Jessica's POV
Andito ako ngayon sa cafe para magrelax. Nagbabasa ako ngayon ng libro sa wattpad. Romance lahat ng libro ko sa wattpad. Pano kasi eh, NBSB ako. Yes, No Boyfriend Since Birth. Di ko pa Nararanasan ang mainlove.By the way, Ako nga pala si Jessica Mendoza, 19 years old. Maganda, matalino, masayahin pero NBSB parin . May nagkagusto sakin nung 3rd year highschool ako kaso di siya nagpakilala gawa ng kanyang katorpehan.
Sabi ko nga, nasa cafe ako at nagbabasa ng libro. Dumating na yung inorder kong kape. As usual may note na naman na naka dikit doon na laging nakakapagpangiti sakin.. 'Mas maganda ka pa sa umaga :)' Actually di ko talaga alam kung sino ang nagbibigay nito sa akin. Di ko pa siya nakikita pero parang kinikilig ako sa mga sinasabi niya sa mga note sa cup bg kape. Naku! Hindi! Mali itong nararamdaman ko. >_<
Jake's POV
Sabado ngayon kaya nasa cafe ako para magtrabaho at masilayan ang mukha ni Jessica, ang babaeng nagpatibok ng puso ko noong 3rd year highschool kami. Di nga lang ako nagpakilala kasi mas makapal pa sa mukha ko ang katorpehan ko sa katawan ko. Pero kahit ilang taon na ang lumilipas, siya parin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.Siya nga pala, ako si Jake Gonzales, 19 years old. Gwapo, matalino, gentelman, masipag, Torpe at mahal na mahal si Jessica..
Gaya ng sabi ko, nasa cafe ako ngayon paradumuty. Andito din si Jessica at umorder siya ng Choco caramel coffee. Ako ang waiter kaya naman laging spesyal ang pagserve ko sa kanya. Nilalagyan ko lagi ng note na 'maganda ka pa sa umaga :)' Kasi gusto ko nakasmile siya lagi. Kapit bahay ko nga siya eh kaso di naman siya masyadong lumalabas kaya di ko siya nakikita.
Kinabukasan, nakita ko si Jessica sa cafe na malungkot at parang umiiyak. Wala na akong duty noon kaya nilapitan ko siya.
"Mas maganda ka kapag nakangiti" sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako nagtanong.
"Sino ka? Ikaw ba yung laging naglalagay ng note sa kapeng inoorder ko?" Nagtatakang tanong niya sakin. Agad ko namang sinagot iyon.
"Oo ako nga. Ako nga pala si Jake Gonzales,19 years old." Inabot ko sa kanya ang kamay ko at inabot niya din ito. Parang may dumaloy na kuryente nung hinawakan niya ang kamay ko.
"Nice meeting you Jake. Jessica pala, 19 years old din. Sige una na'ko" sabi niya habang nakangiti pero alam kong malungkot talaga siya.
"Sabay na tayo." Di ko na hinintay na makasagot siya at hinawakan ko ang kamay niya. Di siya kumontra o inalis ang kamay nila sa pagkahawak ko.
"Alam mo ang bahay ko? Sabihin mo nga , Stalker ba kita?" Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Hindi. Malamang kapitbahay kita!" Di siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Bye Jake, Bukas ulit." Sabi niya sakin habang nakangiti. Ang ganda niya talaga.
Simula nung araw na iyon, naging close kami ni Jessica. Naging mag Bestfriends kami. Umamin na din ako ng nararamdaman ko para sa kanya. Niligawan ko siya. Kaso, Di niya parin ako sinasagot pero hihintayin ko iyon kahit gaano katagal.
Jessica's POV
Naging mag Bestfriends kami ni Jake. Hanggang sa isang araw, umamin siya sakin ng nararamdaman niya. Niligawan niya ako. Kinikilig ako sa tuwing bumabanat siya ng mga cheesy lines. Tinititigan ko siya at ang gwapo pala niya. Ang galing pang kumanta. Ganito ba ang feeling ng mainlove? Mababaliw ka sa kakaisip sa kanya? Kikiligin sa tuwing gumagawa siya ng sweet gestures? Sumasaya ka kapag kasama mo siya? Oo. Ngayon alam ko na ang feeling ng mainlove. Kaya sasagutin ko na si Jake.Naging kami ni Jake. Nagtagal kami ng 3 years kahit na may mga pagtatampuhan, pagaaway o misunderstanding kami. Masaya ako na sa kanya ako na hulog. Masaya ako na siya ang minahal ko. Masaya ako na siya ang lalaking pinakasalan ko. Nagpakasal kami ni Jake. Nagkaanak kami, boy siya. Ang pangalan ay Jayjay.
So, ganito pala ang Feeling Ng Mainlove. Masaya, Nakakakilig, Nakakabaliw. Hay Buhay, parang life. Ang laki ng epekto ng LOVE sa buhay ng tao noh? Masaya ako dahil ngayon, alam ko na ang Feeling Ng Mainlove.
-The End-
-------------------------------------Cast-
Kathryn Bernardo as Jessica Mendoza
Daniel Padilla as Jake Gonzales
![](https://img.wattpad.com/cover/29449123-288-k19898.jpg)
BINABASA MO ANG
Feeling Ng Ma-InLove ( Short Story )
ContoAnong feeling ng mainlove? Masaya ba? Nakakakilig? Nakakabaliw? Ano nga ba?