Chapter One

16 1 0
                                    

Chapter One

“This Can't Be!”

Eunice Concepion’s POV

Maaga pa ako sa alarm ko nagising. Kahit grabe pa ang party kagabi maaga pa din ako para sa trabaho. Early bird nga talaga ako!

Matapos kong mag-unat unat at humikab nagdesisyong na ako—

“Ahhh!”,napatalon ako sa gulat ng makita ko ang paligid ko.

Mula sa dingding, sa mga furniture, sa TV na nasa harap ko at—

“H-hindi saaking bahay ito”,nasabi ko na lang out of nowhere.

Mabilis ko hinawakan ang katawan ko, nakadamit ako—no! Hindi ko damit 'to. Pero hindi naman masakit ang down there ko, kaya no rapping session ang naganap. Good, good!

Umupo ako saglit. Iniisip kung paano ako napadpad dito. Sinabi ko naman ata ng maayos sa taxi driver kung saan ang bahay ko.

“Hindi kaya, nakidnapped ako!?”,mabilis kong hinawakan ang doorknob ng pinto. Di naman naka-lock. Sinilip ko pa ang labas, nasa second floor ako.

“Hindi naman kaya nagpast out ako sa daan?”,tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang malilinis kong kuko.

Kelan pa ako nagpalinis ng kuko? Ang tangi ko lang ginagawa ay mag gupit ng kuko.

“Ipagdasal na lang natin na kinukop ako ng mabuting loob, tapos andito na”,tama, tama, hindi naman lahat ng tao masama.

Tumayo na ako't nag desisyong maligo, siguro hihiram muna ako ng damit na meron dito, tapos lalabhan ko na lang at isasauli. O kung maarte man sila bibilhan ko na lang sila, may trabaho naman ako.

Pumasok na ako sa cr. At, mayaman nga ang taong nagligtas sa buhay—

“Ma'am Eris!?”,turo ko sa salamin.

Mabilis kong tinitigan ang buong katawan ko. Malaking dibdib, makinis na balat, magandang mukha.

Mabilis akong napalunok, at tinitigan ang mukha ni Ma'am Eris na siyang gamit ko ngayon.

“Hindi naman ako nagparetoke, d'ba?”,tanong ko sa sarili, “hindi naman ata surgeon yung nag save ng life ko, di din naman ata yun ganon kaloko para palitan ako ng mukha ni Ma'am na...na...na may ugaling demonyita”,hawak ko sa mukha ko, hindi, sa mukha ni Ma'am Eris.

Gaga! Kung retoke ito, one day lang magaling na!? Abno ka ghurl?

Napangiwi ako sa naisip ko.

I'm in Ms. Eris Hondrada's body!?

It can't be! Hindi ko kaya ang level niya.

Patakbo kong kinuha ang phone ko, wala ang phone ko. Pero nakita ko ang phone ni Ma'am.

“Ano ba iyan may password?”,nairita na lang ako sa nakita ko. Six digits pa.

Nasa katawan ako ni Eris, kaya yung utak niya di ba pwedeng utak ko din? Ano na big brain of Eris? Gana gana din!

At tinuktok-tuktok ko ang ulo ko.

Tinitigan ko ng ilang minuto ang cellphone ni Ms. Eris. Malay natin biglang lumiwanag ito at—

“Emergency call?”,basa ko sa screen. Pinindot ko ito at hinanap ang number ko.

Nagring ito ng ilang segundo bago naisagot.

“Hello, Madam?”,sabi ng isang bakla sa kabilang linya.

“Nako, Bets!”,sigaw ko sa tuwa. Akala ko ako na lang talaga! Parang gusto ko ng umiyak sa sitwasyon kong ito.

Sorry But Eris Never Fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon