Salitang laging binabanggit ngunit may mga taong hindi pinapalad.
Dahil sa sila'y pinagtatagpo ngunit hindi sila ang nakatadhana.
Marahil hindi pa iyon ang tamang panahon para makita nila ang nakatadhana sa kanila.
Ngunit may mga katanungan na hindi nabibigyang kasagutan na kung bakit may mga taong sila'y itinadhana ngunit hindi nagtatagal.
Bakit nangyayari sa buhay ng bawat tao ang mga ganitong bagay?
Hindi tayo perpekto ngunit kaya natin itama ang mga maling nangyayari sa buhay natin.