CHAPTER 3

3 2 0
                                    

Chapter 3: Mist

Enrad

Ilang taon ko na ba syang iniisip?

Ilan taon na ba simula nung huli ko syang makasama at makita sa akong mga panaginip?

"Trick or Treat!" Nagising ako sa 'king pagmumuni-muni ng biglang sumulpot ang mga batang naka-costume para sa Halloween. Uso talaga ang mga ganitong selebrasyon sa America. Binigyan ko sila ng tig-iisang kendi tsaka bumati ng 'Happy Halloween'.

Tumingin ako sa coffee mug kong walang laman. Napakalalim siguro ng iniisip ko kaya hindi ko napansin naubos na pala ito. Pabalik nako sa loob at bubuksan na sana ang pinto ng may kumalabit sa akin. Si Lilith. Ito yung anak ng kapit-bahay namin.

Lumuhod ako upang magpantayan ko ang kanyang maliit at cute na height. "Happy Halloween, Lilith. What do you have for me?" Natawa ako ng ngumuso ito. She's a bit shy. Wala ring halos kalaro kaya siguro ganon.

Inabot niya sa akin ang kanyang basket sabay bulong ng "Trick or treat" ngumiti ako at binigyan ng limang piraso ng kendi. Lumapit ito sa aking tenga, sabay bulong "I dressed like an elf, Kuya Enrad" humagikhik muna ito bago nagnakaw ng halik sa aking kanyang pisngi. Nagtatakbo itong bumalik sa loob ng kanilang bahay.

"I'll the your mom about this" pahabol kong sigaw dito.

"You won't cause you love me." Hirit nito at nakapagflying kiss pa. Natawa akong nang mahina.

Ang aking ngiti ay napawi ang maaninag ko ang isang usok na tila ay lumalapit sa akin habang unti-unti itong naghuhugis tao.

Sa halip na umalis ay napako ako sa aking kinatatayuan ng maaninag ko ang posturang pilit ginagaya ng usok.

May dalang mainit na haplos ang usok na ito, na tila kilalang-kilala ako.

"En...baby." Nawala ang usok ng may mabilis na sasakyang dumaan sa kalye namin.







"I'll be frank to you, Enrad. You're having delusions. There is no such thing that exists. I tried to connect it to the following confessions that you've said but, there would always be loopholes." Ngumiti ako ng malungkot sa harap ng doctor.

"You should meet or create friends. Being alone will make you think over things. It is never bad to open up to someone. Till our next session, Enrad"

Tahimik akong lumabas sa opisina ng aking physiatrist. Sinabi ko sa mga magulang ko ang nangyari, at inisip nila na may sakit ako sa pag-iisip.

Kaya pinipili kong manahimik. Sometimes, people would judge or misinterpret whatever you say. There are some circumstances that cannot be expressed by words.

I knew better. That girl is not and will never be a hallucination. There's something about this mist that makes me feel home.

My thoughts stopped when the taxi driver said that I already reached my destination. I was so engrossed with it that I didn't notice the time. Maybe I need a little break, and rest for a bit at Hermoso.







"Sigurado ka na ba diyan anak?" Tanong ni Tita habang nag-eempake ako.

"Yup. Maybe I need rest too, Tita. I just need to wind up. Mukhang naho-homesick ako." Nakangiting tugon ko sa kaniya.

"Homesick? Eh tatlong taon ka na dito sa Pittsburgh. Pero sige kung iyan ang gusto mo. Hindi kita pipigilan. Alam kong dumiresto ka kaagad sa pagtatrabaho matapos mong maka-graduate. Tama lang din na magpahinga ka." Ngiti lang naging tugon ko kay Tita.

"Rad, for sure makakahanap ka ng babaeng para sa iyo pagdating mo sa Pilipinas. Makipaghalubilo ka o di kaya makipagdate. Nang sa ganoon ay magkaroon ka ng diversion. Wag mago-over think anak ah."

Matagal bago ako nakapagsalita. Tumingin muna ako saglit kay tita bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Opo tita..."

I'll find you, Baby. Magkamatayan na hahanapin kita. Hindi ka hallucination o delusyon. Totoo ka. Totoong-totoo.

••••

Give this chap a star.

Pointed Ears [Hybrid Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon