Nagising ako sa kwarto ko, sumasakit pa rin ang buo kong katawan. Tumingin ako sa paligid. Nakabukas ang bintana, ako'y tumungo at isinara ito. Ako'y nakaramdam ng kilabot dahil nakaramdam ako ng lamig na ihip ng hangin. Ako'y pumunta sa palikuran at naghilamos upang tuluyan akong magising. Ako'y bumalik sa aking higaan, nakaupo ako at tumingin sa harapan ng pinto.
Tuluyan na sana ako hihiga sa aking kama pero bumukas uli ang bintana dahilan na lumamig ang buo kong kwarto, isinara ko ito muli. Tumingin ako sa bintana,nakita ko si Madam Miranda at may lalaking nakatakip ang buong katawan maliban ang mga mata niya, dahil sa kanyang kasuotan di ko gaanong makilala o makita kung sino siya kung siya ba ang lalaking nagdala sa akin dito sa Impyerno . May kakaibang aso ang patungo sa kanila. Pinakain nila ang aso ng pagkain, ang pagkain na iyon ay ang laman loob ng babaeng nagkwento kanina at kung hindi ako nagkakamali ay si Kiana ang isa.
Tumingin ang lalake sa direksyon ng kwarto ko dahilan na maatras ako at pumunta agad sa higaan ako. Dali-dali kong binuklot ang sarili ko sa kumot.
Narinig kong bumukas ang bintana sa aking kwarto. Narinig ko rin ang yapak ng paglalakad ng lalake kung hindi ako nagkakamali.
Nawala na ang ingay sa kwarto ko, tumahimik na ang lahat. Sigurado akong wala na sila.
Binuklat ko ang aking kumot at tumayo. Ako'y huminga ng malalim upang hindi mangingibabaw ang takot na aking nadarama.
"Tumingin ka?"Ako'y natauhan nang bigla nang may tumanong sa akin. Madilim ang sulok ng aking silid dahilan na di ko makilala kung sino ang aking kinakausap.
"Sino ka?"Tanong ko.
"Diba ang sabi ko sayo huwag kang sumuot ng puting kasuotan."Ako'y nabigla sa kanyang sinabi.Hindi ako umimik, ako'y humiga ulit.
"Ako si Ash."Pagpapakilala niya, hindi pa rin ako sumasagot sa kanya. "Natatakot ka ba?"
Ako'y hindi nakikinig sa kanyang mga sinasabi, ang aking naaalala lamang ay ang kanyang huling mga salita.
"Aalis na ako, sana maalala mo ang mga sinabi ko, kahit pangalan ko man lang."
Ako'y bumangon na sa aking kama at nagsimulang pumunta sa palikuran upang maligo. Habang pinapaandar ko ang shower ay walang bumababa na tubig nito. Aking sinara uli at pinaandar uli, bumuhos ang liquido na kulay pula na nangangamoy dugo. Aking isinara muli ito. Nababaliw na ako sa mga pangyayari lalong-lalo na't ang bilis sa aking mga mata, na tila ba'y di ko kayang mahabol.
Tumingin ulit ako sa dugo, ito'y naging tubig. Siguro nga ay natrauma na ako sa nangyari kahapon. Dapat maging matatag ako at matapang, kung umaasa akong mabubuhay muli. Dapat hindi ako nagpapadala sa aking emosyon at nagpapakita ng kahinaan.
Ako'y lumakad palabas ng aking kwarto,alas saisna ng umaga pero ang dilim parin ng pasilyo. Nakarinig ako ng sigaw, pero iba ang tunog para bang nasasarapan o natutuwa na di ko kayang mapaliwanag. Parang lahat ata ng babae ang sumigaw sa kanilang mga kwarto pero maliban sa akin. Ako'y tumungo sa kwarto ni Yurika.
3
Ako'y kumatok muna ng tatlong beses. "Yurika?" Tanong ko. Ako'y nakadinig ng tunog sa loob ng kanyang kwarto, aking inilapit ang aking tenga.
"Ah!"Ungol ni Yurika na dahilan kong kinagulat. "Ah!"Nagpatuloy ang kanyang ungol na mas lumakas pa. Ang totoo'y hindi lang si Yurika ang sumisigaw, kundi ang iba ring mga babae sa kanilang silid. Malapit na mag alas-siete, sinubukan kong buksan ang pintuan niya pero nakalock. Aking sinipa ang pintuan ng malakas dahilan upang mabukas ito.
Nakabikaka si Yurika,wala siyang panloob na ilalim kaya kitang-kita ang kanyang kababaihan. May inilabas siyang liquido mula sa kanyang pribadong bahagi, pawisan siya habang nakapikit ang kanyang mata, ang kanyang mga kamay naman ay nakahawak sa takip ng kanyang kama nang buong pwersa at mukha siyang ginahasa.
"Yurika!" Tawag ko sa kanya. Sinubukan ko siyang gisingin pero umuungol pa rin siya. Kumuha ako ng tubig sa kanyang palikuran, ginamit ko ang kabo. Malapit nang magalas siete ng umaga, siguradong hihinto na ang mga kabaliwan na nangyayari sa lugar na ito. Binuhusanko ng tubig si Yurika dahilan upang gumising siya.
Ibinuklat niya ang kanyang mata at sumabay ang paglabas muli ng liquido sa kanyang pribadong parte. Umungol siya ng marahan.
Tinignan niya ako bago niya tinignan ang kanyang sarili, nagsimula siyang umiyak. "Di ko na alam Heleana, parang nililibog ako kada gabi na naguudyok sa akin maging mapusok." Saad niya. Yinakap ko siya dahil kailangan niya ng karamay.
"Hindi ka ba dinadalaw?" Tanong niya, nagulat ako sa tanong niya. Naaalala ko ang sinabi ni Madam Miranda sa akin noong ikalawang gabi. Ang sinabi niya ay Dahil may dalaw. Ngayon ay naiintindihan ko na nang maigi ang sinasabi niya."Heleana?"Tanong ulit niya.
"Sa totoo lang Yurika hindi pa ako nakakaranas ng dalaw, pero kailan mo pala unang naranasan ang dalaw?"Tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin.
"Naranasan ko siya sa ikalawang araw ko dito sa lugar na ito." Sabi niya at hinawakan ang aking mga kamay.
"Hindi ko kayang pigilan ang temptasyon na bumubuo sa aking katawan Heleana, tulungan mo ako."Saad niya."Tutulungan kita."Sabi ko na kinagaan ng kalooban niya.
Kami ay lumabas na sa kanyang kwarto, nakita kung lumakad si Madam Miranda patungo sa lugar namin.
"Bakit ka nasa loob ng kwarto niya?"Tanong niya at tumalim ang tingin niya sa akin.
"A-ah...Tinulungan lang ho niya akong mag-ayos sa aking kagamitan."Pagtatanggol ni Yurika.
"Magsimula na kayong pumunta sa hapagkainan, nakahanda na ang agahan." Paalala niya sa aming mga kababaihan.
"At tatalakayin natin ang ikalawang laro."Sabi niya, nakaramdam na naman kami ng kaba at takot."Hali na kayo, para di kayo magpalipas ng gutom." Paalala niya.
Panibagong araw, panibagong pagsubok na naman sa buhay.
BINABASA MO ANG
Ang Kabiyak Ni Hudas
Mystery / ThrillerHeleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat, kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili?