Prologue
Kasalukuyan kaming naglalakad ng mga kapatid ko papunta sa kung saan, naghahanap lang ng matatambayan. Galing kaming cafeteria para mag-lunch.
S'yempre unang araw ng pasukan, 'di mawawala yung pogi hunting, 'no? Of course, hindi magpapahuli 'yung mga kapatid ko! Gusto pa ata nila 'kong hamunin sa padamihan ng mabibingwit na bois, e alam naman nilang hindi sila mananalo sa'kin.
Hindi rin naman ako magpapatalo, duh.
At halos karamihan sa mga gwapo ay mga transferees. My gosh, ang sarap nitong lalaking nasa harap ko. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ng isip ko.
Nakikipagtawanan s'ya sa mga kasama niya. Napatingin naman ako kay Gail, iyong bunso namin. Napansin rin siguro niya iyong mga poging nilalang na 'yon.
Si ate naman ay kung saan-saan dumadapo 'yong mata. I laughed when I saw her reaction, iyon bang where-the-gwapo's-na-ba look. Hindi talaga mapakali hangga't walang nakakapukaw sa taste niya.
"Ate, nakikita mo ba 'yang apat na 'yan," Turo ko doon sa apat na lalaking nagtatawanan kanina.
"Oh? Eh? Ano meron?" Maarteng saad niya.
"Ampogi nila kako," Hala, ayaw pa ata n'ya, umaarte pa nga.
"Huh?" Sumasalungat si Ate. Gusto ko matawa.
"Huh-tdog," Si Gail yan, hindi yata mabubuhay nang walang binabara.
"Ay, mais ka beh. Tigilan mo 'yang kaka-hatdog hatdog mo, ah." Ani Ate. Gail and I laughed.
"Ang pikon naman, Ate." Gail said.
"Let's go. My feet hurts na. Puro na lang lakad ginagawa natin." Ako, nagrereklamo.
"Let's go, doon na tayo sa tambayan." Ate Yana said.
Lalakad na sana ako, pero nabunggo ako ng isang tao. Nabitawan ko iyong phone ko. Shet. Akmang aabutin ko na 'yong phone ko nang maunahan n'ya ako. Inabot n'ya naman sa'kin agad. Gosh, buti 'di nabasag.
Nag-angat ako ng tingin. OMG sis 'yung pogi na tinititigan ko kanina. "Sorry, miss. I'm sorry... Sorry." Natulala naman ako, ang pogi n'ya sa malapitan. Gosh.
Natauhan naman ako sa pag-kakatitig sa kanya. "N-no, it's o-okay." Nahiya naman ako bigla. Nakaka-consious yung tingin n'ya. Ang ganda pa ng mga mata n'ya, ang tangos ng nose, his face is flawless, parang kung hahawakan mo nakapa-lambot at kinis, and those kissable lips. Ang tangkad n'ya at ang bango, Arrghh.
"Are you sure?" Si baby, gawd.
"Yes, baby." Nakangiti ko pang sabi. Here we go, flirting mode is on.
Noong napatingin ako sa kanya mukhang nagulat naman siya sa inasta ko, namula s'ya. 'Pag tingin ko sa mga kapatid ko nakangiti ang mga hindot. Noong ibaling ko naman 'yung paningin ko sa mga tropa ni kyah'ng pogi, mukhang natatawa sila habang nakatingin sa gulat na mukha ng tropa nila na nasa harap ko. Gusto kong matawa sa inaasta n'ya, gulat na gulat talaga s'ya. I laughed at the thought.
"O-oh, okay." He said, his face looked shocked.
Sabagay, sino bang hindi magugulat. Hindi mo naman kilala tinatawag kang baby.
"Ate, tara na." Aya ni Gail. Napatingin naman 'yung apat na pogi sa kanya. Gail smiled sweetly, lalo na doon sa lalaking nakabrace, yung pinakamaliit. Matatangkad naman sila lahat, pero s'ya yung pinakamaliit sa kanilang apat. Ang cute n'ya, huh. Hindi na 'ko magtataka kung ngayon pa lang ay may tama na si Gail d'yan. Bagay sila. Boto ako d'yan.