Te Amo. (KathNiel OS♥)

698 18 2
                                    

ONe SHOT made by yourstruly! xoxo

Actually, POV ng lalaki 'to, and this is my first time doing that. Sorry kung kaladkad ha? Sa totoo lang kasi, mahaba talaga siya. Eh baka tamarin kayong basahin kaya iniklian ko na lang. :))

Enjoy reading!

--------------------------------

"Anak! Wag kang magulo, jusme naman 'tong bata 'to oh!" sambit ni mommy sakin. Nag-aayos kasi siya ng mga gamit namin dito. Magbabakasyon kasi kami muna dito sa Batangas ng dalawang buwan. Kaya eto, wala akong magawa. Nakikigulo.

"Sorry po mommy. Wala pa kasi akong kalaro. Wala parin akong pwends." oo na. aamin ko na, 7 years old na ako pero buyoy parin ako. hahaha

"Hay, siya siya. Lumabas ka muna dito. Tawagin nalang kita kapag tapos nang maghanda ng pagkain ang Tita Marcelle mo." sabi niya sakin habang naglalagay ng bimpo at napakaraming pulbos sa likod at dibdib.

"Yay. I Love You mommy! Hehe." sabi ko sabay kuha ng bola at robot mula sa bag kong dala-dala.

"Mag-ingat ka Ranilo ha. Wag kang lalayo. Mamaya kung san-san ka mapadpad baka hindi na kita mahagilap." ani mommy. Hindi na ako sumagot dahil kating-kati na ang paa ko. Gusto ko na kasi talagang lumabas na bahay ee.

SA LABAS NA BAHAY. 

*lakad lakad lang si Ranilo.*

Haaay ano ba 'yan! Wala namang mahanap na kalaro dito. May makikita nga akong bata, mga babae naman. Ang nilalaro nila ay 'yung ano.. 'yung ano ba 'yon. 'Yung tumatalon sila sa.. garter? Oo. "yun 'yon. Aish. Di ko alam tawag dun. Basta. Ayaw ko sumali.

*lakad lakad pa rin*

(lumilinga-linga) Ano ba'yan. Nakakabagot na. Kanina pa ako lakad ng lakad dito wala-------

"Ouch! Mommy! Huhuhu." Napaiyak ako, nasagasaan kasi ako ng isang nagba-bike.. na batang babae?

"Kalalaki mong tao, iyakin ka. Tumayo ka nga. Parang konting galos lang makahagulhol ka wagas." sabi niya. Napatingala tuloy ako. Batang babae na nakaipit pero ang gulo ng buhok. (?) nag-ipit pa siya, hahaha. Tapos nakasuot na malaking graphic tee. Tapos nakamaong na tokong. Parang katawang babae pero bitukang lalaki.

"Hoy bata, tulala ka. Pasaway ka, nakakaabala ka sa pagbabike ko. Asar." sabi niya lang. Nakabusangot pa siya. Sayang cute pa naman siya. Maputi at mestiza pa ang looks. haha. Kabata-bata ko pa, chx na agad nasa utak ko. Bwahaha.

Tumayo ako. Pinagpag ang damit kong puro dumi. Pasaway 'tong babaeng 'to. Nagkagalos tuloy ako sa tuhod. Ganda-ganda ng balat ko, ni lamok hindi nakakadampi dyan. Tapos ganon-ganon na lang 'yun?

"Paano 'tong sugat ko?" tanong ko. Pinulot ko na rin ang mga laruan ko. Nalaglag din kasi kasabay ko.

"Edi gamutin mo." sabi niya sabay paandar ng bike niya.

Sungit. Tss.

-----

"Mommy." sabi ko.

"Mommy?" sabi ko ulit. No answer ee.

"Wala mommy mo. Pumuntang palengke kasama 'yung mare niya." Sabi ni Tita Celly. (Marcelle.)

"Ah, ganun po ba tita? Kasi po, gusto kong pagamot sugat ko ee."

"Nako kang bata ka. Lagot ka sa mommy mo, hala kaaaaaaa." sabi ni Tita sabay pisil sa pisngi ko. Kapatid nga pala siya ng mommy ko. Hihihi.

Te Amo. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon