Naghahanda ako ng aking sarili para sa aking presentasyon mamaya. Linggo ng Wika kasi ngayon at isa ako sa mga gaganap sa aming dula-dulaan sa paaralan.
Ako ang magbibigay-buhay sa karakter ni Sisa. Ang ina na nabaliw magmula ng mawala ang kanyang mga anak. Bukod pa sa dula-dulaan ay meron din kaming speech competition, kung saan kasali rin ako.
Oo, ganito ako ka-aktibo sa aming paaralan. Bakit? Dahil isang taon na lang ay ga-graduate na ako at hinahabol ko ang maging Salutatorian.
Bakit hindi Valedictorian? Dahil alam kong selyado na ang parangal na iyon para kay Jiyu.
Mahirap talunin si Jiyu sa akademiks, kaya pipilitin ko na lang habulin ang ikalawang-parangal sa pamamagitan ng mga Extra-Curricular Activities.
Maliit lang ang aming paaralan. At sa malit na Auditoroum ay nag iipun-ipon na ang hindi lalagpas sa limang daan na estudyante kasama ang kani-kanilang mga magulang.
Asan nga ba ang mga magulang ko? Bakit wala sila dito ??
"Iiwanan mo ba iyang gamit mo sa loob,iha?" Tanong sakin ni Kuya Jose, ang caretaker ng paaralan.
"Oho,kuya,"sagot ko at dali-daling pumasok sa isang bakanteng silid. Isa-isang nilapag ang aking mga gamit sa bakanteng upuan bago tuluyang lumabas.
"Ibibigay ko kay Jell itong susi. Pag kukunin mo na yung gamit mo, hanapin mo na lang sya."
"Oho."
Si Jell ay kaklase ko rin. Ang lalaking hinahangaan ko ng mahigit dalawamg taon na. Hindi sya ganon kahusay sa pag-aaral ngunit nakikita kong mabuti syang tao. Palangiti at magaling makisama.
"Andyan ka lang pala,bakla." Nagulat ako ng biglang lumitaw si Baldo mula sa likod ko. Oo bakla si Baldo. Pero hindi talaga Baldo ang tunay nyang pangalan, kundi Val.
Matalino si Baldo, yun nga lang tamad mag-aral. May mga pagkakataon na nahuhuli ko syang mag-cut ng klase. Sa loob ng isang linggo, swerte ng makapasok sya ng tatlong araw.
"Kanina ka pa hinahanap ni Sir Jeff. Start na ng play nyo."
"Sige, pupunta na ako." At naglakad na ako ng mabilis papunta sa Auditorium.
Agad kong nakita si Sir Jeff sa loob ng Auditorium at kinawayan nya naman ako, senyales na lumapit ako sa kanya.
"Pwesto ka na. After ng play hahawakan mo yung flag habang naawit ng Lupang Hinirang, okay?"
"Opo,sir."
"GOODLUCK!!"
"Para saan yung Goodluck sir? Di naman to competition," ani ko na may kasamang tawa.
"Goodluck mamaya sa Speech mo. Yun ang competition talaga."
"Thank you,Sir." Oo nga pala.
HINDI naman nagtagal ng Kinse Minutos ang mini-play namin. Pagkatapos nga nun ay dumeretso ako sa backstage upang magpalit ng isusuot ko para sa speech.
Isang kulay pulang Filipiniana ang suot ko sa play. Pinahiram lang to sakin mg matalik kong kaibigan na si Gayle. Dahil wala nga dito ang magulang ko upang asikasuhin o suportahan ako, ay ang bestfriend ko nang sina Gayle at Ronnie ang gumawa niyon.
"Saulo mo na ba speech mo?" Tanong ni Ronnie habang hawak-hawak ang bond paper kung saan nakasulat ang speech ko.
"Oo? Isang buwan ko na yang sinasaulo kaya siguro naman di na ko magkakamali." Sagot ko. Nagmamalaki.
"Naku Bessie, huh. Si Baldo ang kalaban mo sa Speech-speech na yan. Kaya galingan mo. Pag napanalo mo yan, sure na ang grade mo." Wika ni Gayle habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Si Gayle din kasi ang nag-aayos sakin. Pati make-up ay ginawa niya na rin.
"Bahala na. Magaling din kasi magsaulo yan si Baldo kaya hindi din ako kampante." Sinabayan ko ng buntong-hininga ang sinabi ko.
