Tila'y isang diwatang prinsesa ang iniluwa mula sa isang itim na kotse suot suot ang isang napakaganda't magarang puting damit pang kasal. Hindi mapagsidlan ang saya't tuwa nito na makikita sa kanyang mga labi. Nagkikislapang mga mata, na sadyang bumagay sa mala anghel na hugis nitong hugis na mukha.
" Sunmie, ang ganda mooooo ! Finally. Ilang oras nalang magiging isang ganap na Mrs. Brenman kana ni papa GG. " Kantyaw nitong kaibigan niyang si Cherish na siyang bridesmaid niya.
" Hahaha ! Kaya nga ii. Akalain mo yun, mapapasakin talaga yung hearthrob ng university natin. " Nakangiti niyang tugon habang inaamoy amoy ang mapupulang rosas na hawak hawak niya.
" Kaya ikaw na ang napakaswerte sa buong batch dahil yung dream boy ng lahat, taken mo na ngayon. Take note huh? First love mo pa ang nakatuluyan mo. I'm happy for you beshtea. Sana maging ganap ka ng masaya sa piling niya. " Saad ulit ni Cherish.
" Mamatay sila sa inggit ngayon, dahil akina siya ng buong buo mamayang gabi. Hahaha !" Malokong tugon niya ulit sa kaibigan.
" Oy beshtea, ikaw huh ! Baka mamaya niyan pagurin mo naman masyado si papa G. " Tukso ulit ni Cherish.
" Hahaha ! Ano kaba? Depende yun sa level ng performance namin hahaha ! Kung makarami e di maganda, makakabuo agad. Kung hindi naman, okay na din. Pahinga lang tas balikan nalang ulit yung naudlot na business hahahaha ! " Ani niya na may pagka pilya sa mga mata.
Makalipas ang tatlumpong minuto, lumapit sa kanila ang kanilang kaibigang si Stephen na siyang magiging wedding photograper niya sa kanyang kasal.
" Oy Sunmie, asan na yung groom mo? Ilang minuto na lang magsisimula na yung seremonya ah ?" Bahagya namang nagulatt itong si Sunny sa kanyang narinig.
" Ano kamo? Wala pa ang groom? Seryoso ka? Nauna na lahat lahat ng bisita dito sa simbahan pati pari't bride pero lintik na groom ang wala pa? Tama ba yung narinig ko tipi?" Pag iinit na saad ni Cherish kay Stephen.
" Hala mga inday ! Seryoso nga ako. Kala ko naman alam niyo. Di ba kayo mag kateks ni Gavin, Sunmie?" Tanung ni tephen.
Nagsimula ng mamutla itong si Summer.
" Sa--sandali, ka-kayo naman. Bba-baka nalate lang o--or natrapik. Let's just wait. Maya maya na dadating na siya. Okay !" Pilit na ngiti nitong saad ngunit sa likod nito ay ang bilis ng tibok ng puso niya,
" Wait, I'll call him now." Ani ni Cherish. Saka dali daling kinuha ang phone sa kanyang red pouch saka dali dali nitong idinial. Ngunit nakaka sampung dial na siya ay hindi pa rin ito makontak. Kaya napatingin ito kay Sunmie.
" Beshtea, wala pa din." Malungkot na tingin nito sa kaibigang bride na halatang may kutob na sa gagawin ng groom sa kanyang kaibigan
Lumipas na ang tatlumpong minuto ulit ngunit wala pa ring kontak o teks itong groom niya. Napalunok na siya ng sunod sunod si Sunmie, saka kinakagat kagat na ang mga kuko niya, nagsimula na rin siyang mamula. Ganito siya sa tuwing kinakabahan.
" Beshtea, ba--baka ---" Ani ni Cherish saka tumingin kay Stephen na nakakakutob na rin.
" Sunmie, baka naman nagbago na isip ni GG at di na sumipot sa kasal?" Pahayag ni Stephen na hindi makatingin kay Sunmie.
" Imposible, wag ka ngang nega. Nagmamahalan kaya kami. Matagal naming hinintay tung araw na tuh, pinaghirapan at pinag ipunan namin din tu ng sabay kaya imposible yang iniisip niyo. Kaya kayong dalawa wag kayong praning okay? Mahal ako ni GG kaya sisipot yun umulan, bumagyo, bumaha, o lumindol. " Pahayag ni Sunmie na ramdam at pansin naman ng mga kaibigan nito ang pagkabalisa na.
BINABASA MO ANG
Sunny Summer
RomanceNaiwang sawi't luhaan sa harapan ng malaking simbahan ang bride na si Summer ng hindi siya siputin ng kanyang groom, pitong taon na ang nakalilipas. At kasabay din nung araw na yun ay isinumpa niya sa harapan ng simbahan na sa oras na muling magtagp...