Chapter 3 " The Agreement"

111 7 3
                                    

Deafening silence.

Yun ang naramdaman ni Elaine pagkalabas nang Tita ni Francisco. Isang bagay na hindi nya alam sa kanyang buhay dahil pag alam nyang tahimik sa bahay, either magpapatugtog sya or sya ang kakanta.

Sabi nang pamilya nya ay maganda naman ang boses nya, Parate pa nga syang sinasala sa mga singing contest at ang kanyand masterpiece? All by Myself ! Feel na feel nya ang kanta " Don't wanna be...All By Myself .. ANYMORE..." Birit sya nang Birit pag ganyan. Eh sino ba naman talaga ang gustong mag isa ? Diba wala?. 

Bigla syang napatingin sa lalaki sa kama. "Maliban nalang siguro sa mokong na ito" She whispered to herself. Making sure na sya lang talaga ang makakarining. Nakakahiya kaya nung sinabihan nya itong nag d-drugs kanina.

Kaya hayon nga, ngayon na wala syang trabaho pinursue nya nalang ang kanyang singer career kung career nga bang matatawag ang pakanta-kanta sa harap nang camera at pag upload nun sa you tube channel nya. 

Hindi din naman sya super fan nang ingay sometimes she loves silence . She loves the peace of mind it brings. Minsan nga feel na feel nyang mag self pity sa kanyang kwarto habang patay ang ilaw at maginaw ang panahon but having silence in this room with this unemotional man? Uh no...not her cup of tea. Seeing the man looking at her intently with it's cold gaze , she shiver. 

Siguro magsasalita nalang sya para hindi maging awkward ang situation. Isang Jump-start lang naman ang kailangan nya para magka fuel at magkaenergy para kausapin ito. Baka naman kahit papano kaya nyang lagyan nang kulay ang mundo nito? Everytime kasi na titingin sya dito hindi nya maiwasang malungkot. The guy is emitting a really sad aura making her want to hug and comfort the man. 

Baka naman pwede?

"Ahmmm .... Gusto mung kumain?" Simula nya pero alam naman nyang wala syang makukuhang sagot dito.

" Gusto mu Lugaw?" Patuloy nya. Nakatingin lang ito sa kanya na walang reaksyon. Bato ba ito?

" Ulam , Kanin , Gusto mu?" hay... mukhang hindi talaga effective ang powers nya dito.

In fairness sa mamang ito hah. Ito pa lang ang nakakatiis sa pagiging madaldal nya. Other would have surrender on her charm at siguro pag ngayon nakakausap nya na nang maayos.

"Francisco. uhmm, Can I call you francis? May gusto ka ba? Tubig ? Gusto mo nang tubig? anong gusto mong inumin? buko juice, calamansi juice? Huwag lang softdrinks bawal sayo. Bilhan kita. Pagkain? Ayaw mo na nang lugaw ? Ito kanin at adobo? Ayaw mo? sabihin mo ang gusto mo bilhan kita. Pramis libre to hindi ako maniningil" Patuloy na pangungulit nya na dahilan siguro para mainis ito.

" Will you Shut up !!!" Sigaw sa kanya ni Francisco. My goodness, bigla syang kinabahan. Alam mo yung feeling na parang tinamaan ka nang kulog at kidlat. Parang bigla syang nanliit at natulos sa kanyang kinatatayuan. Marunong din pala itong sumigaw.

She expected him to stay quiet or perhaps sagutin sya sa malamig nitong pakikitungo sa kanya but to shout at her? That is not right! Wala itong karapatan ! Sa kanya pa? Siya na sumagip dito?

Bigla bigla ang init nang kanyang ulo ay tumaas. She can feel her blood boiling. Kung nasa cartoon movie lang siguro sila ay makikita mo syang namumula at umuusok ang tenga at ilong sa sobrang galit at inis.

"Eh ano ba ang problema mu ha? ikaw na nga ang tinutulongan ayaw mo pa? Sobra ka pa sa mama ko na nagmemenopause ha. Ano ba ang kasalanan ko sa iyo? Kasalanan ko bang niligtas kita? eh sa gusto kong magpagood shot kay bro eh. Sumusobra kana ah. Kung hindi ka nilayasan nang tita mo diba wala na ako ngayon rito. Sabi mo kanina Leave, oh diba umalis naman ako? sabi ko sa tita mo aalis na ako , oh diba sabi nya I should stay? Look after you panga diba? Sisihin mo tita mo hindi ako. Grabe ka!" Mahabang litanya nya. Napaimpromptu speech pa sya dahil dito. Hapong hapo sya sa pangangaral dito habang pinapaypayan nang maarte ang sarili gamit ang kamay.

" Are you finish talking?" Tanong nito. Still the stern expression not leaving his handsome face.

Umirap sya dito.  Not saying yes or no to his questions but he took it as yes

" Then Good, stay quiet " dugtong nito.

Disbelief is written all over her face. This man is impossible! First time nyang makatagpo nang tulad nito. Walang paki sa mundo at sa taong nakapalibot dito.

" Hindi na ko magtataka kung single ka, wala atang makakatagal sa pagkasuplado mo" Mahina nyang sabi na narinig ata nito kasi nakita nyang tinignan sya nito nang masama.

"opo tatahimik na po, magbebehave na po"Nasabi nalang nya.

Little did she know, the last thing she said brought additional grief to Francisco.

Wala nga namang nagtagal dito. Lahat nang importante sa buhay nito ay nawawala.



Embracing Sunshine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon