Chapter 8

2K 111 11
                                    

#EmbracingDarknessCH8

Want

IT'S a child-like smile. That's what I'm seeing right now in Darks' face. Hindi ko rin tuloy magawang mapigilang mapangiti.

"Don't keep your hopes up, Didi," sabi ni Night na siyang nakapagpaalis ng ngiting iyon sa labi ni Dark.

I wonder what they're talking about? Ano kayang nangyari sa Mommy nila?

"Ge, she said it, we have the same eyes. Siya 'yon nararamdaman ko, saka isa pa walang ibang nakakaalam ng piyesa na 'yan maliban sa kanya," mariing saad ni Dark.

"I know, kung siya nga iyon, what are the odds that she's still there?"

Natahimik si Dark at kuyom ang kamaong napayuko.

Napalunok ako nang lingunin ako ng magkapatid makalipas ang nakabibinging katahimikan. "Can you tell us where is that place?" tanong sa akin ni Dark.

Tumango ako at magsasalita na sana nang tumikhim si Night.

"Before you answer Didi's question. Tell us what you want in return."

Napatanga ako sa sinabi ni Night. "Gusto kong kapalit? H-Hindi na kailangan—"

"I insist. Walang pabor na ibinibigay sa Tiangco na walang kapalit. That's our family's rule, Claudine," nakangiti niyang saad pero nasa mga mata ang kaseryosohan.

"Just tell us what you want," sambit ni Dark na mukhang gusto pa akong alugin para lang magsalita.

Tinitigan ko siya. Mula sa buhok niyang bagama't magulo ay hindi nakabawas sa kaguwapuhan niya. Pababa sa mga mata niyang kulay brown at malalim kung tumingin. Matangos na ilong. Labi na mamula-mula at malambot.

I want you...

"What?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa singhal ni Dark at sa malakas na pagtawa ni Night. Napanganga ako at natakpan ang bibig ko napagtantong hindi ko sa isip nasabi ang mga salitang 'yon.

"M-May sinabi ba ako?" nauutal kong tanong sa kanila kahit na alam ko na ang sagot.

Tumigil sa pagtawa si Night pero hindi na nawala ang masayang ngiti sa labi niya habang ang kapatid niya ay napapailing habang nakatingin sa akin.

"You said you want my brother—"

"H-Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," pagputol ko sa kahihiyang sinasabi ni Night.

Liar!

Tumaas ang kilay ni Night at matiim akong pinagmasdan ni Dark pero agad kong iniwas ang tingin sa kanya, mas pinili kong salubungin ang nanunudyong tingin ni Night.

"I-I mean, I want him..." Isip-isip! "...to be my date in our a-acquaintance party!" halos mabulol kong pagpapatuloy. Napapikit ako sa kahihiyan.

This is so nakakahiya! I asked him to be my date in front of his older brother?! Really? Kung nandito lang ang Daddy ay baka hinila ako no'n at kinulong sa kuwarto ko...

Dumilat ako at nagtagpo ang tingin namin ni Dark. "Fine. But I won't be able to pick you up—"

"You're his date. Saan ka nakakita ng date na hindi sinusundo ang kaparehas niya?"

"Gege! For sure, we'll be the guest performer for that night. I have to be there early—"

"You don't have to. Kaya na nila Rex, na sila ang mauna."

"What about the rumors that will stir up—"

"Kailan ka pa natakot sa rumors and scandals, Didi? If that's what you're worrying then I'll make sure na walang lalabas na balita tungkol sa inyong dalawa."

Embracing DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon