Chapter 2

2 0 0
                                    




As soon as I realized that, nanlamig ang katawan ko at nagflash sakin ang future ko if magmukhang enemy ako ni Haze at Emily. I vowed that if I'll ever happen to meet Emily then I must avoid her so that I won't raise any flags. Also, if possible, I want to end my own engagement to Haze because if he'll do it first then my pride won't take it.


Nakayuko pa rin si Emily at matalim ang tingin sakin ni Haze. Kahit na kinakabahan ako, nakapoker face pa rin ako dahil I'm Natania Questa Agreste. I crossed my arms and looked at them both. Alam ko naman kung ano ang namamagitan sa kanila like duh may mga daily reports nga ako diba. At alam ko rin kung ano ang nangyari sa loob ng opisina bago lumabas si Emily. 


'Gosh, advantage ko talaga na nabasa ko ang story.'


"So, isa siya sa mga babae mo?" I asked Haze na parang hindi makapaniwala na hindi ako nagwala dahil ipinagtanggol niya si Emily. Noong una kasi kung may makita o mahuli ni Natania si Haze na may kasamang ibang babae halo magwala na ito. One time nga pinagsabunutan niya ang pinsan ni Haze dahil akala niya inaagaw nito ang love of her life daw. Ew.


"She's not one of my women, Nat." Napatingin sa kaniya si Emily at mukhang nasaktan sa sinabi niya, "She's the only woman for me." Omayghad, this is my favorite line in the whole story and dito rin mas nafall si Emily kay Haze. 


Namumula ang mga pisngi ni Haze ng sabihin niya iyon pero nakatindig pa rin ang postura niya. Mukhang nakilig naman si Emily sa sinabi niya at pinipigilan na ngumiti dahil sa sinabi niya. Ang cute nila!!! Pinipigilan ko ang sarili ko na tumili dahil magmumukha akong baliw. Gustong-gusto kong magfangirl dahil isa sa mga key scenes sa kuwento ang nangyayari ngayon.


'Shet, 'wag self kahit gaano ka kakilig ngayon dahil sa paboritong linya mo 'wag kang ngumiti.'


I tried to look as hurt as possible pero parang natatae na siguro ang mukha dahil hindi ko mapigilan na ngumiti. Tumikhim muna ako at inilayo ang mga mata ko. Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko naman ang lalaking nakasama ko kanina sa elevator. Nakasandal lang siya sa malapit na pader samin at mukhang nag-eenjoy sa drama na nangyayari sa harap niya. Kulang na lang nga eh na may popcorn siya na dala. Tumingin rin ako sa paligid then doon ko nakita na marami na pala kaming audience dahil may ibang mga trabahador ang pasulyapsulyap samin. Then may idea na pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung tama ba ito o ano. Basta I know that it'll help me save my face. I won't walk away from this scene with a reputation of a woman who has been rejected.


I turned my back against the couple and looked at the handsome man with dark curls and fit body. Gosh I want to see his eyes. Lumakad ako papalapit sa kaniya at kaagad naman siyang ngumisi ng makita niyang palapit ako sa kanya. 


"Actually, Haze, my dear fiancee, I came here to discuss a very important issue," pinulupot ko ang mga kamay ko sa matitigas na braso ng lalaking ito, "I want to annul our engagement because I found someone I love more than you now. Looking at you now, it looks like you did too kaya why don't we end it now?" I said it in a very strict business like manner.


Kita sa mukha ni Haze ang pagkabigla dahil sa sinabi ko and he looked at our linked arms. His jaw dropped pero kahit ganun ang gwapo niya pa rin. Mabilis niyang sinara ang panga niya at inayos ang sarili. He looked like he didn't expect this at all. Well, halos 13 years din kaya siyang habol na habol ni Natania. Magugulat talaga siya dahil parang last week lang eh kulang na lang sa buong mundo na isigaw ni Natania na mahal niya ito. Too bad, I'm doing this to survive, eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villainess' Bad EndWhere stories live. Discover now