"Scarlet, baby wake up!" malakas na boses ni mommy ang gumising sa mahimbing kong tulog. "What time is it mommy?" tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata.
"7:00 am baby" sagot ni mommy sa aking tanong. At ano daw "7:00 am?!!" sigaw ko dahil 7:30 ang pasok ko.
Dali dali akong kumuha ng twalya at dumiretso sa banyo. "Make it faster baby, your brother is already waiting for you outside!" dinig kong sigaw ni mommy. Aish bakit kasi di ako agad ginising diba? Pagkatapos kong maligo ay inayos kona ang mga gamit ko at kumuha ng dalawang toast bread pagkatapos ay dumiretso na sa sasakyan kung saan naghihintay si kuya.
"Why are you late?" tanong ni kuya habang pinapaandar ang sasakyan. Kung ginising niya kaya ako edi sana maaga kami nakapunta sa school tss. "Late ko na kasing inayos gamit ko kagabi mga 1am" sagot ko habang kinakain ang toast bread na kinuha ko sa kusina kanina. Sinamaan lang niya ako ng tingin.
Pagkadating sa school ay sinamahan muna ako ni kuya sa classroom kaya kaliwa't kanan ang tinginan ng mga estudyante dahil kay kuya.
My older brother was famous while I was simple. Simpli lang naman talaga kase hindi naman ako nerd and hindi rin palaayos basta simpli lang. Pagkapasok ko sa school ay siyang pagdating ng aming guro sa unang klase. Si kuya ay dumiretso na sa kanilang building.
Kasama ng aming guro ang isang lalaking ngayon ko lang nakita, mukhang transferee. Hinanap ko ang pangalan ko sa mga upuan at ng nakita ko ay umupo nako tsaka nanahimik.
"Since magkakaklasi na kayo last school year ako nalang ang magpapakilala, I'm Amy Bartalome your science teacher and also your adviser for this school year, you can call me Miss Amy." Sabi ni kuya paiba iba ng mood si Miss Amy pero kilala na niya lahat ng estudyante kahit bago ka palang, hindi nako magtataka kung kilala na niya kami kaya siguro hindi nakami nag pakilala isa isa.
"By the way you have a new classmate." Tinuro ni Miss Amy yung kasama nyang lalaki at pinapunta sa harapan. Sabi na e.
Nagsimula nang magbulung bulungan ang aking mga kaklase, ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kawalan, dati na akong ganito pero seryoso ako sa pag aaral.
"My name is Dominic Zac Ferrer" pakilala ng transferee, binaling ko ang tingin ko sakanya pagkatapos ay tumingin ulit sa kawalan.
"Okay, Dominic Zac sit next to scarlet."
Bigla akong umayos ng upo dahil sa narinig ko,alam kong walang nakaupo sa tabi ko dahil walang pangalang nakalagay sa upuan, nakasanayan kona to noon pa tapos ngayon biglang may katabi ako? Hindi ako sanay!
What the hell!
Inikot ko ang tingin ko sa room at ako lang ang walang katabi.
Okay i can't do anything!
"Can i sit here?" ofcourse not! "yes" simpling sagot ko, malamang yan yung sinabi ni miss Amy na uupuan mo tsaka wala naman akong magagawa e. Umupo siya at nagsimula ng mag discuss si Miss Amy.
Sa mga sumunod na subject ay nagpakilala kami isa isa, nang binalingan ko ng tingin ang transferee ay nakatingin ito sa akin. Seriously? Anong tinitingin tingin nito.
"Okay class that's all for today, take your break." Pinalabas nadin kami ng p.e teacher namin na puro exercise ang pinagawa grabe talaga tong si ser Fred, teacher din namin ito last school year. Exercise din yung pinagawa niya samin nung first day of school tapos the second day noon ay dun palang nagpakilala, weird.
Dahil p.e namin ay naka p.e uniform ako kaya nagbihis muna ako bago dumiretso sa cafeteria.
"Scarlet!" napatingin ako sa kaibigan ko na mukhang kanina pa ako hinihintay, dahil may mga pagkain na sa mesa namin.
YOU ARE READING
Accepting the stars (book 1)
RomanceMasakit magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang mahalin pabalik.Masakit umasa, hindi mo alam kung kailan ka hihinto, kung kailan ka ba dapat sumuko.Masakit ang magmahal, kaya bago mo subukan ito siguraduhin mong handa ka sa lahat. Isang babae an...