Chapter 8

2.8K 189 23
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas at masaya ako sa dalawang rason.

Una, tapos na yung Herbs Cottage ko. Naayos ko na lahat ng mga halamang gamot ayon sa kategorya nila at nakapagtalaga na din ako ng trabaho sa mga tauhan kong mamamalagi doon.

Sa susunod na linggo pa ang bukas ng pagamutan ko dahil kailangan kong tignan na maayos ang magiging daloy ng serbisyo at sinisigurado ko munang burado na sa isip ng mga tao ang maduming reputasyon ng dating negosyo

Pangalawa, ngayon ang araw ng pagdiriwang sa palasyo. Kung bakit ako masaya, yun ay dahil ngayon ang simula ng paghihiganti ko sa pamilyang umapi sa akin buong buhay ko.

They actually are a big family. Too many enemies but it's alright, I can handle them. There goes the Prime Minister, his wife, five concubines, eight daughters and six sons.

Lahat kami pupunta at hindi na ako mas sasaya pa sa sitwasyon namin. Sa palasyo kasi strikto sila sa batas kaya kailangan nilang umarte na malinis at mabait sa harap ng madaming tao at nakikita ko itong oportunidad na ilabas ang mga baho nila. Because why not? Hmp

"Lady buti na lang semi-formal yung banquet kaya pwede akong sumama" mahinang tili ni Layla. Natawa ako, mas natutuwa pa kasi siya kesa sa akin. "Oo na kumalma ka na at baka mapansin tayo ng mga pinsan ko at paglakarin tayo"

Sumukot siya at tumahimik kaya natawa ulit ako ng mahina. Pigil na pigil yung tuwa niya e. Parang batang binilhan ng bagong laruan. Buti na lang din talaga kasama ko siya kundi baka hindi ko na bigyan ng puwang ang kasiyahan ko.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami. Pagbaba namin sa karwahe, lumapit agad sakin si Diane at bumulong "Huwag mo kaming ipahiya sa katangahan mo baliw" tsaka nakangising umalis.

Yeah right

Thank you so much for reminding me to bring you down first tss

Though I'm completely healed from their beating, the real Serafina died. At kahit anong gawin nila, hindi nila maibabalik pa ang taong yun. And that's very unforgivable!

Diane, anak ng unang concubine ni tito. Palibhasa nag-iisa siyang anak na babae ng ina niya kaya pinalaki sa layaw. Dalawa ang kapatid niyang lalaki at porke nakapasa sila sa imperial examination bilang scholar ay kung sino nang makapagyabang.

Bago pa man mabago ang lagay ng loob ko, naagaw ng palasyo ang atensyon ko. Ang ganda, ngayon lang ako nakakita ng totoong palasyo at masasabi kong walang-wala ang mga imitasyon na nasa mundo ko.

The majestic aura it emits is so different, it makes me at awe and the color gold is very dominant that it speaks of absolute power and it made me shiver out of excitement.

Pero kung maganda sa labas, MAS maganda dito sa loob, words can't even define everything at sight. And I became a bit unprofessional dahil sa hitsura ko na linga ng linga habang naglalakad papasok thus earning myself some death glares from my uncle's concubines and daughters.

Whatever

Madaming tao, makulay at maayos ang mga dekorasyon pero mas nakaka agaw pansin ang malagintong trono sa harap namin

"Lady nandito na po ang hari at reyna, kailangan po nating lumuhod" Napabalik na lang ako sa wisyo nung hinila ni Layla ng marahan yung laylayan ng damit ko

Nakita ko pang sinimangutan ako ng asawa ni tito pero hindi ko na lang pinansin

Ugh. They can't even leave me in peace

"Maari na kayong umupo. Naririto tayo upang ipagdiriwang ang matagumpay na digmaan at  pagbabalik ng ikawalong anak ko mula sa marhen kaya magpakasaya tayong lahat" sabi ng hari na sinabayan ng masayang tugtugin na siyang senyales na nagsimula na ang pagdiriwang

Inanunsyo din nila ang pagdating ng mga prinsipe kabilang na ang sentro ng kasiyahan na siyang tinilian ng mga babae samantalang ako nakatuon lang ang atensyon ko sa isang partikular na pwesto.

Dahil lumayo-layo sakin ang pamilya ng tito ko, nabigyan ako ng pagkakataon na magsaya kasama si Layla

"Layla tara dun" sabay turo ko sa mesa ng mga pagkain

"Hala lady baka may masabi nanaman ang mga pinsan mo" alangan niya

"Hindi yan, tignan mo oh okupado sila sa panonood sa mga sumasayaw kaya tara na" wala na siyang nagawa nung hinila ko siya

"Lady parang awa niyo na kontrolin niyo po ang sarili niyo. Hindi po kayo mawawalan ng pagkain" nalilibang na paalala ni Layla

"Oo na oo na. Kumain ka na din" tumatawa kong sagot at nagsimulang sumandok ng madami. Hindi din ako nag abalang umupo dahil nauubos ko agad yung mga kinakain ko.

Sa buhay ko noon, lagi akong nag-iisa at pagkain lang ang nagpapasaya sa akin . . . bukod sa ginto syempre

Lumamon ako ng lumamom na para bang gutom na gutom kaya tinatawanan na lang ako ni Layla.

"Kunyare ka pa e kanina ka din kain ng kain" asar ko pabalik sa kanya at naghagikgikan kami

"Magandang gabi ikawalong prinsipe" biglang tugon ni Layla na nagpagulat sa akin

Bigla-bigla naman kasi.

Napapihit ako paharap.

holy?

WHAT!?

"Holy shi--- prinsipe ka!?" Gulat na gulat na tanong ko. I can't believe it!

I'm staring again at the eyes of the most handsome man I've ever met. He is wearing a golden robe and his appearance is neater than the last time I saw him and I was absolutely correct about him being more handsome with the light and everything

SIYA LANG NAMAN KASI YUNG LALAKING GINAMOT KO SA KAGUBATAN!

Nahulog yung pagkain sa bibig ko pero buti na lang nasalo ko agad bago pa ito umabot sa sahig

Ugh nakakahiya!

"Magandang gabi lady Serafina." nakangising bati ng lalaki sa harap ko sabay paalis kay Layla

Nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin na para bang aliw na aliw "Hindi mo ba muna  pupunasan yung bibig mo? Ang dungis ng mukha mo oh"

Naramdaman kong namula yung magkabilang pisngi ko sa hiya. Damn! Kelan pa ako natutong mamula? At kelan pa ako natutong mahiya? Kanina pa yun ah? Argh

Nagmamadali kong hinanap yung panyo ko pero hindi ko talaga mahanap dahil hindi ko naiintindihan yung sarili ko kung ba't ako natataranta. Naestatwa na lang ako nung kusa niyang pinunasan yung gilid ng labi ko at hindi ko din namalayan nung hinila niya ako palabas

"Hoy saan mo ako dadalhin?" Pagpupumiglas ko pero sadyang malakas siya AT naka damit ako ng mahaba at makapal kaya nahihirapan akong kumawala sa hawak niya. Sa kakulitan ko binuhat niya na lang ako. Nagpumiglas pa ako ng nagpumiglas pero pinagod ko lang yung sarili ko at sa huli bumigay na lang ako.

Kumapit na lang ako sa leeg niya na ikinatuwa niya at pinagpatuloy ang tahimik na paglalakad. Saka lang niya ako binaba nung nasa isang Pavillion na kami sa gitna ng lake

"Ako nga pala si Xuan Ming, ang ikawalong prinsipe at ikinagagalak kong makilala ka lady Serafina"

Reincarnation of the AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon