Sa kanyang pagkakatunghay ay nasilayan niya ang lalaking may singkit na mga mata ang makapal niyang kilay na tila inukit ng isang magaling na artist ang matangos niyang ilong ang mga ngipin niyan mapuputi at higit sa lahat ay ang labi nitong mapula at tila ay napakalambot. Unang tingin palang niya rito ay alam na niyang delekado ang ang kanyang puso.
Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatulala sa harapan kung hindi lamang siya siniko ni Tiffany.
Saka lamang niya napansin na sa unahan lang pala niya naka upo si Kent.
"Okay ka lang ba?" Pabulong na tanong ng kaibigan dahil nag didiscuss na ang kanilang guro.
"Oo. May sumagi lang sa isip ko" sagot niya na ipinagkibit balikat nalamang nito
Ifinocus nalang niya ang kanyang sarili sa pakikinig sa kanilang leksyon.
Matapos ang dalawang oras ay tumunog na ang bell, hudyat na simula na ang kanilang break time.
Nililigpit na niya ang kanyang gamit ng may humarang sa liwanag na nang gagaling sa labas ng bintana.
Dahan dahang napaangat siya ng tingin at nang makita niya si Kent ay ganun na lamang ang kanyang pagkagulat ng nakangiti na ito sa kanya.
Nagulat man ay hindi niya ito ipinahalata sa binata.
Napansin niya ang mga babaeng styudante na nakiki osyoso sa labas ng kanilang classroom.
Ibinalik niya ang tingin sa binata
"A-anong kailangan mo?" Kinakabahan niyang tanong
"Wala kasi akong kasabay mag break. Pwede ba ako makisabay sa iyo?" Nakangiting tanong nito
"May kasama kasi ako eh" kasabay noon ay ang pag sulyap ko kay Tiffany na nasa may pintuan na may pagtatanong sa kanyang mukha
"Ahh ganun ba?" Tila dismayado nitong sagot
Nakaramdam naman ng konsensya si Stella kung kaya't binawi nalamang niya ang kanyang sinabi at pinasabay sa kanilang dalawa ang binata.
Nakita naman niya ang pag aliwalas ng mukha nito at tila ay may malaking karayom ang nawala sa dibdib ni Stella.
Habang naglalakad sila patungong canteen ay ipinaliwanag niya kay Tiffany ang napag usapan at di nag tagal ay naging close ang dalawa.
Habang kumakain sila ay halos mailang siya sa tinginan ng mga kababaihan sa kanila dahil sa lalaking kasama nila
"So bakit ka lumipat sa Pilipinas?" Tanong ng kaibigan sa kasama nila
"Kasi may kailangan akong iwasan sa America" simpleng sagot nito na pumukaw sa kanya kuryusidad
Magtatanong na sana siya ng maunahan ulit siya ng kaibigan
"Sino naman? OMG don't tell me may pinagkakautangan ka doon?" Eksaherada nitong tanong na nag patawa sa aming dalawa ni Kent
"Hindi naman. Wala akong pinagkakautangan" tugon nito na may kasamang tawa.
Pag ka tapos nito ay sa kanya naman natuon ang atensyon nito
"So Stella, tell me about yourself."
"Bakit? Ano to, interview?"
"Hindi naman, syempre gusto kitang makilala" nakangiti nitong sagot.
Nakita ko naman si Tiffany na pasimpleng ngumingiti kong kaya't mahina ko itong sinipa sa ilalim ng lamesa ngunit pag kindat lang ang isinagot nito sa akin
"Well, I'm Stella Alarcon 18 years old, simple babae na may simpleng buhay. Scholar rin ako ng school" nakangiti at proud kong pag papakilala sa akimg sarili
"Wow. A beauty with a brain" nakangiti nitong pag puri sa akin na siyang sanhi ng pag ka pula ng aking pisngi.
Hihirit pa sana si Tiffany ng marinig naming tumunog ang bell tanda na kailangan na namin bumalik sa class room.
Sabay sabay na kaming tumayo at nagmamadaling bumalim sa room
Sakto pag dating namin ay sya namang kakapasok lang ng aming subject teacher
Nag simula na itong magturo
Bumalik sa aking isip ang nangyari kanina ay napangiti na lamang ako sabay panakaw na sumulyap sa lalaking nasa aking harapanNapailing na lamang ako sa aking naiisip at ibinalik na lamang ang aking atensyon sa gurong nag tuturo sa harapan.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away (ON HOLD)
Teen FictionI did everything to make you happy but you still chose her I gave my all, but why did you hurt me? Am i the one who's at fault? Am i the one who's to blame? Am i not worthy for your love? Tell me. Don't let me think that you're my ONE THAT GOT AWAY...