Kabanata 2--

54 4 5
                                    

"Delacruz, Moon?"

"Absent.."

Nilingon ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. Ba't kaya absent yung buwan na yon?

"Laine!" Nilingon ko ang kaklase ko'ng nasa likod ng upuan ko nakaupo na tumawag sa akin.

"Ba't absent si Moon? Langya yun, ang ayos ng usapan na magdodota kami!!"

"O? Iyak ka na niyan?!" Pang-aasar ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng masama habang ako eh nag peace sign nalang.

"Ewan ko ba dun. Wala naman yung sinabi. Di nga nagtetext eh. Maski GM lang, wala."

Bahagya pa ako'ng nagulat ng mag-vibrate ang phone ko. Sheyt, nakiliti pa ako dahil nasa bulsa ko inilagay ang phone.

Binasa ko yung kaisa-isahang text.

From : Buwan

Mapapasakin ka rin. Mwahahaha

GM
#NoOneCanResistMyCharm

Speaking of the devil!

Nagreply ako dahil hindi ko kinaya ang ka kornihan niya.

(Hoy! Korni mo! Uso pala hashtag ngayon sa text? Ba't ka absent?!)

Wala pa'ng isang minuto ng magreply siya.

From : Buwan

Oh! Hi L! I miss you too! Hahahaha nalate ng gising eh! Iniisip kasi kita kagabi hindi tuloy ako nakatulog!

After reading that text..

Kinilabutan ako!

(Ogag! Tae ka! Ang ayos-ayos ng tanong eh! Ang sabihin mo tamad ka lang!)

Naghintay pa ako ng reply niya kaya lang, wala nang dumating. Hindi na nag vibrate ang cp ko kaya malamang wala ng text. Langya yun. Pasarap lang sa buhay habang kami dito sa skwelahan, babad sa pag-aaral!

**

Itinayo ko ang malaking libro sa ibabaw ng desk ko. Hinila ko ang upuang nasa harap ko para pang suporta sa libro. I am not going to read ths book. Front lang to para hindi mahalata ng teacher na gagamit ako ng cellphone. Nagbabasa kasi ako ng stories through mobile at hindi na ako makapaghintay sa susunod na kabanata. Kailangan ko talaga iyong matapos ngayon.
Saktong-sakto! Wala si Moon kaya walang mang-iistorbo sa akin!


**

"Sa tingin mo, may nag eexist kayang gangster na babae?"

Nagulat si Warren sa naging tanong ko. Classmate ko siya at nakaupo sya ngayon sa seat na occupied ni Moon. Dito siya tumatambay dahil inis siya sa seatmate niyang masyadong tahimik at hindi siya nakakasurvive pag masyadong tahimik ang atmosphere at sabi niya baka masuntok lang niya ang katabi niya.

"Ba't mo natanong?"

"Kasi.. Na aastigan ako dun eh. Alam mo yun? Gustong-gusto ko'ng maging kagaya nila. Maging malakas at palaban. Yung tipong maging member ng gangster world?"

Ngumiti siya ng nakakaloko.

"May kilala akong gang. Gusto mo isali kita?"

Agad ko'ng hinampas ang balikat niya.

"Tse! Yung mga tambay sa kanto na nagc-claim na gangsters 'kuno' pero maski sumuntok, hindi kaya? Wag na!!!"

Tumawa lang siya ng malakas sa sinabi ko at sinabing itigil ko na ang kahibangan sa pagiging gangster.

"Kahibangan?! Pag ako naging gangster ikaw ang una-una ko'ng bubugbugin Warren Ty!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster WannabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon