Chapter 2

8 1 0
                                    

Hi! Sorry for super duper late update. Busy lang sa New Normal as a College student ngayong pandemic. Hectic lang sa mga gawain sa acads. So bawi na lang ako. Thanks for reading! Enjoy!😘

Katarina's POV

"But it's June 20, 2018 na ngayon." Pagtatama sa akin ni Doc. Bryle na siyang ikinagulat ko. 2018 na ngayon? Imposible! Paanong nangyari iyon? Pagkausap ko sa sarili ko.

"Imposible ang sinasabi mo. Nagsisinungaling ka lang" Nanglalaki ang mga matang pangaakusa ko sa doctor.

"Damn it Cassiopeia! Bryle's not lying. You are!" Pagalit na sagot sa akin ni Drake.

"Hindi nga ako nagsisinungaling! Ni hindi nga kita kilala! Kaya paano mo nasasabi iyan?!" Pasigaw ko ding sagot dahil sa daming katanungan pumapasok sa aking isipan. Masyado na kong nalilito sa mga kaganapang nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung anong sinasabi nila. Hindi ko na din alam kung anong papaniwalaan ko.

"Both of you calm down okay?" Mahinahong pumagitna sa amin nung lalaking nag-ngangalang Drake si Doc. Bryle.

"Kung iyon ang naaalala mo ay naiintindihan kita. Wag mong pwersahin ang sarili mong alalahanin ang mga bagay na nawala sa iyong isip. Hayaan mong kusa mo itong maalala. I'll be honest with you Cassiop- I-i mean Katrina, you don't have any brain damage base on your lab results. So it means you don't have amnesia. But don't worry I'll try to figure out what cause you to forget your memories." Sabi sa akin ng doctor. Muntik na niya akong tawagin sa pangalang Cassiopeia pero tumikhim ito at binago ang itinawag sa aking pangalan. Pero nakakapagtakang iyon ang tawag nila sa akin, pero ang mas nakakapagtaka ay ang kaalamang may asawa na ako. Lihim kong sinulyapan ang lalaking nagsabing asawa ko raw siya at nahuli ko itong nakatingin din sa akin, mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya sa tumikhim upang maibaling ko ng ayos ang atensyon ko sa doctor.

"Doc. Bryle, gusto ko na sanang umuwi. Kailan ba ako pwedeng madischarge dito?" Tanong ko sa doctor. Hindi ako mapapanatag kung magtatagal ako dito sa hospital. Pakiramdam ko bumabalik ako sa nakaraan dahil nasa hospital ako. Kailangan ko ng makaalis dito. Mawawala ata ako sa katinuan pag nagtagal pa ako dito. Sana pumayag na ang doctor na madischarge ako para makaalis na ako sa nakakatakot na lugar na ito. Piping dalangin ko sa aking isip.

"Oh about that, you still need to stay here for about 3 days then i'll discharge you after 3 days. Sa bahay nyo na lang ituloy ang bed rest dahil mukhang hindi ka komportable dito sa hospital." Nakangiting sagot sa akin ni Doc. Bryle. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Kaya ko pa naman sigurong tiisin ang tatlong araw na pamamalagi dito sa hospital. Napansin din pala ni Doc. Bryle na hindi ako komportable dito sa hospital. Anang ko sa aking isipan.

"You should take a rest now, para mas mapabilis ang recovery mo. I'll go ahead." Paalala ni Doc. Bryle sa akin bago siya nagpaalam. Nang makalabas ng kwarto si Doc. Bryle naiwan kami ng lalaking nagsabi asawa niya ako, kung di ako nagkakamali Drake ang pangalan niya. Walang kumikibo sa aming dalawa, na nakatulong din naman dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. May kaunting takot akong nadarama sa dibdib ko dahil sa huling nangyari sa aming dalawa at naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari dahil wala talaga akong maalala na kahit ano.

Naputol ang katahimikan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang lingunin ko siya likod na lang niya ang nakita ko habang papalabas ng kwarto.

Nang maiwan akong magisa sa kwarto doon ko lang naramdaman ang nakakatakot na pakiramdam na pilit kong nilalabanan. Mas matindi ito kesa sa takot na nararamdaman ko habang kasama ko si Drake sa kwarto. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at saka nagisip ng magagandang bagay na maaaring makatulong sa akin upang maibsan ang takot na nadarama ko. Di rin nagtagal ay bumukas muli ang pintuan at iniluwa niyon si Drake. Sinusundan ko lang ang bawat galaw niya hanggang sa lumapit siya sa mesa na nasa gilid ko, doon ko lang napansin ang dala dala niyang supot. Mukhang bumili siya sa labas. Kaya siguro nagtagal din siya sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Not His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon