"Hello, my name Crystal Jennifer Mariano, Cj for short nice to meet you" pakilala ko sa lahat nandito ako ngayon sa isang restaurant na papasukan ko pinasok ako dito ni danica my bestfriend since highschool hindi nako naka tungtong ng college dahil sa hirap ng buhay sapol nung iwan kame ng tatay ko at sumama sa ibang babae sapol nun nag hirap na buhay namin dahil labandera lang si nanay kaya napilitan akong huminto sa pag aaral dapat second year college nako pero nahinto para mag trabaho at nag prisinta si danica para ipasok ako sa restaurant nila si danica naman nag patuloy sa pag aaral minsan pag wala siyang pasok lahat ng lesson nila sa school tinuturo niya sakin ang swerte ko noh? Na may kaibigan akong ganon na nasa taas para hilahin den ako pataas napaka swerte ko dahil na kilala ko si danica. Pag ka tapos ko mag pakilala pinabalik na sila sa kanya kanyang trabaho at hinarap ako ng manager ate ni danica si ate Diana.
"Ano crystal okay lang ba na dito ka sa loob ng kitchen?" Nakangiting tanong ni ate Diana.
"Opo ate okay na okay po ako dito lagi naman ako nag huhugas sa bahay kaya sanay na hahaha" natatawang sabi ko at natawa ren silang dalawa.
"Sis pag may kaylangan ka wag ka mahihiyang mag sabe ah? Thank you kase pumayag ka na mag trabaho dito." Sabi naman ni danica.
"Naku ikaw Pa ang nag pasalamat ah? Deba dapat ako ang mag pasalamat sayo? " natatawang sagot ko.
"Ihhh tha-thank you lng eh!" Parang batang angil niya natawa naman kami ni ate diana.
"Don't worry crystal tuwing weekend day off mo" nakangiting sabi ni ate Diana.
"Thank you ate Diana ah sobra sobra na tong tulong ninyo sakin salamat talaga.. Danica gurl thank you ah!" Sabi ko at sabay yakap kay danica.
"Nako cj gurl wala yun noh! Ikaw pa!" Sabi niya at yumakap pabalik.
"Ah ma'am Diana may nag hahanap po sa inyo Cassandra daw po ang pangalan" sabi nung sec. Ni ate Diana
"Oh okay let her in" sagot ni ate Diana nandito kase kami sa office niya ngayon.
Dahan dahan bumukas ang Pinto ng office ni ate Diana at may pumasok na maganda? Hindi panget? Hindi ren maganda na parang hindi ewan di super ganda... Ganda lng tapos morema mahaba ang buhok matangkad parang ako lang pero mas maganda ako choss mukhang mayaman ang ayos ng damit mayaman nga...
"Good afternoon Ms.sy" nakangiting bati ni ate Diana napatingin naman ako sa babaeng binati niya tinarayan niya lng si ate Diana tapos ngumiti.
"Whatever ana, masyadong pormal tss" nakangising sabi nung babaeng Morena.
"Hahaha ang init naman ng ulo mo cassy hahaha"natatawang sabi ni ate Diana. Biglang tumingin sakin yung cassandra nakakatakot naman tong babaeng toh.
"Tss mukha bakong multo mukhang takot na takot naman Yang reaction mo" nakangising paren sabi neto sakin. Napalunok ako bat ganon ang bigat ang pakiramdam ko sakanya.
"Hey! Wag mo kaseng takutin yung bata hahaha sge na danica lumabas muna kayo" sabi samin ni ate Diana
"S-sge ate... u-una na kame.. t-tara na cj gurl!" Sabay hila at Tawag sakin ni danica habang sinasabi niya yun nakatingin siya dun sa babae...
Pag kalabas namin dun lang gumaan pakiramdam ko "shet pag talaga nakikita ko siya kinakabahan ako nakakatakot siya!" Sigaw na bulong ni danica napatingin naman ako sakanya.
"Ikaw ren? Grabe yung kaba ko nung tinignan niya ako sino ba yun?!"takang tanong ko sakanya kase ngayon ko lang siya na kilala lahat ng kaibigan ni ate Diana nakita ko na pero siya bago ngayon palang...
"Cassandra Sy" maikling sagot ni danica habang naka tingin paren sa pinto ng office ni ate Diana.
"Kaibigan ni ate childhood friend niya ngayon ko lang ulit siya na kita kase balita ko nasa Korea siya... At isa siyang writer nabasa ko na mga sinulat niyang stories at maganda kaso mystery tulad niya tsk napaka misteryosa at nakakatakot ihhh" mahabang sabi ni danica bigla naman ako kinabahan.
YOU ARE READING
Parallel Love
RandomNaniniwala ka ba sa magic, fantasy? Tunghayan ang kwento ng dalawang magkaibang mundo na pinag-tagpo ng tadhana. Dadaan sila sa maraming pagsubok at hamon, malalagpasan kaya nila ito, sila kaya'y itinadhana din?