PROLOGUE

5 2 0
                                    

I was devastated and messed when a man dumped me. Yung tipong sobrang dami mong iniisip, yung tipong feeling mo sasabog na utak mo. Ganun yung nafefeel ko simula nang iwan ako ni Aran. He is my first love and unfortunately, my first heartbreak.

Hindi ko alam kung sa una lang ba talaga masaya o sa una palang may mali na.

Naaalala ko pa rin yung mga sinabi niya at yung pangyayaring nagpabago sa buhay ko.

"Beh, kanina ka pa nakatulala diyan. Ano ba iniisip mo? Share naman dyan baka makahelp akes," Lanzy said.

"It's nothing, let's go?" I smiled at her and grab her wrist.

Napag isip-isip ko na hindi dapat ako magmukmok sa isang tabi, masakit oo. Pero kailangan ko rin tulungan sarili ko. Kailangan kong bumangon kahit wala na siya.

Naisipan kong mag unwind muna kaya eto kami ngayon ni Lanzy pupuntang South Korea. Buti na nga lang at natanggap ko na ang sweldo ko. Nag leave muna ako ng ilang weeks pati na rin si Lanzy. Sa totoo lang nahihiya na nga ako kay Lanzy, eh. Paano ba naman dapat ako lang mag u-unwind at mag l-leave pero pati siya gusto akong samahan. Kesyo, "We're bestfriends forever and I can't take it to see you like this," ika niya.

May pa-ganyan pa siyang nalalaman, sus alam ko naman na gusto niya rin mag liwaliw dahil na s-stress na rin siya dito sa Pinas.

Dahil pareho naman kaming malungkot, aba'y eto kami ngayon nasa airport nag aantay ng flight namin.

Hindi naman sa excited kami, pero parang ganun na nga. Dahil 6:00 am pa yung flight namin at 4:45 am naman kami dumating dito. Anong oras na ngayon? Mag a-alas sais na, medyo matagal-tagal din inupo at inantay namin dito.

After an hour, we are way to go. Ako yung nasa may bintana nakaupo at siya naman katabi ko. Nasita pa nga si Lanzy dahil bawal nga raw ang cellphone. Ang Lanzy naman nakangiti tapos nag peace sign. Tawanan pa kami.

Napangiti nalang ako kasi ang sarap pala sa pakiramdam na may taong dadamayan at sasamahan ka sa lahat. I think I found that person, she is Lanzy.

Pagtingin ko sa katabi ko, nahilik na. Ikaw ba naman sa sobrang excited hindi ka talaga makakatulog. 

Ginising ko na siya nang marinig ko na lalanding na ang eroplano.

"Lanzy, hey! Wake up. Malapit na tayo." Pag gising ko sakanya at inalog alog pa ang balikat niya.

"Ay andito na pala tayo?" Takang tanong niya at maya-maya lang napalitan na ng excitement mukha niya.

Tumango nalang ako at nag ayos na dahil pababa na kami.

And finally! Nakarating na kami sa airport ng South Korea.

"Beshy! I can't believe it!!!! Nasa South Korea na talaga tayo. I really hope na maenjoy natin yung stay natin dito, okay? Bawal mag emote!" Sabi pa niya at tumakbo habang nakalabas yung dila.

Napasapo nalang ako sa noo ko, parang bata talaga. But she's cute.

Tumakbo na rin ako at hinabol siya.

Sumakay kami ng bus papunta sa Seoul, dahil mag c-check in pa kami sa hotel na pinabook namin.

Pagkarating namin sa hotel, nag check-in na kami at napagpasyahang gumala muna.

"Hay grabe! 'Di ko talaga inexpect 'to, Saczhny!" —Lanzy, habang pinipisil braso ko.

"Ako rin naman, ah! Parang nananaginip lang ako, kurutin mo nga ako!"

It really feels surreal, parang 'di totoo. Para akong nasa dream land. Kung panaginip nga ito, babatukan ko ang gigising.

Kinurot niya nga ako at hinampas ko naman siya.

FatedWhere stories live. Discover now