"Baliw ka. Galingan mo, kundi itatakwil kita." Si Ronnie na pinapaypay pa sa akin ang bond paper na hawak.
"Bahala na si Batman." Kibit-balikat ko pa.
Primary to Secondary ang kasali sa programang ito. Tulad nga ng sinabi ko ay maliit lang ang eskwelahan namin at iilan ilan lang ang mga estudyante.
Private? Oo. Pero hindi lahat ng nag-aaral sa private school ay mayayaman. Katulad ko.
Nagpeperform na ang first year ng sayaw na Pandanggo sa Ilaw ng bumalik ako sa Auditorium. Bahagyang nabawasan ang mga tao sa loob, dahil siguro sa pagtila ng ulan.
Malakas kasi ang ulan kanina kung kaya't lahat ay nag-ipon-ipon sa loob.
"Sana wag na ulit umulan para mabawasan yung tao."
"Kinakabahan ako. Pa'no kung bigla akong ma-mental block."
"Jusko! Ayoko pong mapahiya"
"Huy! Tulala ka?"
"Ano ba Merr, bakit ka ba nanggugulat dyan?" Medyo napalakas ang boses ko dahil sa panggugulat sa akin ni Merry, isa sa mga kaibigan ko.
"Eh tulala ka,eh. Kabado ka no?"
"Malamang. Ikaw na lang kaya sumalang para ikaw ang kabahan."
"Ayoko no. Ginusto mo yan, panindigan mo." Ika nya na may pag-ismid pa.
"Second year na, after nito Speech Competition nyo na." Si Merry pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.
"Oo na. Wag mo ng ipaalala. Lalo akong kinakabahan eh."
Makakalaban ko sa Speech Competition ang dalawang Fourth Year, dalawang Second Year at si Baldo. Iisa lang ang speech na babasahin namin. May limang paragraph ito. Kung sino lang ang pinakamagaling sa pag-iinterpreta at kung sino ang hindi magkakamali ang siyang tatanghaling panalo.
Pagkalipas ng ilang segudo'ng panonood sa School program ay nagsimula na ang Competition. Magkasunod na sumalang ang dalawang second year students. Si Eyra ang nauna, na kapatid ng bestfriend kong si Gayle, at sumunod naman si Ken, ang pinsan ng kaklase kong si Jiyu.
Pareho sila magaling. Pareho sila hindi nagkamali. Pareho sila'ng pinalakpakan.
Habang nag-i-Speech naman si Baldo ay biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan. Dahilan upang dumoble ulit ang mga tao sa loob ng auditorium. Nahagip ng mga mata ko si Derick, ang pinsan rin ni Jiyu, na kasama ang kapatid ni Ken na si Denver.
Lalo'ng bumilis ang tibok ng puso ko. Dumoble ang kaba'ng nararamdaman ko lalo na ng magtama ang mga mata namin ni Denver.
"Ayesha Sandoval."
Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang malakas na pagtawag ni Mrs. Cabañero sa pangalan ko.
"Sorry po." Sagot ko at dali-dali'ng kinuha ang mikropono kay Mrs. Cabañero.
"Kanina pa kita tinatawag,Ayee. Bakit Tulala ka?" Si Mrs. Cabañero habang nangingiti pa.
Napatawa na lang ako sa kahihiyan.
MAAYOS naman ang mga unang sandali ng Speech ko. Hindi ako nautal o nagkamali man lang. Hanggang sa mapatingin ako sa bandang gilid ng Auditorium kung saan nakapwesto si Derick, katabi ang pinsan nya'ng si Denver.
At doon unti-unti kong nakalimutan ang mga sasabihin ko.
Parang hinigop ng hangin ang minemorya kong talumpati.
Nadala ako sa mga titig nya sakin.
Sino ka ba, Denver Perez?
Bukod sa pangalan ko, ano pa ang alam mo sa akin?
Ano ba'ng meron sa likod ng mga titig mo na yan?
YOU ARE READING
CHAINED
Teen FictionAko, na nakakadena pa rin sa kahapon. Ako, na nakakadena pa rin sa alaala nating dalawa. Ikaw, na hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso ko. Di ko malimutan at di ko kayang kalimutan kung paano tayo pinagtagpo. Kung paano ka naging parte ng maliit...