KABANATA 1

8 0 0
                                    

SABI nila, first love will never die daw ngunit para kay Summer yun ay para lang sa mga may masasayang karanasan o alaala ng kanilang unang pag ibig.

Dahil para sa kanya, ang first love niya ang pinaka gusto niyang patayin.

Bitter ba? Hindi naman--medyo. Yata--Siguro.OO !

Napapabuga sa hangin si Summer habang nagdodoor bell sa harapan ng isang malaking mansion. Sinigurado din niya kay Cherish na sa bahay ng taong yun siya mapupunta.

Ngunit sigurado na nga ba siya sa dito? Nakahanda na nga ba talaga siyang makita ang lalaking nag iwan ng malaking sugat sa kanyang puso? Nakahanda na kaya siyang maglandas muli ang kanilang mga mata sa oras na makita niya ito? Nakahanda na nga ba siyang balikan lahat lahat ang kirot at sakit na naramdaman niya nuong araw na yun?

May panahon pa para mag walk out sa plano.May panahon pa para mag bago ang isip, ngunit sadyang malakas ang loob niya para ituloy ang lahat ng mga pinaghirapan niya makarating lang sa kinatatayuan niya na ngayon.

Maniningil lang naman siya sa taong may atraso sa kanya, pagkatapos ay aalis na siya. Maglalaho ng parang bula sa buhay nito. Sana lang ay hindi siya makilala nito dahil mula sa pinakamaliit na detalye ay pinagplanuhan niyang maigi't mabut kung magiging sino ba siya sa oras na makaharap niya ang lalaking iyun.

Bahagya siyang napangiwi at muling napabuga sa hangin. Ramdam niya ang bawat bilis ng pintig ng puso niya dahilan para mapa kagat siya sa labi niya. Anu na kaya ang itsura nito ngayon?

Ilang sandali lang ay bumukas na ang malaking pintuan ng mansion at bumungad sa kanyang harapan ang isang ginang na nasa katandaan na. Mabilis siyang pinapasok nito sa loob ng mansion. Maganda, elegante at napakalawak ng kabuuan ng pamamahay nito. Sandali naman siyang iniwan sa kalawakan ng sala ng tawagin ng ginang ang amo nito.

At habang naghihintay siya, hindi niya na pinalagpas ng kanyang mga mata ang kabuuan ng kabahayan upang pagmasadan ito.

Maya-maya ay may nahagip ang kanyang mga mata na larawan na nakapatong sa isang piano. Napakunot noo siya ng makilalanlan kung sino ang nasa larawang iyun na ngiting ngiti, tila ba'y walang kasalanang nagawa sa mundo.

" Kapal ng mukha mo. Anung karapatan mong ngumiti ngiti diyan huh? Sa tingin mo ikinagwapo mo na yang pag ngiti ngiti mo diyan huh? Tingin mo ba tatanggapin ka sa langit huh dahil gwapo ka? Ulol ! Di mo maloloko si San Pedro, sabay tayong aakyat sa impyerno, dun magkikita kayo ng tatay mong si Satanas. Tingnan lang natin kung makangiti ka pa sa paniningil ko sa atraso mo saaking hayp ka."

" At sinong hayp ang tinutukoy mo?"

Halos mapaiktad siya ng marinig ang baritonong bosses nito na nagmumula sa kanyang likuran. Yung boses niya na wala pa ring pinagbago, mas lalong naging buo pa ito ngayon.Napakapa naman siya sa dibdib niya ng bigla niyang maramdaman ang bilis ng pintig ng puso niya. Napapikit siya, bakit parang may kirot siyang naramdaman? Bakit ganun? Napapikit siya saka inayos ang suot suot nitong salamin saka bumuntong hininga at dahan dahang umikot paharap dito saka ngumiti at tinitigan ito mata sa mata saka nagsalita.

" Ikaw---este yung driver po. Oo ikaw-- este yung driver nga ulit hehe ! Ang mahal kasi ng siningil na pamasahe sakin--" Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay agad na itong pinutol ng binata.

" I don't care. Problema mo na yun. Manang pakihatid na po siya sa maids room at pakibigyan nalang din ng uniform. "

Napakunot noo naman si Summer.Saka bumulong bulong.

Mas lalo ka ngang gumwapo pero kabaliktaran naman nuon ang pag uugali mo. Mas lalong lumala.

Pero mabilis naman nagbago ang anyo ng mukha niya ng tingnan ulit siya ng lalaki na tila narinig siya nito sa sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunny SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon