"Who's that bro? Is that your girl?"
Sobrang nanlalaki mata ko at natulala ako nang ilang segundo.
Imagine, yung pangarap at crush na crush ko nasa harapan ko na.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya yumuko nalang ako.
"Yes, bro. This is my girl." Lulu answered, inakbayan pa ako.
"Hoy, ano bang sinasabi mo?" Sita ko nang pabulong kay Lulu at siniko-siko ang tagiliran niya.
"Mapapagalitan ako at magagalit din yun sa'yo kung sasabihin kong nakibarge in ka lang dito," Lulu explained.
Tumango nalang ako. Kesa nga naman mapalayas ako nang wala sa oras.
"Oh." Yun lang ang nasabi niya.
Speechless ata.
"Okay, then. I'll sleep here for now, if you don't mind. Please close the door." Sabi niya tapos nag senyas pa na isarado nga raw ang pintuan.
Ngayon ko lang napansin, sa dulo kasi may isang pintuan. Akala ko nga dati CR, tapos kwarto rin pala yun. Kwarto niya to be exact.
Sinarado ko na yung pintuan, baka mamaya makadisturbo pa ako 'no. Nakakahiya naman. Grabeng kahihiyan na ang mga pinaggagagawa ko.
Tinawag na ako ni Lulu at pinakain muna ng almusal.
Hindi ko na rin mapigilan kilig ko, kaya napairit ako.
"Hoy! Ang ingay mo, mamaya magising yun," sita ni Lulu.
"Eh paano ba naman, 'di mo man lang ako sinabihan na si Huang Zitao pala iyon!" Hinampas-hampas ko pa braso niya, feeling close lang ang peg.
"Aray! Teka lang kasi muna, kumalma ka nga," saway ni Lulu.
Hinila niya ako palabas, ano yun?! Papalabasin na niya ako agad kasi nalaman kong si Huang Zitao may-ari nitong van?
"Joke lang naman, 'wag mo muna akong palayasin please?" Pagmamakaawa ko, pinagdaop ko pa ang aking palad at kulang nalang lumuhod ako rito.
"Tangeks, wala akong sinabi. Ang akin lang, dito tayo mag usap. Ang ingay-ingay mo, baka hindi makatulog nang maayos si Taotao," said Lulu.
"Ay sorry naman, sir. Sige sige, labas na us," sabi ko naman.
Lumabas na kami at sinarado na niya nang mabuti ang van. Tama yun, para 'di maistorbo si Taotao. Omg lang, ha. Hindi ko inexpect 'to, kasi diba sobrang imposible. Pero eto na, eto na siya kaya sige posible nga talagang mangyari.
"Uy, baka anong isipin nun nung sinabi mong girl mo ako." Pagrereklamo ko at tinitigan siya nang maagi. Sabi ko dati ang gwapo niya diba? Lalo na sa malapitan, tinitigan niya rin ako. Feeling ko magiging ice cream na tunaw ako mamaya. His eyes, his nose, his lips, his cheeks, his abs—wala palang abs. Mukha lang pala nakita ko.
"Quit staring," saway niya.
Nahalata niya pala iyon, kaya siguro tinitigan din ako. Nagbawi ako nang tingin. Staring challenge, the winner is Lulu.
Tumawa siya, kaya napatingin ako. Anong nakain nito? Tawa nang tawa, wala namang nakakatawa.
"Are you crazy?" I asked, teasing him.
"I'm not. Tingnan mo kaya itsura mo nakakatawa." He said at tumawa na naman siya.
"Bahala ka nga riyan, aalis na ako. Salamat talaga sa stay."
Aalis na ako, kasi namimiss ko na at nag aalala rin ako kay Lanzy. Baka kung ano-ano nang iniisip nun. Baka mamaya tawagan pa ang parents ko at magulat nalang ako na nandito na sila sa tabi ko. Magic.
Masakit man na iwan ang van na ito, pero kailangan. Dahil sa umpisa palang naman, hindi naman akin 'to.
"Uy! Para kang nasa MV, emote nang emote. Kala mo naman 'di siya babalik dito," said Lulu.
"Bakit, makakabalik ba ako rito? Ay oo, siguro kapag nawala ulit ako. Atsaka hindi ko alam 'tong lugar ano. Baka sa ibang lugar nanaman ako makapunta hindi dito," mahabang litanya ko.
"Edi tawagan mo ako, I'll fetch you."
"Yoko nga, baka mamihasa pa ako."
Gusto ko naman talagang bumalik dito pero siyempre ayoko rin makaistorbo. Lalo pa't alam kong ito lang ang pinagpapahingahan ni Huang Zitao.
"Final na ba iyan, Sach? Baka mamaya magbago isip mo. Sige, bibigyan kita ng mga ilang segundo. Minuto. Para mag isip," he teasingly said.
"Alam mo, salamat. Pero ayoko talaga, masaya ako na nakita ko yung matagal kong pinapangarap kahit nung nasa Pilipinas pa ako," I said and smiled at him.
"Ang drama mo, layas na."
Lumayas na nga ako pero bumalik din.
"Oh, bat ka bumalik? Miss mo na agad si Taotao?" Pang-aasar niya at ngumisi.
"Hindi pero sige oo," sagot ko.
"Wow, hanep. Wala pa ngang ilang segundo miss agad?"
"Hindi, ganito kasi yun," sinabi ko sakanya lahat na nawawala ako at hindi ko makontak yung friend ko.
"Okay, mga 8:30 am aalis na 'tong van na 'to. I will tell Taotao na ihatid ka namin sa hotel na pinag s-stayan niyo," he offered.
Tumango naman ako at ngumiti. Kinikilig ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/231771963-288-k820830.jpg)
YOU ARE READING
Fated
RomanceItong story na 'to para sa mga taong fan na fan ni Huang Zitao like me. Para naman kahit sa story man lang, naging atin siya. HAHAHAHAHA. Sana magustuhan niyo 'to! Due to boredom, here I am writing a story- a love story.