Chapter 1

3.4K 145 12
                                    

#EmbracingDarknessCh1

Adams

"GOOD morning world!" matinis na sigaw ko pagkamulat ng mga mata ko. Agad kong kinuha ang salamin sa side table at minasdan ang pretty face ko.

"Why are you so pretty self?" nangingiti kong kausap sa sarili ko.

"Malala ka na, Ate..."

Bumaling ako sa pinto at nakitang nakasandal doon ang nakababata kong kapatid na si Clarence. Sumimangot ako at bumangon. Lumapit ako sa kanya at pinitik ko ang noo niya.

"Hey!" sigaw niya sa akin kaya umamba ulit akong pipitikin ko siya.

"Hey? I'm your Ate ah baka nafo-forget mo! Bakit ka pumapasok sa room ko huh? Ni hindi ka man lang kumatok--"

"Kumatok ako, tulog mantika ka lang talaga. Bilisan mo raw kumilos, ihahatid ka ni Daddy," saad niya na agad akong tinalikuran habang iiling-iling pa.

Umismid ako. Masyado niyang iniidolo ang kakambal ko pati pagsusungit kuhang-kuha niya na.

Huminga ako nang malalim at ngumiti. Bawal ang bad vibes today. Nakangiting tinungo ko ang restroom pero bago iyon ay kinausap ko muna ang poster na nasa dingding.

"Good morning dark, my loves!"

Bago ako nagtungo sa banyo ay binuksan ko ang player ko at umalingawngaw ang magandang boses ng lalaking pinapangarap ko.

Hindi pa rin maalis ang ngiti ko nang magtungo ako sa dining area kung saan nag-uumpisa nang magkulitan ang mga kapatid kong kambal. Si Clarence na masama na naman yata ang gising. Siyempre ang parents ko na hindi na nawalan ng sweetness sa isa't-isa.

"Good morning My!" halik ko sa pisngi ni Mommy matapos ay parang batang yumakap ako sa leeg ng daddy ko.

"Good morning sa pinaka-handsome na Daddy ko!"

"Good morning din sa pinakamagandang prinsesa ko."

Naupo ako at ganadong nilagyan ng pagkain ang plato ko matapos kong isa-isang kurutin sa pisngi ang kambal na sa wakas ay natahimik nang ilapag ni Manang ang pancake sa harap nila.

"Ready for school?"

"Super readyyyyy!"

Umismid si Clarence sa pag-iingay ko pero hindi ko na lang siya pinansin dahil walang puwedeng makasira ng araw ko.

"Are you sure decided ka na sa Adams ka mag-aaral? You can still withdraw it at sa Clinton ka pumasok," saad ni Daddy na siyang nagpawala ng ngiti ko.

"Dad, okay naman kasi sa Adams and they're known for their academic standings especially when it comes to music."

"Still--"

"Cloud, hayaan mo na si Claudi sa gusto niya."

Doon lang natahimik ang Daddy at hindi na muling nagsalita pa. Ngumiti ako kay Mommy at muling nagpatuloy sa pagkain.

Marami akong inapplayan na university including Clinton na siyang gusto ng Daddy ko dahil doon nag-aaral si Klode but I decided na sa Adams pumasok dahil sa isang rason. Rather, dahil sa isang tao.

"Daddy para saan pa at pinaturuan mo 'ko sa driving school tapos binilan mo pa ko ng car. Why can't I use it? May license na rin naman me!" nagmamaktol kong saad sa ama kong tinawanan lang ako.

Kahit na labag sa loob ko ay pumasok ako sa kotse niya.

"First day mo ngayon baby--"

"Dad! Sabi ng lady eh! Hindi na nga me baby."

Embracing DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon