Pagkagising ko sa umaga ay may nakita akong kahon. May sulat na nakapatong nito.______________________________________
Heleana Sanchez,
Ngayon ang unang pagensayo sa laro. Ito ang damit na iyong susuotin habang nageensayo.
Taimtim na pagbati,
Miranda Dampios______________________________________
Ngayon nga pala magsisimula ang laro. Ako'y naligo na at inayos ang aking sarili. Sinuot ko na ang damit.
Nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay gusto ko itong basagin. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon sa susunod. Magiging matatag ako, dapat mabuhay ako muli.Ako'y lumabas sa aking kwarto at nagtungo sa labas. Alas otso na ng umaga, matirik ang araw. Nagsimula kaming magensayo.
May nakita kaming mga lalake, nakita ko na naman ang lalaking nagdala sa akin dito sa Impyerno. Ako'y nainis ng magtama ang aming mga mata. Kitang-kita sa kanyang mga mata na tumatawa siya kahit nakatakip ang kanyang mukha.
"Heleana, focus!"Naramdaman kong hinawakan ni Yurika ang balikat ko.
"Patawad." Sabi ko at kami ay nagensayo muli.
Nakita ko si Madam Miranda sa itaas ng balkonahe. May dala siyang mikropono.
"Magandang umaga sa inyong mga kababaihan...at mga kalalakihan."Sabi niya at umiba ang ekspresyon ng makita niya ang mga guwardiya na mga lalake.
"Mamayang alas sais ng gabi, magsisimula ang unang laro." Saad ni Madam Miranda. "Singkwenta ang mga kandidato rito pero treinta lamang ang papasa sa larong ito." Bakas sa mga mukha ng kandidto ang kaba at takot. Wala kaming magagawa, kung hindi kami magiging matapang ay hindi na kami bibigyan ng pag-asang mabuhay muli.
"Simulan niyo na ulit ang paeensayo."Sabi niya at umupo sa balkonahe.
Naglaban kami gamit ang tabak. Pinahati kami ng groupo ng mga kababaihan. Ang mananalo ay hindi saklaw sa unang laro. Sampung kandidato lang ang hindi makakasali sa laro kaya may kwarenta pang naiiwan.
Nasali kami ni Yurika sa sampung kandidato pero kailangan pa rin naming labanan ang isa't-isa. Sumuko agad si Yurika sa pakikipaglaban sa akin, dahil mabilis akong umiilag sa kanyang mga tabak.
Isang babae nalang ang aking kakalabanin.
"Hi! Ako nga pala si Janine, sana'y matalo ka sa ating pakikipaglaban."Saad niya at nakangiti.
"Heleana, goodluck."Saad ko, iyon lang ang sinabi ko sa kaniya.
Kami ay nagsimula ng lumaban sa isa't-isa, malakas ang puwersa niya habang tinatabak ako sa aking balikat. Hindi ako nakailag sa kanyang tabak ngunit sinipa ko siya dahilan ng matumba siya at inilagay ko ang tabak sa kanyang leeg. Tutuluyan ko na sana siyang patayin ngunit may humadlang sa akin.Natauhan ako bigla ng sumagot ang aking kalaban.
"Ang galing mo! Sana maging matalik tayo na kaibigan." Sabi ni Janine habang inilahad ang kanyang kamay."Aking aasahan ang susunod na ensayo kasama ka."
Nakipagkamayan ako sa kanya. "Mas magaling ka, patawad dahil muntikan na kitang patayin."Saad ko sa kanya.
"Naiintindihan ko naman, lahat tayo ay gustong mabuhay muli."Sabi niya at nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ang Kabiyak Ni Hudas
Mystery / ThrillerHeleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat, kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili?