Nandito kami ngayon sa mall. May bibilhin daw silang swimsuit at iba pang kailangan nila, ang kasama ko ngayon ay yung girls, sila ivor at jared hindi na sumama sa'min"Rein isuot mo'tong bikini ang ganda bagay sayo"ani olivia
"Oo maganda, bili mo na'yang two piece Rein"ani rin livia
Habang nasa fitting room, Pinag mamasdan ko yung bikini. Apair of bikini bottoms featuring a high waisted all over floral, Im gonna buy this it's cute and it's cheap ha! Sale pala' kapag sine swerte nga naman.
Habang nag babayad na ako sa cashier ay natapos rin sila. "Oh rein yan lang ba ang binili mo?" Tanong ni Avery
"Oo, marami naman akong bikini eh..."
Nagulat ako ng makita si karyll na daladala ang isang bag na puno ng bikini. Mag titinda ba siya?
"What?!! Di kana ba uuwi? Ang rami 'yan ahh.."ani naman nito ni Olivia
Natawa ako sa sinabi ng Olivia
"Wala ehh type ko kasi kaya binili ko nalang"
"Bahala ka..."
"Guys di' ba bukas na yung biyahe? Bilisan na natin para makapag impake na tayo!"sabi naman ni Avery na medyo nag papanick
"Oo nga... bilisan niyo na" sabi ko, at inabot na yung paper bag sa'kin ng babae
Nang matapos na silang mag bayad ay lumabas na kami papuntang parking lot, sumakay na kami sa kanya kanyang kotse. "Guys punta nalang kayo sa condo ko para sabay sabay nalang sa biyahe bukas, chat nalang kayo sa gc " ani karyll
"Ok! Bye mwaaaa" pag paalam ko sabay flying kiss sa kanilang lahat
Tulad sa usapan pupunta kaming lahat sa condo ni karyll. Isang malaking maleta ang dala ko at shoulder bag na maliit 4:15PM na nang hapon nang nakaalis na ako sa condo, habang nag dra'drive ako ay rinig na rinig ko yung phone ko na tumutunog, nang mag red light ay agad kong kinuha ang phone ko, nakita ko yung Group chat namin.
[ guyss papunta na ba kayo sa condo ni karyll?] Tanong ni avery
"Yes"
[Sana bukas makahanap na tayo ng lovelife] ani Olivia
[ULOL!! dry season amp HAHAHAHA!!]
"May balak nga akong mag madre eh sama kayo? HAHAHA"
[Ulol] ani Olvia
Nang makarating na'ko sa condo ni karyll ay nakita ko lang sila Olivia, karyll at Avery. Nasa'n yung iba?
Wala pa rito sila livia, ivor at jared. Sinabihan na kasi ni karyll yung dalawang lalaki na pumunta rin sila dito."Na saan na yung iba? bakit wala pa sila dito?"tanong ko
"Di 'ko nga alam eh"
"Parating na sila" singit ni karyll
Tumango nalang ako sa kanya. Natulog muna ako sa kwarto ni karyll dahil sa sobrang pagod. Nagising nalang ako ng tinapunan ako ng unan ni olivia "what?!" Pagalit na sabi ko sakanya habang kinukusot kusot ko yung mata ko
"Umaga na, mamaya na ang biyahe natin, bumangon kana jan Hahahaha"
"Ahhh, sorry HAHAHA anong oras na ba?"
"Alas nwebe pasado" aniya
Lumabas na'ko ng kwarto ay nakita ko si ivor sa kusina na tumitingin sa ref.
"Mag luluto ka?"tanong ko
"Oo nga eh, pero tingnan mo yung laman ng ref..." tumingin ako at ang nakita ko lang ay tubig, gulay at beer.
![](https://img.wattpad.com/cover/229644044-288-k647732.jpg)
YOU ARE READING
Land Of Ateññas (MYSTERIOUS ISLAND SERIES #1)
Misterio / SuspensoThis island makes you crazy. You all need to do is to survive for the challenges or games in this island,or else you will die. This island is full of mysteries that will make you shock, if you finish the game there's a suprise for you. Once you ente...