Chapter 1

32 2 0
                                    

I'm walking in the corridor of our school kinig na kinig ang tunog ng sapatos ko dahil mashado pang maaga. Even though we have a clothing line I still have fascination when it comes to shoes especially stilettos, Ynna's parents owned the LSL or Lee Shoe Line so everytime na may bago silang labas na shoes I buy it talaga. Anyway, I decided to eat my breakfast in the school cafeteria dahil maaga akong nagising.

I ordered 2 pcs of pancakes, yogurt and fresh milk. While I'm eating, bumalik nanaman sa isip ko yung nangyari last weekend na naging dahilan kung bakit maaga akong pumasok ngayon. It was Saturday when it happened, today is monday pero bumabalik balik sa isipan ko ang mga nangyari.

Nang lumapat ang mga labi ko sakanya naramdaman ko ang pagkabigla nya na nangresulta sa pagtulak nya sakin at ang pagkasalampak ko sa lupa. Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa mga salita nya at ngayon nga ay tumulo na ang mga ito dahil sa ginawa nya.

Tumataas-baba ang kanyang balikat na nagsisimbolo ng kanyang galit at alam ko ng ang sunod nyang mga salita ang wawasak sakin sa gabing yun.

"Are you still sane? You became desperate" he hissed

Nakayuko lang ako habang sinasabi nya ang mga salitang yun hanggang naramdaman ko na lang na lumalakad sya palayo.

Napabalik ako sa realidad nung muntik ko ng mabitawan ang fork na hawak ko. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin ng gabing yun para halikan si Ysmael, maybe my frustrations kasi hanggang ngayon wala pa rin syang nararamdaman sakin, or maybe the words he said that night. Kung ano man ang dahilan wala na kong magagawa pa kasi nangyari na.

It was my first year in high school ng makilala ko si Ynna at naging kaibigan we are classmates. Syempre dahil kambal si Ysmael at Ynna, nakilala ko na rin sya. The first time I saw him, I mean the first time I saw his blue eyes I fell. Ang malalamig nyang mga mata ay gusto kong palitan. Hindi dapat malamig ang mga yon dapat maiinit ang mga yon na parang tinatanggap nya ang presenya mo sa buhay nya. At ayun na nga yata yung naging goal ko sa buhay.

I am now 4th year college taking up Business Ad, the same as Ynna and Ysmael. Kami lang din naman ang hahawak ng company ng parents namin in the future so this course is somehow a preparation for that.

And almost 8 years na rin akong nagmamahal kay Ysmael at hanggang ngayon naghihintay pa rin akong masuklian yon.

I started cleaning up what I ate. It still 7 in the morning, my first subject starts at 10 so I'm still early. I decided na tumambay muna sa music room ng school habang naghihintay ng klase ko.

While I'm walking towards the music room, maraming bumabati sakin. I'm quite popular dahil president ako ng Tala, tala is the musical club of our school. Usually kami yung nagpeperform tuwing may program and minsan ay lumalaban din sa labas ng school.

"Hi Stace"

"Good morning Stace"

"Stace, you're early"

I just smiled at them.

Nang dumating ako sa music room. I heard someone playing a piano. Nasa right side ng room ko nakikinig ang tunog nandun kasi yung mga musical instruments at nasa left side naman ako kung saan nagaganap ang mga dance rehearsals. Pinakinggan ko lang ang tumutugtog dahil parang kinakalama nito ang nararamdaman ko. I never a fan of musical instruments, mahilig akong kumanta at sumayaw pero never kong natry ang gumamit ng musical instruments kasi I felt like it's too complicated to learn.

The one playing the piano played I'll be by Edwin McCain, with a different version of it na parang hinihele ka sa sobrang ganda ng tunog.

"I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life"
I hummed inside my head.

Never be ReplacedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon