Abala ang lahat ng mga madre at iba pang katulong sa pag-a-asikaso sa napakalaking feeding program para sa mga bata sa bahay-ampunan na pagmamay-ari ng mga Ivanovich. Halos nasa tatlong daang bata rin ang naroroon. Ang iba nga ay doon na lumaki.
Sagana sila sa pagkain at kung ano pang mga basic necessity dahil na rin sa suportado sila ng husto ng pamilya Ivanovich. Pero ni minsan ay hindi nila nakasalamuha o nakita man lang kahit isa sa myembro ng nasabing pamilya. Ang pinagkakatiwalaang tao lamang ng pamilya ang laging pumaparoon para ihatid ang pera o kung anumang kailangan sa ampunan.
Gayunpaman ay lubos silang nagpapasalamat sa pamilya dahil hindi sila napapabayaan ng mga ito.
"Mother Elena, pwede po ba 'ko humingi ulit ng sopas at tinapay?" untag ng isang dalaga sa tinawag nyang Mother Elena.
Ngumiti ng matamis si Mother Elena sa dalaga.
"Oo naman hija," anito sabay abot sa dalaga ng styrofoam na naglalaman ng sopas at saka inabot ang isa pang tinapay.
"Salamat po Mother Elena!" tuwang-tuwang bulalas ng dalaga saka bumalik sa kanyang pwesto sa pinakadulo.
Nagsimulang lantakan ng dalaga ang sopas at tinapay. Sarap na sarap talaga sya sa pagkain tuwing may feeding program kaya nga sinasamantala nya 'pag may ganitong program dahil pag ganitong pagkakataon lang sya nakakakain ng marami.
Nang maubos nya ang pagkain nagmadali syang tumayo para sana bumalik sa unahan kaya hindi nya napansin na may paparating sa kanyang likuran.
"What the fuck!" bulalas ng isang baritong boses.
Napasinghap ang dalaga sabay napalingon sa kanyang likuran at ganun na lang ang pagkatulala nya. Isang matangkad na lalaking naka-puting suit ang nakita nya. Moreno ito at gwapo, hindi nakabawas sa kagwapuhan nito ang nakakunot na noo.
"Watch your fucking steps, woman." angil pa ng lalaki na matalim ang titig sa dalagang nasa harapan.
Hanggang dibdib lang nya ang dalaga, nasa dalawampung taon ito sa tantiya nya.
Maputi ito at makinis, nakapusod ang malakulay-mais nitong buhok. Matangos ang ilong at kasing pula ng rosas ang mga labi. Pero ang mas nakaagaw ng kanyang pansin ay ang kulay bughaw nitong mga mata na tila maaliwalas na kalangitan. Ito na ata ang pinakamagandang mata na nakita nya sa buong buhay nya. Mas lalo pag nagpaganda sa mata nito ang mahahabang pilik-mata.
Sa madaling sabi, napakaganda ng babae pero tatanga-tanga ito. At iyon ang hindi nya gusto. Idagdag mo pang isang t-shirt na malaki at paldang lagpas-tuhod lang ang suot nito. Samantalang tsinelas naman ang sapin nito sa paa. Dahilan para mas mainis sya dito. Tipikal na mga hampas-lupa na walang alam.
Nabalik sa huwisyo ang dalaga nang marinig ang sigaw ng galit na lalaki. Pero agad din napakunot ang kanyang noo dahil hindi naman nya naiintindihan ang sinasabi ng lalaki.
"What are you looking at?" lalong tumalim ang tingin ng lalaki sa dalaga. Ang pinakaayaw nya sa lahat ay ang mga kagaya nitong tatanga-tanga.
"P-Pasensya na po ser, h-hindi ko po kayo naiintindihan. P-Pwede po ba ninyo paki-tagalog yung sinasabi nyo?" nahihiyang tugon naman ng dalaga.
"Nevermind." mahinang sabi ng lalaki saka ipinamulsa ang dalawang kamay.
Iiwanan na sana ng lalaki ang dalaga dahil masasayang lang ang laway nya sa pakikipag-usap sa babae pero maya-maya ay lumapit na ang isang madre sa kanilang pwesto.
"May problema ho ba rito?"
Parehong bumaling sa madre ang dalaga at lalaki. Pagkuwa'y ang lalaki na ang nagsalita.
"I'm Lucifer Ivanovich. I came here to personally check this feeding program. But this fucking woman right here is blocking my way, and even stomped on my fucking foot. Hindi n'yo ba tinuturuan ng tamang pagkilos ang mga narito sa bahay-ampunan?"
Nabigla ang madre sa walang habas na pagmumura ng lalaki pero ayaw na nyang sitahin ito dahil isa pala ito sa myemro ng pamilyang sumusuporta sa ampunan at ayaw na din nyang pahabain ang usapan. Sa pananalita pa lang nito ay natitiyak nyang hindi ito tatanggap ng panenermon.
Pagkuwa'y dumako naman ang mga mata ng madre sa paanan ng kausap. May dumi ang puting sapatos nito. Agad na ibinalik nya ang paningin sa kausap.
"Naku pasensya ka na hijo, hindi naman siguro sinasadya nitong batang 'to na matapakan ka. Pagpasensyahan mo na sana sya." anang madre.
Napataas lang ng kilay si Lucifer, "That woman should be the one apologizing not you Sister. As I've heard a while ago she's not a fucking mute. She know how to speak." sarkastikong wika pa nito na tila walang pakialam kahit madre pa ang kaharap.
Napalunok ang madre saka binalingan ang dalaga. "Vienne, humingi ka ng paumanhin kay Mr. Ivanovich."
"P-Pasensya na po Mr. Ivanovich. H-Hindi ko po t-talaga sinasadya." nahihiyang tugon ng dalaga.
"Fine, I'll let this one pass." anang lalaki at basta na lamang silang nilagpasan.
Sinundan na lamang nila ng tingin ang lalaking dumiretso sa sasakyan nito. Ni hindi man lang ito nagpaalam na aalis na. Mukhang sinilip lang talaga ang program.
"Ayos ka lang ba, hija?" pagkuwa'y tanong ng madre sa dalaga.
Tumango naman ang dalaga at ngumiti ng pilit.
"Nakakabigla ang pagdating nya rito. Simula ng maitayo ang bahay ampunan na ito, ni wala isa man sa myembro ng pamilya nila ang nagpakita rito." anang madre na nakatanaw sa papalayong sasakyan.
"Ganun po ba? Magaspang ang ugali nya Mother Elena. Ayoko sa kanya." nakasimangot na saad naman ni Vienne.
"Masama ang magsalita ng hindi maganda sa iyong kapwa hindi ba't sinabi ko na 'yan sa iyo?"
"Pasensya na po Mother Elena. Hindi na po mauulit." nahihiyang tugon pa ng dalaga.
"Ay s'ya sige, babalik na 'ko dun sa unahan. At aasikasuhin ko pa ang ibang bata." anang madre at naglakad na papunta sa unahan.
"Nakakatakot naman ang lalaking 'yon. Kulang na lang eh mangain ng tao." bulong ng dalaga sa kanyang sarili.
Bagama't natatakot sya sa presensya ng lalaki hindi maikakaila na humanga sya sa angking kakisigan nito.
Ang kulay luntian nitong mga mata ay tila ba hihigupin ang kaluluwa ng sinumang tumitig dito. Makakapal ang kilay na bumagay sa lalaking-lalaking hugis ng mukha nito. Matangos ang ilong at manipis na labi na medyo mapula. Tila ba ka'y sarap hagkan.
Napapiksi si Vienne sa naisip.
"Hindi maaari ito. Nagkakasala ako sa kakaisip sa lalaking iyon. Hindi ito magandang senyales. Hindi! Ang bata ko pa para sa mga ganito. Tiyak na pagagalitan ako ni Mother Elena."Tinapik-tapik pa nya ang mukha baka sakaling magising sya sa kahibangang naiisip.
MAAYOS na natapos ang feeding program. At lahat ng mga bata ay nasa kanya-kanya ng silid.
Samantala abala si Vienne sa kanyang silid. Iginuguhit nya ang larawan ng lalaking laman ng kanyang isip kanina pa.
Hindi nya namalayan na nakangiti na pala sya habang pinagmamasdan ang kanyang iginuhit.
'Ang gwapo talaga.' sa isip-isip nya.
BINABASA MO ANG
Lucifer's Angel
Romance"I'll create a Heaven for you, for you cannot live in Hell." - Lucifer Ivanovich Lucifer Ivanovich has it all. Fame, wealth, and a bunch of women. But despite having everything, he still felt that something is missing. Love. He was raised in a cruel...