"You need to do it or else hindi kita papayagang ampunin ang batang 'yun" malumanay ngunit may diing sabi ni papa. Bakit ba kailangan may kapalit?
"Does that man likes to get married to me even if I have a child?" patuyang kong sabi.
"Of course, alam na nya ang tungkol sa pag ampon mo sa anak ng pinsan mo kaya obviously ayos lang sa kanya" my eyes widened to what my father said.
"He what? He's okay with it? Ayos lang ba sya? o baka gusto nya talaga ako!" i scoffed, alam kong medyo makapal ang mukha ko sa part na yun pero diba? tanga lang ang magpapakasal sa may anak na although hindi ko talaga anak si Amethyst.
"I think so anak" mas lalo akong nagulat sa sinabi ni papa.
Baka may gusto nga sa'kin ang lalaking yun! Ano bang pakay nya sa pamilya ko?
"So it's settled then, puntahan na natin ang fiancé mo" natatawang sabi ni papa.
They are crazy! I begged to my mom pero ang sabi nya ay pabayaan ko lang si papa dahil alam nya ang ginagawa nya.
Ano ba si papa? Si Cupid? or Old version ni Akosi Dogie na hinahanapan ng ma-jo-jowa at ma-pa-pangasawa ang mga kasama.
Baka one day magising nalang ako na nasa abandoned place na at may naka palibot na gangsters or mafias.
Is papa gonna sell me? Baka ipambayad nya ako sa debts nya. Somebody! Help me!
"He's at the hungry hound" I can sense happiness at papas voice.
He's happy huh? Habang ako kabadong-kabado at sobrang problemado na.
Nang makarating kami sa BGC nagpaalam muna akong mag restroom. Of course I need to retouch.
Pagkalabas ko ng rest room narinig ko agad ang pangalan ko.
"Trisha!?" napa lingon naman ako nung marinig ko ang pangalan ko.
"Who? The Trisha Salazar?!" hindi naman ako artista! Bakit—— wtf?!
"Aaahhhh Klein! Cae! Kastov!" napa-yakap ako sa kanilang tatlo.
They are my bestfriends, well, ex-bestfriends I think but I don't care. I missed them so much.
"Kamusta na ang prinsesa namin?" halos matawa ako sa sinabi ni Caelum.
"You still treat me like your princess kahit iniwan nyo ako sa ere at pinili nyo yung bwesit na lalaking yun?" puno ng hinanakit na sabi ko.
"He needs us" simpleng tugon ni Klein.
"At ako? Sa tingin nyo hindi ko kayo kailangan?" gusto kong tumigil kakangawa pero diko magawa. Masama parin ang loob ko pero miss ko na talaga sila.
"Shh 'wag ka ng mag tampo, ikaw lang naman ang prinsesa namin. Kasama mo man kami o hindi, kami parin ang mga prinsipe mo." kung hindi ko lang kaibigan 'tong si Kastov panigurado nahulog na ako dito.
"Saan ba punta nyo at parang may reunion kayo?" nag tatakang tanong ko. Kulang pa sila, wala si Krios Victor.
"Ah sa the hungry hound punta namin" masiglang sabi nilang tatlo.
"Talaga? Dun din punta ko eh."
Nagsabay na kami papunta dun pero pag dating namin sa entrance sabi ko mauna na sila. Kinakabahan ako, paano kung hindi ako magustuhan ng lalaki. Wait what? Nababaliw na yata ako. Edi mas ayos yun para 'di na nya ako pakasalan.
Pagkapasok ko hinanap agad ng mata ko si papa. Nung nakita ko sya nag lakad ako palapit sa kanya. So where's the man? akala ko ba andito na.
"Asan sya Pa? Ba't wala dito?"
Natawa naman si papa sa tanong ko. What's funny?
"Para namang excited ka anak" halos masamid ako sa iniinom kong tubig sa sinabi ni papa.
Ang kapal naman para ma-excite ako!
"Andito na pala sya, he's approaching you"
Napalingon naman kaagad ako sa likod ko.
Binalik ko ang tingin kay papa habang nanlilisik ang mata ko. He can't be this serious!
Umalis na ako kahit hindi pa nakakalapit ang lalaki. Queen of walkout yata 'to. Naririnig ko ang tawag ni papa at ng lalaki pero inignora ko iyon. Wala akong panahon sa biruan!
YOU ARE READING
Somewhere in the U-Belt
General FictionThey meet at the U-Belt of Manila. Can marriage bring back the burning love that is ruined by the broken vow?