"Lilac!" tawag mo sa akin pagkabukas na pagkabukas mo ng aming pintuan, rinig na rinig ko pa ang malakas at mabilis na paghinga mo habang nasa kwarto ako. napa upo agad ako sa aking higaan ng narinig ko ang boses mo.
'Ohshxt. ba't andito tong tukmol na 'to?' napahimas ako sa aking sintido, 'wala naman akong sinabi sa kanyang pumunta sya dito ah?' inalala ko ang mga taong naka usap ko kani kanina lang. 'Hmm letseng asul talaga to, sabi kong wag maingay eh' sabi ko sa aking sarili at nahilamos ko ang aking kamay sa aking mukha.
"Tita, nasaan po si Lilac?" rinig ko pang tanong mo sa mama ko na nagulat sa biglaang pagdating mo sa bahay.
"Oh Ijo andito ka na pala, tinawagan ka ba ni Lilac?"
"Hindi nga po eh, sinabi lang po sa akin ni Asul" kahit na hindi kita nakikita ay alam kong nagkakamot ka ng iyong batok na kadalasan mong ginagawa lalo na kapag kaharap ang mama ko.
"Matigas talaga ang ulo ng batang yan, sinabihan ko na sya na tawagan ka at alam kong mag aalala ka sa kalagayan nya, pero ayaw makinig." Hmp. talaga 'tong si mama oh.
"Opo, sakit sa ulo talaga yan si Lilac" at sabay pa kayong nagtawanan ng mama ko.
"Oh sige na Ijo't puntahan mo na sya sa kwarto nya."
"Sige po Tita, Thank you po."
at narinig ko na ang mabilis na pag tunog ng sapatos mo sa sahig ng bahay namin, nagtalukbong ako ng kumot at nagkunwarian akong tulog at umaasang aalis ka na lang sa bahay.Dahan-dahan lumubog ang kaliwang bahagi ng kamang hinihigaan ko, senyales na umupo ka na sa tabi ko. 'Tsk, ni hindi ko man lang naramdamang bumukas yung pinto, grabe dati bang magnanakaw 'tong lalaking 'to?' at natawa na lang ako sa naisip ko.
"Hoy." kalabit mo sa akin.
"Wag kana magtulog tulugan dyan, narinig pa kitang tumawa tss."
'Grrr. bat ba kasi pumunta pa 'to dito'
dahan-dahan kong tinanggal ang pag kakatalukbong ng kumot ko at humarap sa'yo, sinamaan kaagad kita ng tingin pagkatagpong pagkatagpo ng ating mga mata.
"Oh bat ganyan ka makatingin? ikaw na nga 'tong dinalaw tsk." sabi mo.
"Eh bat kasi pumunta ka pa? hindi naman kita sinabihang pumunta ka ah?" sabay kurot ko sa tagiliran mo. "Edi umalis ka na!" tumalikod na ako sa'yo at nagtalukbong ng kumot.
"Hoy joke lang 'to naman oh." kalabit mo ulit sa akin at akin kitang inignora. "Hmp."
"Lilac ko, sorry na." dahan-dahan mong tinanggal ang pagkakatalukbong ng kumot sa aking mukha at hinipo ang aking noo. "Oh tingnan mo may lagnat ka, sabi sakin ni asul ayaw mo daw uminom ng gamot" kwento mo sakin.
"Eh ayoko pangit lasa" at kumunot ang noo mo sa aking nasabi.
"Tsk. yan na naman. lulunukin mo naman yon agad, hindi mo na yun malalasahan." paliwanag mo pa. "Ayoko pa rin." pagmamatigas ko.
"Tsk. kulit." at biglang umalis ka sa aking kwarto.Napatingin na lang ako sa pintuang nilabasan mo, at nalungkot sa kaisipang umalis ka na dahil sa kakulitan k- - -
nang bigla kang bumalik na may dalang isang basong tubig at gamot sa iyong kamay, napangiti ako ng makita ka at malamang hindi ka pa umalis, napangiti ka rin sa akin at dahan dahang umupo ulit sa tabi ko.
"Akala mo umalis na ko no? sira, 'di kita iiwan hangga't di ka pa gumagaling." kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilang mapangiti ng malaki sa sinabi mo. "Tsk. wag mo ng pigilan yang pagngiti mo, alam kong kinikilig ka." pang aasar mo pa sakin at kinurot kita sa tagiliran mo.
"Aray ha!" napabungisngis na lang ako dahil sa itsura mo.
"Tsk. oh inumin mo na 'to." inabot mo sakin ang hawak mo, tinanggal ko ang pagkakabalot ng gamot at ininom ito. "Oh ano wala ka namang nalasahan diba? kulit mo kasi." kinurot mo ang ilong ko at hinampas ko ang kamay mo, lumapit ka pa sa akin at nilapit mo ang ulo ko sa dibdib mo.
"Sana gumaling kana agad, nag alala ko." sabi mo sa sinserong tono. napangiti ako at ninakawan ka ng halik sa pisngi.
"Isa pa nga" sabi mo pa at hinalikan ulit kita, lalong lumawak ang 'yong ngiti.
Napatingin ako sa balat ng gamot na nasa kamay ko at binasa ang brand nito. "Ritemed?" napatingin ako sayo. "Kapag kailangan ng gamot~" at dinugtungan ko ang kanta mo. "Wag mahihiyang magtanong~" at sabay tayong napatawa ng malakas.- - - - -
weeew, first time maisipan mag post. ≥﹏≤