Chapter Three

32 20 17
                                    

Chapter Three

Vyssini

After what happened in the bar, I didn't want to show my face to Shaw. Pagkatapos nangyari iyon ay tumakbo na ako at tumakbo. Mabuti nalang at nakuha ko ang pouch ko nang tumayo ako galing sa couch kaya natawagan ko ang sundo ko,

I texted Caroline that I went home earlier and said I was sorry.

Nag-absent din ako sa Monday dahil sa tindi ng hang-over ko. Ngayon na Tuesday na ay kailangan ko na talagang pumunta sa school para makabawi sa pagka-absent ko,

Habang nag-aayos ako sa sarili ko ay hindi ko mapigilang ma-alala ang nangyari sa bar. I can't move on!

Nakakahiya na nakakainis at nakakagalit. Nahihiya ako dahil sa mga pinagsasabi ko sa lalaking kulangot na iyon na narinig ni Shaw! Maybe he thought I was a flirt kaya nag-engage 'yong lalaki dahil doon. I knew what kind of 'heaven' that ugly man said! Nakisakay lang ako para ma-distract siya. And damn! Narinig pala iyon ni Shaw!

"Shit!" Napamura ako ng hindi ko mahanap ang suklay ko.

Nakakainis din 'yong pangit na lalaki na iyon! Maniac!

And I didn't even had the chance to say thank you to Shaw at agad na akong tumakbo! What a shame!

Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad at nagbuntong-hininga ako. Hindi na ako mapakali dahil sa mga emosyon ko.

I wanted to be absent again dahil may malas yata ako at parati kaming nagtatagpo ni Shaw. But I need to attend classes today!

Hindi ko na pinatagal ang pag-aayos ko dahil baka masira ko lahat mga gamit ko sa inis. Nang bumaba ako ay handa na ang breakfast ko. Mabilis akong kumain at nagpahatid na,

10 minutes early ako kaya pumunta muna ako mg canteen. Bukas ang canteen namin sa mga oras na 'to, kaya medyo may karamihan na ang mga estudyante.

Habang bumibili ako ng pagkain ay biglang kumalabit sa akin, pag tingin ko si Jean lang pala,

"Hi, Vys!" She greeted. Naka ngiti siya sa akin.

"Hi."

"Ba't ka umalis agad nung sa bar at bakit ka absent kahapon?"

Napatingin ako sa kanya sabay ngiwi. Agad talagang tinanong 'yon? Kinuha ko ang binili ko at pumunta sa bakanteng upuan.

"Hoy! Bakit nga?" Sinundan niya ako at umupo din siya sa harap ko. Mukhang kinakabahan siya,

Hindi ko kasi sinabi sa kanila kung bakit ako umalis ng maaga at nag sorry lang ako. Wala din akong plano na sabihin sa kanila tungkol kay Shaw kaya sinabi ko nalang sa kanya iyong manyak na pinagtripan ako,

"Ah. Kaya pala. Akala namin nagtampo ka dahil ikaw lang ang naiwan sa couch," sabi niya at ngumuso pa.

Umiling ako. "Hindi naman." Kaya pala parang kinakabahan siya.

"By the way, may groupings tayo sa-" natigilan siya at mas humaba pa ang nguso niya. "Ay, may trabaho ka pala." Sabi niya sa isang maliit na boses.

Hindi pa pala nila alam na si Hayden ang namamahala sa kumpanya namin.

"Anong klaseng groupings ba?" Uminom ako sa binili 'kong soda.

"May project kasi tayo sa Science. Ka-group tayo, ngunit baka may trabaho ka. Kami nalang bahala. Ikaw nalang bahala sa mga gamit na kailangan-"

"Kailan 'yan ipapasa?"

"Sa Friday. Bakit? Okay lang naman kung bukas ka pa maka-bili ng materials." Sabi niya.

Chasing the AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon