"L?!! Nakikinig ka ba?!!"
Napatalon ako sa gulat nang sumigaw ang katabi ko'ng si Moon. Ah, kanina pa pala niya ako kinakausap kaso wala na naman ako sa wisyo ko.
Tiningnan ko lang sya saglit at binalik ko ulit ang tingin ko sa aking phone.
"Wtf?!!" Mura niya. Inagaw niya sakin bigla ang phone ko at tiningnan kung ano anong pinagkakaabalahan ko doon.
"Eto na naman? Etong walang kamatayan mong pagbabasa ng fictional stories? Seriously?" Magkasalubong na kilay niyang sabi .
"Akin nga yaan! Istorbo ka eh! Nagpapatayan na ang mga magkaaway na gang eh!"
"Tsssssss!" Sabi na lang niya at halatang naiinis. Nakonsensya naman ako kaya in-exit ko na muna ang binabasa ko at tumingin sa kanya.
"Okay Moon. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"Ewan. Wag na. Kakapagod na ang paulit-ulit eh" sagot niya na habang nakanguso.
Moon Delacruz. Siya ang seatmàte ko na tsismoso. At walang ibang ginawa kundi ang mang-istorbo sa akin.
Kasangga ko sa lahat ng bagay at hindi man halata, close kami niyan. Well to be specific, hindi naman kami close niyan nung 3rd year pa. Unfortunately, nagkatabi kami ngayong 4th year na dahil sa lintik na sht plan nyan. At nakipagfc sya sakin dahil may hidden agenda yaan..
"Ok. Di wag." Simpleng sagot ko. Aba! Nagpapakipot pa! Akala niya susuyuin ko siya!??? Ha, mukha niya.
"Tsh! Talaga naman. Di talaga nadadala tong babae'ng to sa pagpapakyot ng poging si ako eh. Kainis." bulong niya lang yan pero parang sinadya talagang iparinig ehhh
"L... Pakopya nga sabi." Demanding niyang sabi sa akin na parang papatayin na ako pag di ko pinagbigyan. At yan, yan ang hidden agenda niya sa pakikipag fc sa akin. Para may instant 'copy paste' sya.
**
"Hey! Di ba.. ikaw yung laging kasama ni Moon?" Nagtataka ko'ng tiningnan ang babaeng biglang lumapit sa akin dito sa pintuan ng classroom. Hinihintay ko pa si Moon kasi hindi pa sya nalabas ng classroom dahil nga sweepers siya ngayong week na'to. Hindi naman ako magtatyaga'ng hintayin yon kung hindi niya sinabing ililibre niya ako ng kwek-kwek. Aba! Akoy tao lang at natutukso rin!
Kaya kahit hindi worth it hintayin ang tao'ng yun .... Di bale, may kwek-kwek naman!
"Oo, bakit?" tipid ko'ng sagot sa babae at sa tantiya ko, taga ibang section eto.
"Uhmm ano kasi... " nahihiya siyang tumingin sa akin at halata pa ang pagb-blush niya . Hmmm something's malansa here...
"Sht nakakahiya to pero pwede ba'ng paabot nito sa kanya?" Ang bilis niyang magsalita at nanginginig pa ang mg kamay niyang may hawak na papel na andaming puso. Sabi na nga ba!!
"Love letter?" Yan lang ang nasabi ko at pinipigilan ko talaga ang matawa sa harap niya. Hahaha! Baka kasi kumanta pa to ng "Why you gotta be so rude?! Don't you know Im human too."
Mas lalo syang nahiya sa sinabi ko kasi mas lalo syang yumuko.
"L!!" Lumingon ako sa tao'ng tumawag sa akin na walang iba kundi si Moon.
"Omaygash!" nabalik naman ang atensyon ko sa babae nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagay ang papel dun atsaka nagmamadaling umalis.
"Sino yun? At ano yan?" yan agad ang tanong niya pagkalapit niya sa akin. Hindi pa sya nakuntento at hinablot pa niya ang hawak ko.
"Love letter ba to?" Nakakunot-noo siya habang binubuksan yung korni'ng letter. Mula sa pagkakakunot-noo, biglang nanlaki ang singkit niyang mata at tumingin sa akin ba para ba'ng may nagawa ako'ng ka gimbal-gimbal.
"Bakit?" inosenteng tanong ko.
"Sinasabi na nga ba't may HD ka sa akin!!! Sayo to???!!!!"
-________________________-
Sinapak ko na. Aba! Ang assuming lang!!
"Galing yan dun sa babae kanina. At tantanan mo ako sa pag a-assume mo dyan kasi.... Hindi kita type!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/29452077-288-k906006.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Wannabe
Mystery / ThrillerMy life was once normal. But when they squeeze the demon inside me..... I became what I am now.