Epilogue

211 8 3
                                    

Kung ilang minuto na s'yang nakahiga at nakatitig sa kisame, hindi n'ya na alam. Kung ilang patak ng luha, ilang buntong hininga, hindi na n'ya mabilang.

Paano ba umabot sa ganito? Bakit nga ba n'ya hinayaan? Yes, she was drunk that night and hurting inside for almost a year already pero sapat na bang dahilan para bumagsak ang pader na matagal n'yang itinayo? Gusto n'yang sumigaw at magalit para mabawasan ang nararamdaman n'ya but she's too weak to do that.

For more than five times, muli n'yang sinulyapan ang bagay na 'yun. Two lines. She's pregnant. Three tests are enough confirmation. Muling pumatak ang kanyang luha. Ang daming tumatakbo sa isip n'ya. The disappointment on his dad's face, ang mukha ng mom n'ya na nag-aalala, the sadness of his kuya, his coaches, ang team, ang fans... si Thirdy...

"Thirdy. Do I have to tell him? Two months pa lang. Hindi pa s'ya nakakapag-adjust sa Japan for sure. Kaya ko bang sirain ang pangarap n'ya?". She sighed sadly. Wala sa loob na napahawak s'ya sa t'yan.

"I may be not so sure for what's next anak. But Mom gotchu babe". And for the first time since forever, she smiled.

***

She woke up early today. Himala na magaan ang pakiramdam n'ya. Maybe her baby knows that her Mom accepted her already.

"Babe, behave ka today ah. We need to meet your Ninang Cel. I can't do this alone, kailangan natin pumunta sa OB".

She called her bestfriend Cel last night. She haven't told her yet but magkikita sila today para sabihin ang kondisyon n'ya and to seek some advice or she must say help? Alam n'yang kailangan n'ya ng tulong. Hindi n'ya kaya mag isa especially this past few days madalas na s'yang mahilo at magsuka.

***

Agad n'yang natanaw si Cel sa loob ng Friday's. Napansin n'ya agad ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Parang tumataba ka Beatriz. Pero parang blooming ka kahit mugto ang mata mo". She rolled her eyes.
"So what's up Bei?". Enough words para muling pumatak ang mga luha n'ya. Cel grabbed her immediately. Hinayaan s'yang umiyak habang nakikinig sa kwento n'ya. Mula no'ng gabing bago umalis si Thirdy, no'ng umagang dali-dali s'yang nagbihis at umalis para takasan ito hanggang sa hindi n'ya pagpakita hanggang sa huling araw nito sa Pilipinas at sa kasalukuyang sitwasyon n'ya.

"Honestly Bei, I don't know what to say. Kahit naman magalit ako wala na mangyayari. I just want to tell you na ano man ang decision mo, I will hold your hand in every step of your way. But kung ako ang tatanungin mo, talk to Thirdy. Anak n'ya rin 'yan. Hindi lang ikaw ang kailangan humarap sa responsibility na 'yan. At hindi lang ikaw ang may karapatan sa batang 'yan. But for now, we have to go to someone I know para ma-check na inaanak ko". The energetic Cel is back. She's excited kaya pansamantalang nawala mga agam-agam ni Bea. At least may kasama na s'yang mag-aalaga sa baby n'ya. Habang wala pa si Thirdy. Habang hindi pa alam ni Daddy.

***
Note: Last week nanaginip ako. I saw thirdy sa gate ng LGV na may dalang maleta and si Bea may baby bump.

Anyway, I don't proofread kasi madami na ako babaguhin hanggang sa hindi ko na ma-publish😅 Kaya dedmahin n'yo na lang ang errors.

Thank You becomingJane101 for inspiring me. Drama 🤮🤮😘

-R

Glimpse of LifetimeWhere stories live. Discover now