Chapter 5

8.5K 413 22
                                    

NASA kalagitnaan ng last subject niya si Ria at kasalukuyang nagbibilin ang propesor nila ng paperworks na kailangan nilang gawin habang Christmas vacation nang maramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya. Napakunot noo siya at pasimpleng dinukot ang cellphone niya sa bag niya. Sino naman kayang magtetext sa kanya habang may klase? Lalo siyang nagtaka nang makitang hindi nakaregister ang number na iyon sa phonebook niya. Tuloy, kahit hindi niya ugali ay pasimple niya pa ring binuksan ang mensahe kahit nagsasalita ang prof niya sa harapan.

Kumabog ang dibdib niya nang mabasa ang maiksing mensahe. Look outside the window... Walang nakalagay na pangalan doon ngunit parang alam na niya kung kanino galing iyon. Mabilis na lumingon siya sa labas ng bintana.

Time seemed to stop moving when she saw him. Nasa hindi kalayuang parte ng parking lot ito at nakasandal sa gilid ng motorsiklo nito habang nakatingin sa classroom nila. Kung paano nito nalaman ang numero niya ay parang ayaw na niyang alamin. She knows he's someone who could do everything he wants.

Then, when she thought their eyes met, he smiled and simply waved at her. Her heart did a somersault. Bigla siyang nabaghan sa naramdaman niya. Tuloy simpleng tango lamang ang sinagot niya rito at muling tumingin sa harapan kung saan nagbibigay na ng last words for the year and prof nila.

Hindi nakaligtas sa kanya ang bulungan ng ilang mga kaklase niya na nakita na si Greg. Katunayan ay pasulyap-sulyap na ang mga ito sa labas ng bintana. She forced herself to focus her attention to their professor. Pagkuwa'y muling nagvibrate ang cellphone niya. Mahigit isang minuto muna ang pinalipas niya bago sinilip ang text message na natanggap niya.

Can't I get even a single hello there?

Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Saglit siyang nag-isip ng isasagot dito bago tumipa. You are getting too much attention. Iyon lang at muli na niyang isinilid sa bag niya ang cellphone niya. Ang balak niya ay ignorahin na lang ito. But then, she could not stop herself from glancing her way. Bahagya siyang naamuse nang makitang nagbabasa ito ng text message. Parang ang contrasting kasi sa rugged na porma nito at sa motorsiklo nito ang ginawa nito. Then, her heart felt warm when she saw him chuckle then looked her way.

Mabilis niyang inalis ang tingin dito bago pa nito makita ang munting ngiting hindi niya napigilang kumawala sa mga labi niya. Itinutok niya ang mga mata sa prof nila. Wala naman siyang naiintidihan sa mga sinasabi nito. Dahil walang ibang laman ang isip niya kung hindi ang dalanging sana ay matapos na ang klase nla.

"THAT took so long," bungad ni Greg kay Ria nang makalabas siya ng classroom at lumapit sa parking lot.

"Not really," she said indifferently. Kahit na sa totoo lamang ay tila sasabog na ang puso niya sa hindi niya maipaliwanag na emosyong nagsasalimbayan doon habang nakatitig siya rito. Ngayong maliwanag at malapit ito sa kanya ay mas napagtanto niya kung gaano ito kaguwapo. Noon niya nasiguro na talangang itim na itim ang kulay ng mga mata nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig doon.

"So, are you satisfied with the way I look?" biglang sabi nitong hindi itinago ang himig ng amusement. Mukhang nahalata nito ang pagbistay niya sa mukha nito.

Napakurap siya at nag-iwas ng tingin upang itago ang pagkapahiya. Hinanap niya ang kotse niya at si Rene. Ngunit wala iyon doon. Sa pagkakatanda niya ay sinabi ni Rene na doon lamang ito maghihintay sa kanya.

"Kung hinahanap mo si Rene, pinagmerienda ko muna," biglang sabi nito.

Manghang napatingin na naman siya rito. "Pinagmerienda? Pumayag siyang iwan ako?" tanong niya.

Imposible ang sinasabi nito. Kagabi lamang, nang dumating sila ni Rene sa bahay ay agad itong napagalitan. Pinagtanggol niya ito sa mga magulang niya na nakaabang na pala sa kanila. Sinabi niya ang palusot na naisip niya. Naniwala naman ang mga ito sa labis niyang pagpapasalamat. Ngunit mahigpit na ibinilin ng mga ito kay Rene na huwag na huwag na siyang iiwan. Ano't napaalis ito ng lalaking ito?

TIBC BOOK 1 - THE RUGGED KNIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon