Chapter 18: GAME

456 25 0
                                    

ELLA POV:


(Umaga)

Napabangon ako sa lakas ng alarm ko, ginusto ko talagang mag alarm ng maaga kasi hindi na ako aasa pa na gigisingin ako ni kuya dahil sa nangyare kahapon, tsaka ayaw ko muna siyang makasabay ngayon ang sasakit kaya yong mga sinabi niya saakin kagabi na desperada ako, tsaka ganon naman ang tingin niya saakin eh DESPERADA!!

Pumunta na ako sa cr para maligo, aish magang maga yong mata ko kainis naman eh umiyak kasi ako kagabi hanggang sa nakatulog ako, natapos narin akong maligo nag palit narin ako ng uniform ko at nag sapatos na rin tapos Bumaba na

Naabutan ko naman si mama na nag lalagay ng pag kain sa Plato tapos napatingin siya saakin

"Oh anak ang aga mo atang nagising ngayon ha" lalapit sana si mama saakin pero lumayo ako at umiwas ng tingin sakanya

"Nicole may problema ba?" si papa, hindi ko man lang na malayan na nasa lamesa pala si papa na nagbabasa ng diaryo

"wala po" tsaka ko pasimpleng inaayos yong uniform ko

"Anong breakfast ma?" napatigil ako sa pag aayos ng damit ko ng marinig yong boses ni kuya ayoko muna siyang makita

Kumuha na lang ako ng dalawang piraso ng tinapay tsaka kinuha yong bag ko " "Ma, Pa alis na po ako" Bago ako lumabas hinalikan ko muna sila sa pisngi nila tapos lumabas na ng bahay

"Problema non?" rinig kong tanong ni mama

--

Andito na ako sa school nag lakad na ako papunta dito para exercise na rin, nag text rin ako kay Crizel na hintayin niya ako sa gate Ewan ko ba parang ayaw ko kasi munang mag lakad mag isa sa hallway baka sugurin ako ng mga fangirls ng kuya kong Bully

"Ella!" napatingin ako sa gate andoon na nga si Crizel kumakaway napatawa tuloy ako tsaka lumapit sakanya "Aga mo ngayon ah, pero teka totoo ba yong kahapon"

Napatigil ako sa pag ngiti ko napalitan ng lungkot yong mukha ko, hindi ako alam ayaw ko ng marinig ang nangyare kahapon

"Oo, pero pwede bang huwag muna lang ibabanggit ulit please?"

Hinawakan niya yong kamay ko bakit ganon gumaan yong pakiramdam ko ng hawakan niya yong kamay ko

"Okay, ngiti kana diyan" tapos pinisil niya yong magkabilang pisngi ko

Habang nag lalakad kami papunta sa classroom ko deretso lang yong tingin ko sa Daan pero nakikita sa gilid ng mata ko na lahat ng studyante nakatingin saakin tapos nag bubulungan sila ano bang klaseng buhay to

"Don't mind them" Sabi ni Crizel Tama siya dapat huwag ko na lang sila pansinin kasi yon din lang ang simula ng away

"Look girls yong desperadang kapatid ni prince ni James" Napatigil kami ni Crizel sa pag lalakad ng marinig namin yon

Tinignan namin siya at Si cleo nanaman at kasama niya Yong mga clown "pake alam mo ba!" sabat ni Crizel tahimik lang ako kasi ayaw ko ng away

"That's to impossible to happened right girls" pigilan niyo ako papatulan ko talaga to

"Yeah,hahaha"

Aba aba sabay pa talaga silang nag salita

"What's happening here?" napatingin kaming lahat ng marinig yong boses ni criza

Sila cleo at mga clown na kasama niya ayon nag sisitakbohan bat ganon natatakot sila kay criza

"Buti naman dumating kana" - crizel

"Teka bakit kaba nila kinakatakotan sa tuwing dumadating ka nag sisitakbohan sila" Ewan ko curious lang ako matagal na kasi yon tinatanong ng isip ko

She sigh "remember Aiden is my brother" eh ano naman kong kapatid niya si Aiden eh ako din alam na ng buong campus na kapatid ko rin ang isa sa bboys eh di matatakot na rin sila saakin pero hindi eh

"Tapos?"

"Tapos?"

Sabay naming tanong ni Crizel "Pag Inaaway nila ako ipapatanggal ko sila sa school" paano? Eh si Kayden ata ang may ari neto

"Huh? Paano? Eh Diba si Kayden namang ang may ari ng school nato" Sabi ko

"Aish nevermind let's go" mag sasalita pa sana si Crizel pero hinila niya kaming dalawa Kaya wala na kaming nagawa

--

"Excited na ako bilisan mo nga diyan ella" Sabi ni Crizel uwian na kasi tapos Inaayos ko lang tong mga gamit ko

Ito naman si Crizel nag mamadali ginawahan pa niya ng banner si Alexander eh, eh ako nga hindi ko talaga gustong manuod lalo na kapag makikita ko si Kuya ayaw ko pa naman sana siyang makita ngayon

"Woh!! GO BBOYS!!!" ang ingay ingay naman ang sakit sakit sa tenga, ang ingay nila eh hindi pa naman lumalabas yong team ng bboys

Maya Maya lumabas na ang bboys kaya mas lalong umingay dito sa loob ng gym si Crizel sigaw ng sigaw dito sa tabi ko ng makita niyang lumabas si Alexander pangalawa siya sa lumabas pangatlo naman si Sebastian kaya yong puso ko tumatalon nanaman tapos si Kuya na yong lumabas kaya yumuko ako bahala siya dyan

Kong hindi sana nangyare yong kagabi baka ichecheer ko pa siya ngayon kaso wala eh inaway niya ako eh di walang cheer

Nag start na ang game kaya napunta yong Bola sa bboys hawak ni Kayden bat ganon habang tumatagal siyang tinititigan parang ang gwapo niya ahhhh!!

"Hoy ella hindi kaba mag checheer sa kapatid mo tignan mo pinasa ni Kayden sakanya yong bola Icheer mo naman"

Bakit nman ako sisigaw bahala siya diyan kahit mashoot niya "Huwag na" Sabi ko

Dahil sa ingay ng buong gym gusto ko ng lumabas kaya nag paalam ako Kay Crizel na pupunta muna ako sa cr pero ang totoo niyan uuwi na talaga ako Kaya nag text ako sakanya na kunwari masakit ulo ko kaya hindi na ako makakapunta pa sa gym

TO:Crizel

"Crizel, sorry hindi na ako makakapunta pa diyan sa gym ang sakit kasi ng ulo ko kaya uuwi na ako"

Send.

Mag lalakad na Sana ako palabas ng school pero may Biglang motor na dumaan kaya napaupo ako sa sahig bwesit yon ah

"Miss okay ka lang?" napalingon ako sa nagsalita, ang ganda ganda niya

Ang ganda ng kilay, labi, tapos ang sexy niya sino siya dito ba siya nag aaral? Pero bakit ngayon ko lang siya nakita?..

Itutuloy....

:[Mag uupdate po ulit ako next week Kaya hintay hintay lang po♥︎]:

That Face Spells "TROUBLE"(COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon