52

365 29 27
                                    

52

Vice's POV

Nagsimula na nga ang pag-uusap ng parents, kasama si Chip-In sa loob kaya panay ang tingin ko dito para hindi sya mag-ingay. Nakikinig lang ako at hindi nakiki-osyoso pero nang magsalita yung isang batang lalaki at napatingin ako sakanya.

Palagi daw may kaaway tong Miguel na ito at ngayon lang daw sila ipinatawag sapagkat sumosobra na raw, nagtanong yung principal kung bakit nya binangga si Daniel ng malakas at ang sagot nya ay..

"Kasi may gusto sya sa pinsan ko"

Pinsan??? Pinsan nya kaya yung Kathryn?

"Anak, that's not a reasonable reason. Hindi katanggap-tanggap ang dahilan mo" paliwanag ng teacher kay Miguel.

Nang matapos ang usapan ay napagkasunduan na hindi muna papasukin si Miguel ng tatlong araw, suspended kumbaga. Nakailang reklamo na raw kasi ito kaya kailangan na ng aksyon ng magulang, baka daw mas makakabuti kung bigyan ng oras ang anak.

Pagkatapos non ay pinayagan na ng principal na umuwi si Daniel, nagkapasa kasi ito sa lakas ng bagsak.

Sakto naman na may meeting si Ion kaya inuwi nya sa bahay ng mga kaibigan nya si Daniel.

"Hindi mo ika-cancel yung meeting mo?" Tanong ko kay Ion habang nagmamaneho sya.

"Bakit ko ika-cancel?"

"Para makasama si Daniel?"

Natahimi kaming dalawa, lumipas na ang ilang minuto bago ako muling magsalita.

"Bigyan mo muna sana ng time ngayon si Daniel, kausapin mo baka may problema sya o baka naman gusto ka nyang makasama o--" hindi ko na itinuloy yung mga sasabihin ko dahil nahalata kong naiinis na si Ion saakin kaya nanahimik nalamang ako sa likod habang nilalaro si Chip-In.

Nang makauwi na kami sa bahay ay kaagad akong umakyat sa kwarto upang maligo at magbihis.

May lakad kasi ako.

"Where are you going?" Iyan ang bungad saakin ni Ion pagkababa ko.

Naka grey fitted na dress ako at nakatakong kaya halata nya na I'm going somewhere.

"May ime-meet lang" simpleng sagot ko sakanya sabay kuha ng band-aid mula sa medicine cabinet at inilagay ito saaking hita.

Pag lingon ko ay nakita kong nakatingin saakin si Ion na para bang nagtataka kung bakit ko nilagyan ng band-aid ang hita ko.

"Na kalmot ako ni Chip-In eh"

Bigla syang lumapit saakin at may kinuhang ointment sa medicine cabinet at hinila ako paupo sa couch.

"Aray ko naman!" reklamo ko pa rito sabay sinubukang tumayo.

"Wag kang malikot" 

Hindi na ako nagpumiglas kasi natakot ako sa boses nya. Nang matapos sya ay nilagyan nya ng panibagong band-aid ang kalmot ni Chip-In at itinayo ako.

"Let's go"

"Anong let's go??" Takang tanong ko sakannya.

Bangag ata ito eh wala naman  kaming usapan na may pupuntahan kami.

"We're going to a park with Daniel"

"anong park? Bakit??"

"Diba you told me na i should spend time with daniel"

"yes pero bakit kasama ako?"

"well--" Hindi natuloy ang sasabihin nya nang magring ang telepono nya.

He answered it at kaagad na ngumiti.

"Daddy is tita Vice going with us?" Bungad ni Daniel.

Wit lang naman bebe boy may planur si tita mo viceral!

Tumingin muna si Ion saakin bago sumagot.

"She's busy eh"

"B-but i want to be with tita din po kasi diba the more the merrier?"

"Yes but tita vice is busy she have other plans to do today kaya she can't com--"

Inagaw ko ang phone kay Ion at kinausap si Daniel.

"hi daniel!" Bati ko rito.

"Hi tita!, Are you coming with us to the park?"

"Y-yes of course" Napilitan kong sagot tsaka ibinalik kay Ion ang phone at hinayaan muna silang mag-usap habang ikina-cancel ang date ko. I was about to meet a stranger i met in a dating app, it's been a while since kinilig ako kaya gusto ko ulit maramdaman yung saya tuwing may nagpa-pakilg sayo.

"So let's go na?" Tanong ko kay Ion.

"No, change your outfit first"

"Anong masama sa outfit ko?"

"Maraming tao don at isa pa, park yung pupuntahan natin, paano ka mag ba-bike kung sobrang iksi ng damit na suot mo?"

"hindi naman ako mag ba-bike eh kaya halika na bago pa magbago ang isip ko!"

.........................................................

Ito ako ngayon at nami-mili ng bike na re-rentahan ko. Si daniel kasi gustong mag bike eh, gustuhin ko mang maiwan nalang sa bench sa park kaso may mga manyak doon kaya sumama nalang ako sakanila ni Ion. Marunong na mag bike si Daniel kaya may individual bike sya kaysa saamin.

"Kung gusto mo iangkas nalang kita" 

"wag na baka di moko kayanin" Pabirong sagot ko kay Ion.

"Eh hindi ka naman makakapag-bike sa ganyang suot mo....Angkas nalang!"

With no other choice ay umangkas ako sa bike na napili ni Ion, sinubukan naming sa likod ako umangkas kaso hindi kasi ako makahawak sa likuran nya kaya sa harapan nalang ako umupo. Nakakulong ako sa mga bisig nya at may pagkakataon pa na medyo lumalapit yung mukha nya sa bandang leeg ko tuwing binibilisan nya ang  pagpedal dahil hinahabol nya si Daniel.

"susunod dito sila Vhong, Jhong, Anne at Stephen" Bulong nya saakin habang nagpe-pedal.

"ahh okay"

"Okay lang ba sayo yun?, They might ask a lot of questions pero kapag naiilang ka na sabihin mo lang saakin para patigilin ko sila"

Isang tango lang ang naisagot ko dahil naka-focus ako sa dulo ng dress ko kasi medyo tumataas na sya eh.

Tumigil kami sa isang gilid kung saan tumigil rin si Daniel, may nakita kasi syang tindahan ng dirty ice-cream gusto nyang magpabili kaso ayaw ni Ion pero nagca-crave din ako kaya kinulit naming dalawa ni Daniel si Ion na bilihan kami ng ice-cream.

Hinayaan ni Ion na si Daniel na ang umorder dahil binabantayan nya ang mga bike samantalang ako ay nakatingin lang kay Daniel, medyo tumagal si Daniel sa pagbili dahil nakichika pa ang vendor sakanya, panay ang tingin nilang dalawa saamin ni Ion nang nakangiti.

Pagbalik ni Daniel ay may dala syang tatlong ice-cream at isang bente.

"hala mali ata yung sukli, give it back daniel" Utos ko kay daniel dahil sakto ang ibinigay naming pera, 60 pesos para sa tatlong tig-20 pesos na cup ng ice-cream.

"No po, the vendor give it as a compliment kasi ang cute nyo daw pong couple"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daniel.

"Kami?? Ako at ang daddy mo?"

Tumango sya tsaka inabot ang ice-cream naming dalawa ni Ion at dumiretso sya sa bike nya.

  

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon