Nagkamali ka na nung una,
Sampung beses- hindi, ilang ulit pa.
Sa salita mo, sa gawa, walang nag-iba.
Lahat masakit, at tuluyan akong giniba.Hindi na aalalahanin ang 'yong salita,
'pagkat tila basura at hindi nagtugma.
Tingnan mong mariin aking mga mata,
Ang sakit ba'y hindi pa rin alintana?Hanapin mo ako sa ilalim ng dagat.
Dahil nang minsang lumubog, hindi na umangat.
Damhin mo ang lamig, ang sakit, ang pait.
At ang mahina kong loob ay 'di na makakapit.Hangin man ang bawat kong salita,
Sinta, sayo lamang itong bawat talata.
Pero kahit ganon, buksan mo ang mata,
Na binulag nitong mundong maralita.