0.5: Fallen

5 0 0
                                    

MIKEL's POV

Sad it may be, I'm a hundred and ten days away from my 19th birthday and I don't even see it coming. I can't even visualize a celebration--the blowing of candles, an extravagant party, confetti, party poppers. Even having just an ordinary day with my friends chilling in my messy room like the old times seems impossible.

It won't be like that ever. Not anymore.

Hindi naman sa pagmamayabang, but I used to be this university's Mary Sue. Sure. It was nice while it lasted, but things just turned upside down a few months ago. Lahat ng bagay na binuo ko all these years at pinaghirapan ko din namang makuha, nawala. I had to start from scratch again, yet... with all the broken pieces, I don't know which one to pick up and prioritize first.

Mabuti na lang din, mabilis lang ding lumipas ang mga buwan at huling araw na ng final exams ngayon. Kung may mawawala man sa akin, sinigurado kong ang pinakahuli nilang mababasag ay ang academic achievements ko. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagaaral at pagbabasa ng mga librong sa totoo lang hindi ko naman pinagkainteresan noon, gaya ng ginagawa ko sa nakaraang tatlong taon, para lang masabing hindi ako apektado sa mga bagay na nangyayari sa paligid ko. 


Dean's Lister, model student, Vice President sa student council, at heto, ito na ang huling araw na kinailangan kong magsunog ng kilay at sumubsob sa pagaaral. Natapos ko ang finals na mayroon pa ding kaba, pero ngayong wala na akong sinasagutang papel, ang naiisip ko lang, bahala nang bumagsak.

Nakatambay na lang ako sa rooftop ng main building ng Hamilton University--ang tinatawag nilang 'summit' ng Harper Hills dahil nakapwesto ito sa pinakamataas na parte ng syudad at mula rito, makikita mo ang mga ilaw sa kabuuan ng Harper Hills pagdating ng gabi.

Harper Hills is situated on a mountain, commercialized na ito sa loob ng mga nagdaang panahon at maraming subdivision na rin ang nagawa, malamig ang klima, parang Baguio but with less tourists, more pine trees. Dahil nakatungtong ang Hamilton University sa pinakamataas na parte ng maliit na syudad na ito, mas nararamdaman ko ang lamig. Mas nararamdaman ko ang pagiisa.

I grew up in what was once a small town, but now it all seems unfamiliar to me. Kahit yung mga taong kasabay kong lumaki, halos hindi ko na makilala. Maaaring damay ako sa kasalanang nagawa ng iba, pero hindi ba nila naiisip na biktima rin ako?

Nakatanga na lang ako habang pinapanood ang mga estudyanteng isa isang lumalabas ng gate ng campus namin. Noon, kahit sinong batiin at ngitian ko, ganun ang gagawin sa akin pabalik. Ngayon, iniiwasan nila ako at itinuturing na parang hangin, na parang kasalanan ko ang ginawa ng iba at ako ang sumasalo sa galit na hindi naman dapat para sa akin dahil isa rin naman ako sa mga nakinabang.


Sumampa ako sa railings ng rooftop at agad na itinuntong ko ang mga paa ko sa pasilyo. Saktong sakto lang ang lapad ng semento ng ledge na tinutuntungan ko sa laki ng mga paa ko, at panigurado, kaunting galaw lang, bubulusok ang katawan ko pababa sa quadrangle. Kung sswertehin, babagsak pa ako sa taniman ng mga rosas na nasa paanan ko lang. 

It would be nice to die in a bed of roses and know that in death, you've helped those flowers bloom. You've watered them with your own... blood. I would have probably served my purpose by then.

Now, I'm six storeys above the ground.

Nararamdaman ko ang panginginig ng mga daliri ko sa paa't kamay, butil-butil na din ang pawis na tumatagaktak sa noo ko kahit na napakahangin naman sa parteng ito ng university at namamanhid na din ang mga paa at labi ko. Nakatitig lang ako sa ibaba at blangko na din ang isip ko. 

Ang paulit ulit lang na tumatakbo sa isip ko ay ang mga katagang: "Bahala nang bumagsak."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Into The Scattered LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon