Chapter Two

19 1 1
                                    

"Commercial Break"

Enzelton: I just want to promote myself, you can now follow me on my instagram acc: @dr_enzeltons, wala lang trip ko lang.

If you're going to ask for my facebook nor twitter accounts, my manager already told me he will deal with it, but for now let's be thankful that I already have an instagram account! Ahoy! Uusad tayo!! New authors and future authors!

"End of Self promotion"

Chapter Two

“A Business With Eris”

Eunice Concepcion’s POV

Mukhang wala na nga talaga kaming magagawa ni Ms. Eris. Sa opisina, inaako na lang namin ang mga gawain ng isa’t isa. Maaring siya nadadalian kasi pang bobita lang ang mga pinapagawa saakin. Pero ang mga pinapagawa sakanya? which is technically saakin pinagagawa, aber, hindi madali.

Anong silbi ng pagiging big brain ni Ms. Eris kung ako ang nagamit.

Namimiss ko na si Bets. Gusto ko humingi ng tulong kay Bets pero itong si Ms. Eris ayaw. Hay nako.

Napasampal na lang ako sa noo ko, hindi, sa noo ni Ms. Eris.

“Don't you dare hurt my body, you nuts!”,sigaw niya saakin.

“S-sorry naman”,nakabusangot kong sabi.

Day off kasi namin ngayon, nagdecide si Ms. Eris na mag shopping. Noong una ayaw ko, pero dahil katawan niya ito at atm niya din, wala na ako magawa.

“Ewan ko kung ano problema mo sa buhay, pero nasa katawan kita, ayoko tumanda ng maaga”,pagsasaway niya.

“Ma'am Eris, hindi ba kayo nababagot dito?”,sabi ko at tinignan ang paligid.

Siyempre bakit naman siya mababagot e' mayaman siya, kaya niya pa ata bilhin itong buong mall. At ako? Bakit ako nababagot? 

Sure maganda ang mga damit, kahit saan ka tumingin may matitipuhan ka. Pero kasi, kanina, may simpleng damit akong nakita, as in sa sobrang simple parang plain shirt lang siya, kulay light pink, at ang presyo? Mabubuhay na ako sa isang araw. Aber, saan ko dadamputin ang dalawang libo? 

Samantalang ito si Eris, kung makatapon na lang sa cart ng damit parang isang beses niya lang gagamitin.

“Eunice, you know what? I have a plan”,sabi niya sabay nakangiting lumapit saakin. Napangiti din ako at napatingin sa salamin.

Infairness, kung tomboy ako liligawan ko ito, napangiti lang ako pero parang gusto ko na siya pakasalan, ano bang lahi meron ito na wala ako?

Tumingin naman si Ms. Eris sa tinitignan ko.

“Are you lesbian?”,diretsyahang tanong niya.

Bigla naman ako napatingin sakanya at napakunot ng noo.

Grabe, lesbian agad? Di ba pwedeng nagandahan lang?

“Oo, maganda na kayo Ma'am pero  hindi ako tomboy”,pangsisigurado ko sakanya. Bigla tuloy ako napa-question sa identity ko.

Sandaling tinignan ako nito at napatango tango.

“Anyway, kung may kababalaghan ka, wag mo gawin sa katawan ko ah”,tinignan niya muna ang down there ko at dali daling tumalikod.

Kababalaghan? Napatingin naman ako sa tinignan niya.

“Aba!”,inis na sigaw ko. Narinig ko siyang humagikgik at dali daling naglakad palayo.

Nanatili na lang akong nakaupo habang nasa tabi ang cart at binabantayan ito.

•••

Natapos na din kaming mamili ni Ms. Eris. Ang dami naming dala, ganito ba siya mamili? Mamili sa pang araw araw?

Sorry But Eris Never Fall!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon