Sinungaling Sila

4 2 0
                                    

ENTRY FOR KM & H PUBLISHING WRICON WITH A THEME OF "Kabilang Mundo".

Nilibot ko ang aking paningin sa isang lugar na bago ko lang narating. Nakaupo ako sa isang silya at may mesa sa aking harapan kung saan nakapatong ang aking magkabilang kamay. Medyo madilim din ang paligid dahil iisang ilaw lang ang naroon. Mula sa aking kinaroroonan ay tanaw na tanaw ko sa bintanang gawa sa salamin ang lalaking papasok sa kinaroroonan ko. Siguro gaya kanina, pipilitin niya na naman akong magsalita.

"Pwede mo na bang ikwento sa akin ang mga nangyari?" aniya sa beses na hindi ko na mabilang.

"Sinungaling sila..." panimula ko gaya nung mga nauna saka sinalubong ang seryoso niyang tingin.

Nahampas niya ang mesa. "Lintik! Paulit-ulit ang kwento mo!" reklamo niya.

"Sinungaling sila nung sinabi nilang hindi makakapasok ang anak ng dyablo sa kumbento..." sabi ko.

"Ano bang—"

"Makinig ka dahil ito na ang huling beses na ikekwento ko ang bagay na ito!" asik ko, nanlilisik ang tingin sa lalaking kaharap ko.

Bumalik ako sa mga ala-alang iniwan ng Carta Apollyon, isang kumbento sa Sapian.

"Kawawa naman iyong biktima. Talagang wakwak daw ang dibdib at ubos ang lamang-loob," ang rinig ko sa usapan ng dalawang matandang ale sa simbahan.

Oras ng misa kung kaya narito ako kasama ni Sister Dolores. Isa ito sa mga trabahong kailangan kong gampanan sa kabila ng murang edad ko, bilang pasasalamat na rin sa pag-ampon sa akin ng kumbento. Ayon kay Sister Dolores, sanggol pa lamang ako ay iniwan na ako ng aking mga magulang kung kaya'y ganun na lamang ang pasasalamat ko dahil kung hindi sa Carta Apollyon, siguro'y wala na ako sa mundo.

"Nakakakilabot isipin ano? Naglipana na naman ang mga aswang sa ganitong panahon," ani ng isa pa.

"Eirene!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagtawag ni Sister Dolores sa aking pangalan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng iba! Nakakahiya, hija!"

Agad akong napayuko matapos ang pabulong ngunit madiin na pangaral sa akin.

"Sorry po," ani ko. "Pero Sister, totoo ba ang mga aswang?"

Bumuntong hininga ito saka hinawakan ang aking magkabilang balikat. "Kahit totoo sila, wala kang dapat ikabahala dahil walang lugar ang dyablo sa simbahan...lalo na sa kumbento, Eirene," aniya.

Hanggang matapos ang misa at makabalik akong muli sa kwarto ko sa kumbento ay hindi nawala sa aking murang isipan ang kwento ng dalawang ale. Nawaglit lang sa isip ko ang bagay na iyon nang dumating ang hapunan. Napakasarap lagi ng mga pagkain dito, hindi nakakasawa. Nakarami na naman kami ng kain ni Nica, isa ring ampon at ang natatanging kaibigan ko rito.

Kinabukasan ay tumulong akong muli sa simbahan. Nakapako na rito ang buong buhay ko. Mas maigi na rin dahil malayo ako sa kung anong kasamaan na meron sa mundo. Ngunit walang nagbago. Pagkapasok na pagkapasok ko sa simbahan ay nabalitaan ko na naman ang panibagong insidente ng mga taong wakwak ang katawan at walang lamang-loob. Kagaya rin kahapon, napagsabihan na naman ako ni Sister Dolores.

Nakalakihan ko ang mga ganung kwento. Labing tatlong taon ako nung una kong marinig 'yon at labing walong taon na ako ngayon ay hindi pa rin natatapos ang mga ganung kababalaghan. Ngunit hindi gaya noon, wala ng takot sa loob ko dahil tama si Sister Dolores, walang lugar ang anak ng dyablo sa simbahan at sa kumbento.

"Sino ang nakabasag ng mamahaling vase?!" nagkatinginan kami ni Nica habang iniinteroga ni Sister Maritha, ang kapatid si Sister Dolores.

"Walang aamin sa inyo?!" sigaw niyang muli nang hindi kami sumagot.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon