Would you rather give your own soul for the sake of your heroine being?
Or you'll let yourself to be taken by a demon—deliver you to hell and fry...Callie Crewhope's POV
Simula at pagbabago. Nagsimulang magbago ang buhay ko nang lumipat kami ng bahay na malayo sa aming kinagisnan at nakasanayan—kung saan imposibleng makita ko pa ang aking mga kaibigan.
Ayon sa mga sabi-sabi ng mga nakatira rito ay hindi raw normal ang panahon sa lugar na ito dahil napakahaba raw ng gabi at maiksi lang ang umaga, minsan lamang daw lumalabas ang araw
At kadalasan daw ay nagpapakita ang mga masasamang ispirito.Marami raw kasing gumagalang multo at kung ano-anong 'di maipaliwanag na elemento rito. Matagal na rin akong natigil sa paghahanap at pakikipag-usap sa mga kaluluwa na nangangailangan ng tulong ko.
Marahil ay ito na rin siguro ang tamang panahon upang gamitin kong muli ang natatangi kong kakayahan. Bukas na ang una naming pasukan sa school, bago lamang ako rito at walang kaalam-alam sa lugar, ni hindi ko nga rin alam kung paano sila makitungo sa mga bagong lipat.
Kaya naman nakipag-usap si mommy sa mga kapit-bahay namin at nakipag-close. Mababait naman daw sila at masiyahin, sa katunayan nga ay malapit na kaagad sila sa isa't isa. Si Ma'am Ruthelle Beth Samson ang kapit-bahay naming teacher na suking suki na ngayon si mommy sa online selling niya.
Si Ate beatriz naman na kapatid ni Ma'am Ruth ang laging kakwentuhan ni mommy at walang araw na 'di siya bumibisita sa bahay. As if naman na bumibwisita lang eh nakikikain nga ren siya ehh... Kaming tatlo lang nina mommy at ni baby cesar ang lumipat dito dahil ayaw iwanan ni tita justice ang lugar namin doon.
Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang lugar na ito... Scheduled kasi ang paglitaw ng araw kaya hindi kaagad natutuyo ang mga sinampay namin, hindi ko na rin nagagawang mag-selfie sa sunkissed dahil bigla bigla ang pagbagsak ng dilim. Kainis!
BINABASA MO ANG
All Souls' Bribe
HorrorYou haven't seen anyone else who sacrifices its own soul for bribery for the sake of somebody. The university of a buried mysterious history will show us how importance education is. Whether in any situation whereof dead or alive... Callie Crewhope...