Chapter 11: SORRY

494 25 0
                                    


Aish ang sakit ng ulo ko teka ano bang nangyayare ang sakit sakit ng ulo ko para akong nauntog sa pader, lumingon ako sa paligid pero bakit nandito ako sa loob ng kotse huh kay kuya ba to, pero bakit mag isa ko dito tapos walang tao lumabas ako ng kotse tapos nandito ako sa tabing dagat malapit rin Lang sa bahay teka nga
Naalala ko na binuhat ako ni Kayden tapos diko na alam yong nangyare asan naman Yong mukong na yon

"Gising ka na pala" ahy palaka may nag Salita sa likod ko pag lingon ko speaking si kayden
"Oh" may inaabot siya saaking milk tea pero hindi ko yon kinuha baka kasi sunod naman may lason na yan ayoko pang mamatay

"Ayoko nga baka my lason yan noh" tapos tinalikuran ko siya bahala nga siya hindi ko pa Kaya nakakalimutan yong ginawa niya saakin

Umupo ako sa gilid pinag mamasdan ko lang yong dagat ang ganda ng mga alon gusto ko tuloy lumangoy pero hindi ako marunong lumangoy hahaha bakit ba takot ako eh baka malunod ako, Maya Maya naramdaman kong may umupo sa tabi ko si Kayden

"Kunin mona tsaka huwag ka ngang mag isip na may lason to napaka praning mo" umirap ako bago kinuha yong milk tea pero hindi ko pa yon tinikman

"kukunin rin Lang pala "

Narinig kong bulong niya psh ibalik ko na lang kaya dami niyang alam eh

"Bakit mo ba ako dinala dito baka hinahanap na ako nila mama at papa" Sabi ko sakanya pero hindi parin siya tumitingin saakin

"Ah... Eh"

"Ano?! Uuwi na lang ako baka nag aalala sila mama saakin" wala naman pala siyang sasabihin eh sinasayang lang niya yong oras ko, tatayo na Sana ako pero bigla niya akong hinila dahilan para mapaupo ulit ako

"Atat ka?? Kakarating nga lang natin tapos uuwi kana" wow ha ako pa ngayon ang atat kong sinabi na niya sana kanina pa edi tapos Diba hindi yong kailangan pang buhatin ako tapos ipupunta ako dito

"Ano nga may gagawin pa kasi ako" Sabi ko sakanya tapos Maya Maya tumingin siya saakin yong mga mata niya ang ganda tapos parang tinatawag ka matutunaw na ata ako neto

"Look I'm sorry for what happened yesterday" teka nga nag so sorry ba siya

"Yon Lang ba?"

"Ito naman nag sosorry na nga yong tao eh ano pang gusto mong marinig na gusto ka ni.." hinihintay ko yong susunod niyang sasabihin pero hindi na niya tinuloy sino naman Kaya yong mag kakagusto saakin diba sa mukha kong nerd

"Ah.. Sige uuwi na ako" paalam ko sakanya tapos tumayo na ako mag lalakad na lang ako tutal malapit naman yong bahay "Hahatid na kita" tapos bigla niyang hinila yong kamay ko tapos pinasok niya ako sa loob ng kotse niya

Nakarating narin kami sa bahay buti na lang wala si Kuya tsaka si Kuya kasi kapag wala ako hinihintay niya ako sa pintuan tsaka hindi din kami napansin ni mama

"Salamat" tapos ngumiti ako sakanya baba na Sana ako pero bigla niya ulit akong hinila problema ng lalakeng to hilig mang hila eh "I told you call me Master" sa boses pa lang niya parang nainis siya tsaka bakit naman master feeling neto

"Kailangan ba yon? Daming Alam"

"Ano may angal ka gusto mo sa lunes pag pasok mo sa school tanggal kana" dami talaga niyang alam tanggalin daw ako tsk

"Opo na Master psh" pag kakasabi ko non bigla siyang ngumisi saakin tapos ginulo niya yong buhok ko "Good girl, umalis kana baka ang dumi na ng upuan ng kotse ko" wow ha ikaw na ikaw na mayaman, sinabi ko bang ihatid ako pauwi

Pag dating ko sa bahay sinalubong ako ni mama tapos ni papa naka ngiti pa sila saakin ayoko ng mga ngiti nila ang weird lang

"Bakit po?" tanong ko

"May kailangan ba akong malaman Nicole" si papa

(-_-)

"Ang Alin po?" ang gulo anong kailangang malaman ni papa "Hoy manang San ka galing?" si Kuya maka hoy ha samantalang Lil sis ang tawag niya saakin tapos bumalik na sa dating manang

"Eh si Nicole may manliligaw na" luh si mama sabihin ba naman yon sa harap ni papa tapos ni kuya lagot ako neto kay kuya

"Si manang may manliligaw imposible naman yon mama baka bulag yong lalakeng yon" grabe naman si Kuya ganyan na ba talaga yong tingin niya saakin walang mag kakagusto saakin di ikaw na gwapo pfft

"Ano kaba naman James hindi Kaya bulag yong lalake ang gwapo nga eh si Kayden Choi" pag kakasabi ni mama na ang gwapo Biglang nag walk out si papa hallah ka diyan mama nag ta po si papa

"Ano?!"

Sinundan naman ni mama si papa lagot na talaga si mama sabihin ba namang gwapo sa harap ni papa napaka seloso pa naman ni papa ang hirap pa niyang suyuin, pag lingon ko kay kuya ang sama ng tingin niya saakin sabi niya kasi huwag ako lalapit sa apat

"Totoo ba?" kahit hindi sabihin ni kuya alam kong nagagalit siya sa boses pa lang "Hi.. Hindi nag bibiro lang si mama" nakakatakot si Kuya ang seryoso ng mukha niya ngayon

"Yong totoo!" sumisigaw na siya ngayon galit na talaga siya at nakakatakot siya ngayon gusto kong umiyak

"Kain na tayo!" narinig kong sigaw ni Yaya, tapos tinalikuran ako ni kuya wala na galit nanaman siya saakin

"Yaya si mama at papa po hindi pa po ba kakain?" tanong ko si Kuya naman tahimik lang kumakain

"Ewan ko Nicole naririnig ko ngang nag sisigawan sila kanina" Tama nga Yong hinala ko mag aaway nanaman sila hay nako grabe pa namang mag selos si papa



--



Andito na ako sa kwarto natapos na rin akong kumain si papa at mama ayos na rin sila buti naman si Kuya naman hindi pa rin niya ako kinakausap, nag shower muna ako tapos nag palit ako ng pang tulog ko Maya Maya Biglang tumunog yong cellphone ko hindi pa pala alam nila mama na binigyan ako ng lalake g yon ng iPhone baliw talaga siya pinapabigay niya lang yong mga mamahaling gamit

FROM:Master

"Marga mag kita tayo bukas sa Park may ipapagawa ako sayo don't be late 9am"

Teka bukas may pupuntahan ako bibili ako ng gamit ko para sa project ko tapos may iuutos siya tsaka bakit naman Marga yong tawag niya San niya yon nakuha itetext ko sana siya na pwedeng sa susunod na lang siyang mag utos pero wala ako load tsk bahala na makatulog na nga lang bahala na kong anong mang yayare bukas at kong anong iuutos ng lalakeng yon






Itutuloy...

That Face Spells "TROUBLE"(COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon