Kabanata 2

18 1 0
                                    

Dahil sa kagustuhan kong simulan na ang aking binabasa ay nagmadali akong kumuha ng earphone at sinalpak ito sa magkabilang tainga. Umupo ako at inayos ng maigi ang aking salamin. Hudyat na handang-handa na nga akong magbasa ngunit sa kabila ng aking pagkasabik isang maliit na papel ang nahulog mula sa libro. mukhang nang galing ito sa gitnang bahagi ng libro. "Liham para sayo". nakasulat sa papel, dulot ng aking pagkalito binuksan ko ang papel at ito ang sinasaad nito:
"Hi, alam kong wala kang ideya patungkol sa librong ipinadala ko sayo. oo, para sayo talaga ang librong yan, ang libro at ang kwentong ginawa ko para sayo. Wala akong kasiguraduhan kung nakikilala o natatandaan mo pa ba ako. Pero minsan na tayong pinagtagpo pero di tinadhana. Ayoko na sanang ipagpatuloy ang kwentong sinimulan ko, bukod sa hindi ko na lubos maisip kung anong sunod na isusulat ko, ayaw ko din kasing matapos ang ating kwento. Sana'y magustuhan mo. Aking pinangako na gagawan kita ng kwento at ng libro at heto na nga tinupad ko iyon.
keep it,  like you treasured me before.
read it, like you red my life before.
love it, like you loved me before.
after that, forget and leave it.
like you did to me before."
Yun ang laman ng sulat. Bakit parang ang sakit? Tagos sa puso ko. May kirot akong naramdaman. May nasaktan ba akong tao noon? Mga katanungang gusto kong itanong sa may-akda at sa sarili ko.
Kung meron man, gusto kong malaman kung anong ginawa ko sa kanya o kung bakit nagawa ko syang saktan sa ganong klaseng paraan?  Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na nakapanakit ako ng damdamin ng ibang tao, lalo na't babae pa mismo. Hindi ko pinangarap o ni minsan man sumagi sa isip ko na manakit ng babae. Ang sakit at ang hirap lang tanggapin na may isang babae akong nasaktan na sa tingin ko ay napakahalaga sa akin.
Ngunit ang tanong, bakit wala akong matandaan? Bakit di ko maalala ang ganitong senaryo sa buhay ko? Tila walang anumang bakas ng kahapon ang tumutukoy sa mga kaganapan ngayon. Lubos akong naguguluhan.
Gayon pa man ay nais ko pa rin basahin at tapusin ang kwentong sinimulan niya.
Ang kwentong ginawa niya para sakin.
Ang kwentong ginawa ng isang pambihirang babae.
Gusto kitang makilala at maalalang muli sa pamamagitan ng iyong kuwento.
Sana'y pahintulutan mo akong makilala kang muli.
Sa pagkakataong ito di ko na muling palalampasin ang bawat kwento sa mga pahina.
Ang bawat salita sa bawat talata.
Ang bawat emosyon na iyong ibinuhos sa bawat salita.
Ang bawat senaryo sa librong iyong ginawa.
At di ko na muling sasayangin ang bawat segundo,minuto, at araw na lilipas upang makikilala kitang muli, pero ngayon gusto kong lubusan pa kitang makilala upang sa pangalawang pagkakataon aking maunawaan ng maigi ang dahilan kung bakit mo ako ginawan ng libro.
Kung saan naroon
Ang kuwento ko,
Ang kuwento mo,
Ang ating kuwento.

Libro Ng NakaraanWhere stories live. Discover now