Chapter 3

10 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Hays, ano ba yan. Nasira tuloy ang beauty rest ko.

Napagdesisyonan kong maligo muna bago usisahin kung sino ang nandun.
Kaagad akong nagbihis at humarap sa salamin upang i check ang aking mukha if kyeot parin ba. Wala parin namang pinagbago, I'm still cute and will always be yipiee.

Nang bumaba na ako, hindi nakatakas sa pandinig ko ang malakas na tawanan. I'm curious kaya mas binilisan ko pa ang paglakad. I think it's coming from the kitchen kaya dali-dali akong pumunta dun. And there I saw Mom and Tita Raine. Napatikhim ako upang makuha ang kanilang atensyon kaya napahinto sila at napabaling sa gawi ko.

"Hey Reese" Tita Raine greeted me.

"Hello Tita" I greeted her back.

"So what are you doing both? You seem having fun huh?" I ask while preparing my foods to eat.

"We're actually talking about you and Aaron while your mom is making some desserts" nakangiting sabi ni Tita.

"What about me and Aaron Tita? I mean, we're not that close po kasi" sabi ko.

"We just find you cute together dear" kinikilig na sabi ni Tita. Ako naman hindi na nakapagsalita. Nahihiya ako kasi naman they're teasing me about him. Pano nalang kaya kapag nalaman na nila na may gusto ako sa kanya? Gosh, mas lalo pa nila akong aasarin niyan.

"Ah Mameh, pupunta nga pala ako kina Cassy" pagpapaalam ko.

"Okay pero dapat before 7pm nakauwi kana may pasok ka pa bukas. Naku Reese sinasabi ko sayo umayos ka dun baka mag iinoman na naman kayo" pagpapaalala ni Mameh na may pagbabanta.

"I promise Mom. Tita Raine, see you next time. I gotta go. Have fun!"

While on my way to Cassy's house, naaalala kong hindi ko pa pala nababasa yung message sakin ni Aaron. Nakakapagtaka lang hah. That was the first time he message me kaya napapaisip talaga ako kung ano ang dahilan. Saka na nga lang muna yun. I need to talk to Cassy right now.

Pagkababa ko sa kotse, nasa labas na si Cassy hinihintay ako.

"Reese girl!!" parang kinikilig niyang sabi. Napairap nalang ako like duh? Ang weird niya ngayon.

Pumasok na kami sa kanilang bahay at dumiresto sa kanyang kwarto.

"Pupunta ba sila?" I ask her referring to our friends.

"On the way na daw sila" she said while busy using her phone. Napairap na naman ako ng wala sa oras. Napakabusy kasi niya sa phone hmp!

"Cassy, put your phone down. I'm talking to you pero you're busy checking something on that" mataray kong sabi sa kanya.

"Sorry okay? And yah, I'm checking updates from Luke's posts" paghihingi niya ng pasensya. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa labas ng bintana. Napatayo ako ng may pamilyar na taong nahagilap ng aking mata.

"Paking teyp. Anong ginagawa ng hinayupak na 'yan dito?" I still can't believe that I saw him and he's walking towards the gate. Biglang tumunog ang doorbell kaya bumaba muna si Cassy at nagpa iwan nalang ako sa kwarto. Ayoko siyang makaharap ngayon. I need peace of mind.

Biglang pumasok si Aaron sa kwarto na hindi ko inaasahan. Nagulat talaga ako pero hindi ko yun pinahalata lalo na't kaharap ko siya.

"Nabasa mo na ba yung message ko sayo?" kunot-noong tanong niya sakin. Seriously? Ang weird niya hah.

"Are you for real? Aaron, pumunta ka talaga dito para itanong sakin yan?" Hindi parin ako makapaniwala.  Ang hirap niyang basahin at naiinis na ako.

"You can call me naman or message me again and besides pwede rin namang bukas nalang kasi magkikita rin naman tayo sa school" dagdag ko pa.

"Ano bang pake mo kung nandito ako? Why can't you just answer me para naman makaalis na ako" mataray niyang sabi.

"Can't you see? I'm busy and you're disturbing us. Kaya may pake ako. And my answer to your question is Hindi pa. Now you can go" pagtataboy ko at tinalikuran siya upang pumunta sa terrace.

"Then read it now" ma awtoridad niyang sabi.

"You know what? You're so weird" naiinis kong inopen ang aking phone at binasa ang chat niya.

Aaron Blake:
      Can I talk to you?

Mas lalo pa akong nainis sa nabasa ko.   Binabadtrip talaga ako nito. Putek! Nakakunot-noo akong humarap sa kanya.

"What the heck! You're pissing me off Aaron, damn it! I don't really understand you. Why didn't you ask me already as you step in to this room? Do I really have to see it myself huh? And geez, kanina we're already talking" Hindi siya kumibo at ako naman, pilit pinapakalma ang aking sarili.

"Sorry" 'yan lang ang sagot niya at umalis na.

Nang nakababa na si Aaron, di parin mawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin. Shemay di lang pala yun usap parang nagtatalo na nga.

"I gotta go. Thanks Cass" yun ang huli kong narinig mula sa kanya bago siya tuluyang umalis.

"Reese!!!" napasigaw si Cassy sa gulat  ng makitang nahihirapan akong huminga at dali-dali nila akong inasikaso.  At tuluyan na akong nawalan ng malay.

Pagkagising ko, nasa kwarto na ako at katabi si Kuya Lorence.

"Bunso, ano ba ang nangyare? Pinagsabihan na kitang mag-iingat ka parati at huwag masyadong magpadala sa emosyon" nag-aalalang sabi ni Kuya.

"May hindi lang pagkakaintindihan Kuya" matamlay kong tugon. Medyo masama parin ang pakiramdam ko. Naninikip pa yung dibdib ko. Hays, naulit na naman ang nangyare.

"Magpahinga kana. May pasok ka pa bukas. Wag kana lang pala muna pumasok bunso. No buts. And that's final" Pinikit ko nalang ang aking mata at hindi na nagreklamo. Kapag si Kuya Lorence na ang nagdesisyon talagang hindi mo mababago ang isip niya. Napakaprotective niya sakin at ramdam ko talagang mahal niya, nila ako.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ano ba yan! Inis akong tumayo at pumunta  sa banyo upang gawin ang aking morning routines. Medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko. Sana magiging okay na lahat. Si Aaron kaya? Naputol ang aking pag-iisip ng  marinig kong parang may tumatawag sakin kaya binilisan ko ang pagkilos.

"Reese Amaranth!!"

Napakamot nalang ako sa aking ulo. Si Mameh talaga kay aga-aga ang ingay.

Itutuloy......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Inlove With A Role PlayerWhere stories live. Discover now