naliligo sa ilog sa ilalim ng tulay.

"Nanay!" Tumawa ako sa sigaw ng kapatid. Malapit na kami sa bahay.

"Bakit?" Rinig kong sinabi ni Nanay galing sa loob nang bahay.

"May surpresa po ako!" Ang kapatid ko sa tapat ng pinto. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto.

"Ano 'yun?" Ngumiti ako ng natigil si Nanay sa harapan namin ng makita ako.

"Mary!" Mabilis na lumapit sa akin si Nanay at niyakap ako.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka. Sana nakapaghanda man lang ako." Umiling ako.

Silhouettes of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon