Chapter 1: Introduction

7 2 0
                                        


GoldenFord University

At last! Nakarating na rin ako! Napakaraming trahedya muna kasi ang nangyari sa akin sa daan bago ko pa mandin marating ang eskwelahan na ito...para bang ayaw akong papasukin... Awoo. Eto na nga, habang nagmamasid-masid ako sa paligid ay pumukaw sa atensyon ko ang kakaibang aura ng school,

Nang makita ko ang itsura ng school ay napatanong ako sa aking sarili kung bakit nga ba ako nandito? Aish! Ano ba namang klaseng eskwelahan ito? Anong tipo ng estudyante ang papasok sa ganitong klase ng eskwelahan? No choice na 'ko dahil ito lang ang nag-iisang university dito sa lugar na ito.

Napa-irap ako sa hangin at napabuntong hininga. Ibinaling kong muli ang aking tingin sa school, Parang pinaglipasan ng napakaraming taon, lumang luma na at may mga paniki pa na nakasabit sa bell, dahil walang araw ay patay na ang mga puno at halaman.

Ihahakbang ko pa lamang sana ang aking paa papasok sa gate nang mapatigil ako dahil bigla kong naramdaman na parang may pumipigil sa'kin. Biglang umihip ang malakas na hangin, naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na lalong nagbigay sa akin ng ganang alamin ang misteryong nababalot sa eskwelahang ito.

Tahimik akong pumasok sa loob at natapos ang araw ng puro katanungan, bukas ay malalaman ko na rin ang sagot sa lahat ng aking mga katanungan sa pamamagitan ng aking kakayahan.
Sa lahat ng katatakutan na nangyari at pinagdaanan ko sa buhay,

Ngayon lang yata ako ginanahang gamitin na rin sa wakas ang kinamumunghian kong sumpa, kaya kong makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba. Sa pamamagitan ng camera, kaya kong makita ang mga ligaw na kaluluwa at kahit na anong elemento sa pamamagitan nito.

At dahil hindi kami ganon kayaman upang makabili ng camera ay ginagamit ko na lamang ang pinaglumaan na ipinamana sa aking DSLR ni papa, isang sikat na photographer si papa bago siya pumanaw, ngayon ay namana ko sa kanya ang galing niya sa pagkuha ng mga larawan.

Kaya naman ang kinuha kong kurso ay visual arts photography at least sa course na 'to ay magagamit ko ang third eye ko. Ang arte ng ability ko 'no? Magastos. Sabi nga ni mommy isusumpa na nga lang daw ako bibigyan pa siya ng sakit sa ulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All Souls' BribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon