2- Who?

35 4 0
                                    

-Jaime-



10:04 A.M.


"AAAAAAAAAAAAA?" sigaw ko.


Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kusina. Pinagmamasdan ko lang si Papa na nakatayo na aakalain mo bang wala na itong buhay. Pasalamat na lang talaga at pwede ko pang magamit ang iilang bagay. Hindi ko lang talaga mainitidihan kung bakit at paanong nangyayari na hindi nagalaw ang lahat ng tao sa paligid ko!!!! AAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!


"Baka dito lang sa amin may ganito?" nakakabaliw kong tanong sa aking sarili. Gusto ko ng umiyak dahil sa sitwasyon ko, pero baka magmukha lang akong tanga!


"Puntahan ko kaya si Alethea?.. Ano Jaime? Isip!" Dala siguro ng pagkabalisa at pagkalito sa mga nangyayari, nagrurumble-rumble na ang mga bagay-bagay sa utak ko. Pero wala naman sigurong masama kong aalis ako ng panandalian sa bahay. Titignan ko lang naman kung sa akin lang nangyayari 'to, o baka may kasama pa pala akong nadedemunyo din.


Dali-dali akong dumiretso sa kuwarto at inayos ang aking bag. Hindi pwedeng aalis ako na walang dalang gamit. I should always be ready for more unexplainable circumstances just like this. Bakit ba naman sa dinami-daming tao sa mundo, ako pa talaga! Ako pa talaga ang nilagay sa mga sitwasyong di ko kayang lagpasan mag-isa.


"Pa! Jaja at Kiko! Aalis lang ako ng panandalian! Diyan lang kayo! Babalik din agad ako! Huwag na huwag kayong gagawa ng kahit anong.... out-of-this world" Bilin ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng bahay.


Hayysss!!! Hahanapin ko lang muna kung anong dahilan at kung bakit nangyayari ito! Maybe alien invasion? Military experiment? Apocalypse, and all possible causes on why this sh*t is happening! Pagkatapos noon, babalik at babalik din ako agad dito Papa!



.
.
.



8 years ago,


"엄마! (eomma)" Tawag ko kay Mama.


"Ano bang sinisigaw mo diyan?" Naiiritang tanong ni Mama sa akin.


"May bago nanaman akong natutunan na Korean word! Imbes na Mama ang tawag ko sayo, 엄마 na!" Tuwang-tuwa kong sabi sa kaniya.


"Alam mo para kang bata?! 20 years old ka na at ang galaw mo parang takas mental?! Umayos ka nga sa mga kilos mo! Para bang ang pag-iisip mo eh, imbes na tumino nagiging mas mapurol pa!!" Mga salitang unti-unting dumurog sa puso ko.


Mali bang maging masaya kahit sa maliit na mga bagay? Nakakabawas ba ng maturity ang pagappreciate ng mga bagay na ngayon mo lang nakukuha? Does maturity supposed to make you a more serious being?

ALMOST FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon