Chapter Four
Vyssini
"Hahabol nalang daw si Calvin," sabi ni Nora sa akin ng dumating ako sa labas ng gate.
"Mas mabuti pang ganoon. 'Di yong nagpapa-VIP siya." Bulong naman ni Arthur na narinig naman ni Zara,
Tinignan ko si Zara ng akmang sasagutin niya si Arthur. Zara stopped herself and kept silent,
Hinintay lang namin ng konti ang sundo ko. Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Manong Dolby.
Nang dumating kami sa bahay ay nagtaka ako ng sinalubong ako ng isang maid sa labas,
"Ma'am Vyssini, kanina pa po kayo hinihintay ni Madame Patricia." Sabi nito,
"Ha? Anong meron?"
Sa halip na sagutin ako ng kasambahay ay pinagbuksan niya lang kami ng pinto. Nauuna akong pumasok sa bahay at sumunod nalang ang mga ka-group ko.
"Kunin niyo ang mga materials sa kuwarto ko. Second floor, left. Alam na ni Jean," sabi ko sa kanila.
"Tara. Sundan niyo ako." Sabi ni Jean at naunang pumunta sa hagdan,
"Alam mo kung saan ang kuwarto ni Vyssini?" Parang hindi sigurado si Arthur.
"Oo kaya. Noon pa man nag sli-sleepover kami dito sa bahay nila Vyssini, kaya doon talaga kami sa kuwarto ni Vyssini natutulog, alangan naman sa kusina di'ba?" Sabi ni Jean.
Binalewala ko nalang sila hanggang naka-akyat na sila.
Hinarap ko ang kasambahay na nanatili lang sa tabi ko na tahimik.
"Nasa kuwarto ba si Mom?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Hindi po. Nasa hapag po siya, kasama ang bisita niyo po." Sabi nito.
Bisita? Si Calvin ba? Akala ko hahabol siya, bakit siya naunang pumunta dito?
Pumunta ako sa hapag at nagulat ako ng nakita ko si Mommy kasama si Shaw na kumakain.
"Vys! Mabuti naman at nandito ka na. Nasaan na 'yong mga ka-group mo? Pakainin mo muna sila bago kayo mag umpisa." Sabi ni Mommy,
Tinalikuran ko sila para tawagin ang mga myembro ko ngunit pinigilan ako ni Mom. "Si Manang Essa na ang tatawag sa kanila, anak. Umupo ka na dito."
Hindi na ako naka-angal at umupo sa tabi ni Mom, katapat ni Shaw. Nakita ko ang mariin na titig niya sa akin na nagpa-kaba sa akin ng husto.
Why is he here? Tatanggapin na niya ba ang offer? At paano niya nalaman ang address namin?
Nanatili sa akin ang mga mata ni Shaw kahit na sumusubo siya. I cleared my throat.
Napansin ko ang pag tingin niya sa buhok ko, hindi na sa mga mata ko.
"So, Shaw is here to check on you, Vys." Sabi ni Mommy dahilan ng pag-tingin ko sa kanya,
Baka may sinabi si Shaw sa kanya! Did he told her about what happened on the bar?
Sumulyap ulit ako kay Shaw na ngayon ay nakatingin na sa pagkain niya.
Napatingin naman ako sa mga myembro ko ng dumating na sila. When Nora and Zara saw Shaw they were both shock. Si Jean din naman ngunit nangingibabaw ang katanungan sa mga mukha niya.
I signaled her to sit beside me. Sinunod niya naman. Katabi niya si Zara habang katabi naman ni Zara ay si Nora. Arthur sat in front of Nora.
May dalawang silya ang blanko bago ang silya ni Shaw kay Arthur.
BINABASA MO ANG
Chasing the Abyss
Teen FictionWhen Vyssini's offer of marriage to Shaw was rejected, she has no other choice but to chase him.