Three Words To My Heart

12 4 8
                                    

Dedicated to Farah Abrenica
Hope you like this bech!
------------------------

As i enter the club people are staring at me and keep saying

You look great!

So fabulous!

Nice outfit!

Want to know Why are they saying that? Simple, I am extraordinary! Wew.

"Girl what took you so long!?" Bungad sakin ni Faye pagpasok ko ng club. "Traffic as always." sagot ko at nagtungo na sa upuan na naka reserve samin.

"Hi Frida, i miss you girl!" Bati ni Aerish ng makita ako. " I miss you too!" Ani ko at yumakap pabalik. "So let's have fun and let's rock this place!" Sabi ko at uminom ng alak na nasa mesa. Minutes later and I'm already tipsy so i decided to dance. I stood up and gather my two friends and go to the wild dance floor.

Habang papunta sa sayawan biglang nawala sila Faye at Aerish dahil nakahatak na ng mga kasayaw ngayong gabi. As i dance boys flock with me. Habang sumasayaw pakiramdam ko may nakatitig sakin kaya lumingon ako sa paligid. And i saw a person a guy to be exact, but i can't see his face.

Lalapitan ko sana kaso tumalikod sya at naglakad palayo. "Wew that was creepy" nasabi ko nalang.

Kinabukasan pumasok kaming tatlong may hang over pero pretty padin syempre.

Habang nakikinig sa prof namin may biglang kumatok sa pinto at niluwa ang lalaking matangkad, maputi at gwapo! As in super gwapo gosh pero naka poker face.

"Are you the transferee?" Tanong ng prof namin sa kanya. Tumango sya at tuluyan ng pumasok sa room. "Please introduce yourself in front." Dugtong ni prof.

"Matteo Dane Navarro. Please to meet you all." So Matteo pangalan mo huh. "You may now sit at the back of Ms.Leondra." sabay turo ni prof sa likod ko.

Naglakad sya patungo sa likod ko pero bago sya makalagpas sakin ay nagkatinginan kami. Luh ano yun ang cold ha di manlang nag smile stkk snob. Habang nagtuturo ang guro namin ay napalingon ako sa likuran ko.

"Hi I'm Frida!" Pagpapakilala ko sabay ngiti, na nauwi sa ngiwi dahil tumango lang sya at bumalik ang atensyon sa harap. "Ikaw di ka makikipag kilala?" Subok ko parin.

"I already did." Balik nya sakin. Shuta ang sungit naman. Mamaya ka sakin pagtapos ng klase hmp. After few hours natapos ang klase at lumapit sakin sila Aerish at Faye.

"Tara kain na tayo girls! I'm so gutom na talaga eh." Si Faye ng makalapit sakin. "Oo nga Tara na Frida kain na tayo. Nagiging conyo na si Faye e." Aerish ng makalapit.

"Wait kakausapin ko lang si-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kong wala na si snob sa likod ko. "You were saying?" Tanong ni Aerish. "Ah wala tara na." Sabi ko at nauna na.

Habang papunta sa cafeteria ay pinagtitinginan kaming tatlo. How i love to caught the attention of others, Make me feel that I'm a live. Samantalang sa bahay pahirapan makuha ang atensyon ng mga tao doon.

Nang makapila kaming tatlo ay nakita ko si Matteo snob at kinausap ito. "Hi kakain kana?" Tanong ko na nakangiti.

"Obviously." Sagot nya saken. Awts pahiya ako don ha! Umusad sya sa pila at bumili ng pagkain nya.

"Frida diba yun yung transfer na pogi sa atin!?" Faye na may pakinang kinang pa na mata.

"Yep. Looks like he doesn't like to talk always." Si Aerish na sumagot kay faye."Come on bumili na tayo." Inis kong saad. Pagtapos bumili ay naghanap kami ng mauupuan. Madali lang naman dahil madaming nag-aalok na tumabi kami sa kanila pero nakita ko si snob na kumakain mag-isa sa six seater na lamesa kaya doon ako dumiretso. Ha kala mo ha di kita titigilan.

Three Words To My Heart ( One Shot )Where stories live. Discover now