"Jeron!!!", sigaw ng isang maputi pero may katabaang babae na ang pangalan ay Arlene. Siya ang nanay ni Jeron na may ari ng sikat na sikat at masarap na Sweetie Pie Buko Pie sa Cabuyao, Laguna. "Asan na naman kaya ang batang ito at magdedeliver pa ng mga orders sa bayan", sambit nya habang nagaayos ng mga kahon ng buko pie.
Isang grupo ng kabataan (bakla at babae) ang nagtatakbuhan at wari nagmamadali ang dumaan sa Sweetie Pie Store ni Aling Arlene. Hinila ni Aling Arlene ang isa upang tanungin. "Hoy Dyesebel, anong nangyayari? Nakita mo ba ang baby boy ko?"
Sumagot ang baklang si Dyesebel na kinikilig "Ayyy, Aling Arlene si Baby Boy, Lover Boy nga ang pupuntahan namin! Andun sa Plaza naglalaro ng basketball" biglang kumanta pa at sumayaw habang sinasabi "Ishoot mo Ishoot mo na ang ball". "Cge na Babush, baka di ko maabutan", at sexy na tumakbo si Dyesebel papalayo.
Kumunot ang ulo ni Aling Arlene, tinanggal ang apron at binilinan ang anak na si Eliza sa tindahan na bantayan dahil susunduin ang anak na si Jeron.
Sa Plaza... (pumasok ang bola sa ring),
"Teng, 3 points!", sigaw ng referee sa isang lalaking matangkad, maputi at chinito na naglalaro ng basketball. Ngumiti ito sa mga tao at kumaway, at mga babae at mga bading ay halos himatayin na sa kakatili at kakasigaw ng "I love you Jeron!"
"Andami mo talagang fans! Naks naman! Manang mana ka talaga sa akin", sabay tapik sa likuran si Empoy ang kababata ni Jeron na payat at bigotilyo.
"Mukhang mananalo na tayo! Galing talaga ni Romnick!, ngiting ngiti sabi ni Ryan ang koreanong hinog na kaibigan ng dalawa.
Napakamot si Empoy ng makita si Aling Arlene sa hanay ng mga tao at sinabing, "Talo tayo!"
Ryan at Jeron, "Bakit, lamang kaya tayo ng tatlo?!
Empoy: Talo!
Ryan at Jeron: "Panalo!"
Empoy: Talo tayo!!! Andyan na si Aling Arlene! Uuwi ka na naman!!
(Lumingon sabay sabay ang tatlong magkakaibigan sa direksyon ng gilid ng basketball court kung saan nakatayo si Aling Arlene).
(Bahay ng Teng)
Nakatungo si Jeron habang pinapagalitan ng inang si Aling Arlene.
"Ilang beses na ba kita sinasabihan na walang maidudulot na maganda ang pagbabasketbol", sambit ni Aling Arlene sabay inom ng malamig na tubig.
Napakamot ng ulo si Jeron at sumagot sa ina " Pero Nay?"
Binaba ni Aling Jeron ang baso "Walang pero pero baby boy, (biglang nagdrama na boses), alam mo naman lalo ko lang naaalala ang walanghiya mong tatay pag nagbabasketbol ka. Kung pano tayo pinagpalit sa Muse ng Basketbol Team nila (nagpapanggap na sumisikip ang dibdib)".
Niyakap ni Jeron ang ina "Sorry na Nay, wag mo na isipin si tatay mas sexy ka kaya dun sa Muse nila" at nagtawanan ang mag-ina ng maalala ni Aling Arlene ang idedeliver na buko pie.
"Hala, baby boy ko, ang mga buko pie dali! Naku kelangan mo madala yun kina Tiyo Erwin mo", at niyaya ang anak pababa ng bahay.
(Bahay ng Oineza)
Pinarada ni Jeron ang kotse sa harap ng gate ng mga Oineza at nagdoor bell.
Binuksan ni Jane ang magandang dalagang anak ni Erwin ang gate at nagtanong "Yes, sino sila?"
Napasmile ng malaki si Jeron at natulala kay Jane kaya di nakapagsalita.
Winagawayway ni Jane ang kamay sa mukha ni Jeron at inulit ang tanong "Hello, sino sila, sino ang hinahanap nila?"
To be continued tomorrow...
BINABASA MO ANG
Inlaba-bola
Short StoryA romantic comedy that would let you experience three ways of falling in love. A puppy love, romantically in love and love as a family. Sina Jeron and Bimby ay ang magstepbrother na hindi magkasundo pero parehas na-inlove kay Jane. Si Jeron ang hear...